Nagising ako na medyo maingay ang paligid. Agad akong nagmulat ng mata at inilinga ang paligid. Abala ang mga tauhan ni Marc na kasama namin dito sa kwarto.
"Ma'am, dito po muna kayo. Mahigpit pong bilin ni Sir Marc na 'wag kayong lalabas dito sa kwarto dahil napakadelikado." ang sabi ng isa ng lapitan niya ako.
Hindi ko maintindihan. Ano bang nangyaryari?
May mga dalang matataas ng kalibre ng baril ang iilan sa kanila at nakapalibot lamang sa akin. Tumango lamang ako at hindi na nagtanong. Nagmamadali kasi sila at abala pa.
"Be alert. Sa kanila itong bayan na ito. Alam nila ang pasikot-sikot." sabi ng isang lalaking matangkad. Mukhang siya ang leader sa grupo nila dito.
"Ate, anong meron?" rinig kong sabi ni Lea.
Bumaling ako ng tingin sa kanila at nakitang gising na ang mga ito. Nakakunot ang mga noo nitong nakatitig sa mga abalang lalaki sa harap namin.
"Dito lang tayo. May inaasikaso lang sila. Aantayin lang natin sila Inay at Itay dito." sabi ko sa kanila para mapanatag ang nga damdamin nila.
Mga bata pa ang kapatid ko and they experienced so much this time. Ayaw ko ng pag-aalalahanin pa sila.
"Alam mo Ate noong wala ka pa ang daming umaaligid na mga lalaki sa bahay natin. May mga dala din silang baril at pabalik balik lang sila." kwento ni Lea sa akin.
Agad naman akong tumabi sa kanila para mapakinggan ko pa.
"Oo nga ate. Tapos si Itay nakitaan namin naglabas din siya ng baril. Hindi ko alam na meron pala siyang ganoon? Tig-isa sila ni Inay na may baril." dugtong ni Lita.
May baril sila Inay at Itay? Teka. Sigurado ba sila?
"May baril? Sigurado ba kayo?" naguguluhang tanong ko.
"Opo Ate. Bilin nga sa amin ni Itay na 'wag lalabas ng kwarto at magtago sa ilalim ng papag e. Tapos doon na nagsimula 'yung guluhan. Maingay at may rinig kaming mga putok. Tapos sinilip namin sa may butas sa kwarto iyong nangyayari sa labas ay nakita ko si Ate Betty na nasa labas, may kasama din siyang isang babae at isang lalaki kasing edad nila Inay at Itay."
Si Betty? Ano namang ginagawa niya doon sa bahay namin? Mas lalo atang gumulo ang iniisip ko. Wala man lang akong ideya kung anong nangyayari sa paligid ko.
Sasagot na sana ako sa kanila ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at nakitang si Dave ang tumatawag.
113 missed calls.
Ang dami naman niyang tawag. At bakit pa siya tumatawag ngayon? Para balitaan ako na nagkabalikan na sila ni Kate?
Sumakit na naman ang dibdib ko pero hindi ko ininda ito. Marami pa akong problema rito sa pamilya ko na kailangan ayusin. Saka nalang siya kapag kaya ko ng siyang harapin at magpaalam.
Pinatay ko ang cellphone ko at bumalik ulit sa kambal.
"So, balik tayo sa sinabi niyo kanina. Nakita niyo si Baetty sa labas ng bahay natin habang may putukan na nangyayari?" tanong ko sa kanila.
Agad namang tumango ang dalawa.
"Opo Ate. Tapos rinig naming wala ng putukan tapos sumigaw si Itay na lumabas na kami. Doon na namin nakita si Kuya Marc na tinutulungan kami pero nakita naming may malaking sugat si Itay at Inay." malungkot na sabi ni Lita.