19

3.7K 57 0
                                    

Isang magandang babae ang lumapit sa amin. Kasing tangkad ko ito. Balingkinitan ang katawan. Kulot ang dulo ng mahaba nitong buhok. Matangos ang ilong katulad kay Dave at maninipis din ang labi. Ito siguro si Beatrice?

Hinalikan nya sa pisngi si Dave at niyakap. Tinignan naman ako nito at tipid na ngumiti.

"Woaah. You're here. Kailan pa?" tanong ni Dave sa kanya. Tumawa naman ang babae.

"Last week I guess? You're too busy kaya hindi mo nalaman na andito na ako. Buti nalang Mom invited you for dinner." nakangusong sabi nito. Pinisil naman ni Dave ang ilong nya.

Kinuha naman ni Dave ang kamay ko at pinalapit sa kanya.

"I guess Mom told you about her? This is Laila, my girlfriend." pakilala ni Dave sa akin. Ngumiti ang babae at hinalikan ako sa pisngi.

"Its nice to meet you, finally." tipid na ngiti nito.


"Bea." nagbabantang tono ni Dave. Huh? Anong nangyari?

Ngumiti nalang ako sa kanya. "Magandang gabi." tumango naman din ito sa akin at tinignan si Dave.

"I hope this is serious this time. She seem so nice to me. I'm warning you."

Kung si Dave ay nakakadagdag gwapo lang ang pagiging seryoso, oh ako lang ang hindi natatakot sa kanya?, 'etong si  Beatrice naman ay mukhang nakakatakot kahit na maganda ang mukha. Sa tinig nito ay para n'yang sinasabi sayo na kailangan mong matakot sa kanya. May otoridad bawat bigkas ng salita.


"Tss." ismid ni Dave. Pinulupot ni Dave ang kamay nya sa bewang ko at tinignan ako. Ngumiti ito kaya ngumiti din ako.


"We're here for dinner. Where's Mom and Dad?" baling nito kay Beatrice. Sinulyapan muna nito ang kamay ni Dave na nasa bewang ko at saka ngumiti.

"Sa kitchen. Hindi pa nila alam na andito na kayo. Let's go." ngumiti ito sa akin. Namula naman ako. Sanay ako sa kapatid na babae pero hindi ko alam kung bakit nahihiya ako sa presensya ni Beatrice. Hindi ko alam kung sa awra nya ba o dahil kapatid sya ni Dave?


Bago makapunta sa kusina ay madadaanan ang isang mahabang lamesa. May mga plato at kutsara na naroon na. May mga iilang pagkain na ding nakahanda. Kaliwa't kanan ang mga aligagang mga katulang nila.

Pagkapasok ng kusina ay andoon ang dalawang tao na nakita ko sa picture sa sala. Isang matangkad na babae at lalaki. Ang babae ay nagsasalin ng ulam sa mangkok habang ang lalaki naman ay tinititigan lamang sya habang gumagawa ang babae. Makikita mo ang pagmamahal sa bawat titig ng lalaki para sa babae. Naalala ko tuloy sila Inay at Itay. Ganito sila sa probinsya.

"Ehem. They're here." kunyaring ubo ni Beatrice.

Lumingon naman ang babae sa amin at nanlaki ang mata. Tinanggal nito ang gloves sa kamay at agarang pumunta sa gawi namin.

"OMG. You're so beautiful." diretsong sabi nito sa akin at saka niyakap. Parehas sila ng sigla sa boses ni Beatrice kanina. Magnanay nga ang dalawa.

Gumanti nalang ako sa yakap nya dahil hindi ko naman ang alam ang gagawin. Ngayon lang nangyari ito sa akin. Alam kong namumula na din ako. Nag-iinit ang pisngi ko dahil sa nahihiya ako.

"Ah. Magandang gabi ho." umiling iling ito at niyakap ako ulit.

"Ehem Mom. That's my girl. 'Wag mo namang takutin." natatawang sabi ni Dave.

Agaran namang kumalas sa yakap ang Nanay ni Dave at nag-aalalang tinignan ako.

"OMG. Did I scared you? Natakot ka ba? Sorry." ikinumpas ko naman ang kamay ko sa ere na parang nagsasabing hindi. Loko talaga 'to si Dave. Bakit ba nya kailangang sabihin pa iyon?

"Naku Ma'am. Hindi po. Hindi po." sumimangot naman ito sa akin kaya ako naman ang nataranta. May nagawa na ba akong mali? Huhuhuhu ano na ang gagawin ko?


"Don't call me Ma'am, call me Tita Maricel. Okay?" ngiti nito sa akin. Sinasabi nya bang tawagin ko syang Tita nalang? Ah. Katulad sa Nanay ni Betty, ganun din kasi ang sinabi sa akin. Ganoon ba kapag mayayaman?


"Sige po, Tita." ngumiti din ito sa akin at saka ipinulupot ang braso nya sa braso ko. Nabigla naman ako ngunit sumunod nalang.

Pumunta kami sa pwesto nya kanina kung saan sya nagsasalin ng ulam sa mangkok.

"Mom, I'm your son. Don't let my girlfriend far away from me." nakabusangot na sabi ni Dave. Narinig ko ang tawa ng Tatay nya kasama ni Beatrice.

"She's mine, son. Wait us sa dining table. Okay?" masuyong sabi nito sa kanya. Hala! Iiwan nya kami? Baka magtanong naman ang Mama nya sa akin.

Tinignan ko si Dave at nagpaawa ng mukha. Baka magtanong ang Nanay nya at walang akong masagot. Ngunit ngumiti lang si Dave sa akin at sa Nanay nya. Hindi nya ba nakuha ang senyas kong 'wag syang umalis?

"Okay, Mom. 'Wag mo lang syang takutin at baka iwan ako nyan." natatawang sabi ni Dave rito. Sumimangot naman ang Mama nya ngunit ngumiti rin. Sumenyas na ito na umalis na sila kaya umalis na si Dave kasama ni Beatrice.

"Oh? What are you waiting for? Girl's talk, Love." masungit na sabi nito sa asawa nya. Tumawa naman ang lalaki at lumapit sa akin.

"I'm David. Just call me Tito David okay?" ngiti nito.

"Thank you for coming into my son's life." dagdag nito. Tumango nalang ako sa kanya at ngumiti. Umalis na din ito at lumabas ng kusina.

"Hmm. Ano ang name mo iha?" masuyong tanong ni Tita Maricel sa akin. Kinabahan naman agad ako. 'Eto na nga ba ang sinasabi ko e.

"Laila po. Laila Dominguez." tumango tango naman ito.


Nahihirapan ata syang isalin ang ulam sa mangkok kaya hinawakan ko ang mangkok para hindi ito gumalaw habang sinasalin nya ang ulam.


"Alam mo ba magluto iha?" tanong nito sa akin.


"Opo. Tinuruan po ako ng Nanay ko." ngumiti naman ito sa akin. Nang masalin nya na lahat ay binaling nya na ang atensyon nya sa akin. Pinagpapawisan na ako pero hindi ko pinapahalata. Ayokong mapahiya si Dave kung sakali sa harap ng pamilya nya ng dahil sa akin.


"Salamat ha. Salamat at dumating ka sa buhay ng anak ko. Alagaan mo sya. Kung may pagkakamali sya hingian mo sya ng explanation. 'Wag mo syang sasaktan. 'Wag mong iiwan ang anak ko, Laila. Baka hindi nya na kayanin." malungkot na sabi nito ngunit may tipid na ngiti parin sa labi.

Hindi ko naman talaga kayang saktan si Dave. Aalagaan ko rin sya dahil p.a nya ako at trabaho ko naman talaga iyon. At lalong hindi ko sya iiwan. Amo ko sya ngunit magkaibigan din kami. Sya ang pangalawa at natatangi kong kaibigan bukod kay Betty. Pinapahalagahan ko sya tulad ng pagpapahalaga ko sa pagkakaibigan namin ni Betty.


"Aalagaan ko po sya Tita at hindi iiwan." nakangiti kong sabi sa kanya. Ngumiti din ito sa akin at niyakap ako.


"Promise me Laila. Mangako ka."


"Pangako po." kumalas ito sa yakap sa akin at pinunasan ang butil ng luha sa mata nya. Umiyak sya? Napaiyak ko ba sya?


Natataranta naman akong tinignan sya. May nagawa ba akong mali? Bakit sya umiyak?


"Ayos lang po ba kayo? May nagawa po ba ako?" tumawa naman ito sa akin at hinawakan ang braso ko.


"Wala ito iha. Tears of joy 'to. Masaya lamang ako." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. Akala ko naman ay may nagawa na ako sa kanya.


"Let's go. Kumain na muna tayo." kinuha nito ang isang mangkok. Dalawa pala ito. Kinuha ko din ang isa at ngumiti sa kanya at nagtungo sa kinaroroonan nila Dave.

HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon