27

3.5K 54 0
                                    

Time really flies so fast.


Monday na. Meaning this is the day where the hell month begins. I eagerly want to end this now para naman may time na kami ni Laila ulit, katulad noong mga nakaraang linggo. This is also the day na ilalabas ko sya. Na makikilala nya na ang mundong ginagalawan ko.



I kissed her head and hug her tight. Hindi pa sya gising. Nanood kasi sya ng mga vlogs sa youtube. Tutorials about make-up, dressed-up. Nanood din sya ng english movies. Hinahayaan ko lang since I want her to grow more, to learn more. Ito nalang ang magagawa ko sa kanya, kapalit ng pagnanasang ito.




"Baby, wake up. We need to get up. Maaga tayo ngayon."



She slowly open her eyes. What a beatiful woman beside me here. Napakaganda nya talaga. Kanino kaya sya nagmana? Sa Mama nya or sa Papa nya? Yung mga ganitong ganda ay dapat hindi sa probinsya lang nalalagi, dapat ineexpose. But I don't want that for Laila. She's mine.



"Oh. I'm sorry. I over slept. Wait. Luto lang ako breakfast."


Tumayo na sya at kinusot ang mata. She kissed me in the lips, like her usual routine, at bumaba na.


Naligo naman na ako. Mas okay naman na ako ang mauna since magluluto pa sya. Mas natatagalan na sya sa banyo ngayon. How I wish na nakakasabay ko sya maligo. I smirk.


Nang matapos na ako ay bumaba na agad ako. Like what I usually do, I leaned myself at the door and stared at her. Naghuhum pa sya habang nagluluto. May mga pinggan na sa lamesa. Ready na din ang coffee ko and mukhang fried rice nalang iyong niluluto nya since may ulam naman na.



Honesty speaking nasasanay na ako sa ganitong set-up. Breakfast with Laila, watched tv with Laila, kulitan with Laila, sleep with Laila. Lahat ay kunektado na sa kanya ngayon.



Hindi ko alam what would be my life if Laila will leave me. Dapat ay hindi ganito diba? Dapat pigilan ko kung ano man ang nararamdaman ko right? Hahaha, ayoko na masaktan e. Ayaw ko na maranasan yung madilim na buhay. Ayaw ko na maranasan yung feeling na buhay ka pero patay ka na deep inside. I don't want to experience all of that, again. I don't want to take risk again. So if there's a way na kaya kong pigilan ito, I will do.


I should make myself clear. Na pagnanasa lang ito. Na kapag nakuha ko na ay wala na, tapos na, tapos na lahat ng pagpapanggap. Tapos na ang lahat.




Madali naman akong makakaahon sa pagsasanay na ito right? Si Laila? I know she will move on fast. Ganoon naman ang mga babae diba? Madali makalimot, madali magsawa, madali kang paibigin pero madali ka ring wasakin. Kaya nila lahat gawin iyon ng sabay-sabay.



"Oh baby. Andyan ka na pala. Come on. Let's eat."



Nabalik ako sa reality. Masyado nang malayo ang narating ng pag-iisip ko. Ngumiti ako sa kanya at lumapit. I hug her and smelled her hair. Wala pang ligo pero mabango na. I sniffed her more and more.



Kinurot naman ako nito sa tagiliran at tumawa. Pati tawa ay napakaganda. Hmm.



"Okay. Okay. Okay. Tama na yan. Let's eat. Baka malate tayo ngayon. Dadaan pa tayo kay Tita Gladys."



Lumayo na ako sa kanya at umupo. Pinagsandukan naman ako nito ng pagkain at saka sya umupo katapat ko.



I start eating, ganoon din sya. Mabilisan naman itong kumain at tumayo na.



"Ligo na ako." hinalikan naman ako nito at umalis na ulit.




See? Sino bang hindi masasanay sa mga ganoong gestures? Yung parang alagang alaga ka talaga? Na mahalaga ka? Pero wala namang ganoon talaga. Trabaho lang ito sa kanya. Kasama ito sa job description nya diba?





Tinapos ko nalang ang pagkain ko at niligpit na ito. Nilagay ko sa sink at hinugasan. She also taught me this. She taught me a lot of things.




Natapos na ako at nagpunta ulit sa kwarto. Kinuha ko na ang mga maleta na dadalhin namin. Tig isa kaMing maleta at tig isa ding hand carry na bag. Binaba ko na ito at nilagay sa may pintuan.




Its already 6:30. Kailangan naming makarating sa Romano Network at 7:00 am, meeting with Tita G. Buti na nga lang at malapit lang ang building nila dito sa amin at hindi kami maiipit sa traffic.




After 10 minutes ay bumaba na din si Laila. Wearing a loose pants and a crop top. Medyo may light make-up din ito. Nakalugay naman ang wavy nyang buhok. She looks perfect. Hindi sya mukhang p.a ko. Kung ordinaryo kang tao at makikita mo sya ay mapapalingon ka talaga. Nagbago talaga sya. I smiled.




Lumapit ito sa akin at kinuha ang isang maleta.




"Come on. Let's go." she said, smiling.




Umiling naman ako at ngumiti.





"Na-uh. A beautiful lady like you should not carry this heavy things. Mauna ka na. I'll take care of this." tumawa naman ito at nod.




Lumabas na sya. Kinuha ko naman ang mga maleta at lumabas na din. Nilock ko ang pintuan at sumunod na sa kanya sa elevator.




Nang nasa elevator na kami ay ikinapit nya naman sa braso ko ang braso nya at idinikit ang sarili sa akin. Fuck! Nararamdaman ko ang dibdib nya na nakadikit sa braso ko. Hirap na hirap na nga ako tuwing magkatabi kami sa higaan tapos ngayon din? Hangga't hindi ko talaga sya nakukuha ay magtutuloy tuloy ang paghihirap kong ito.




Nang makababa na kami ay nagtungo na ako sa sasakyan ko. Kinuha ko ang mga maleta at nilagay sa likod. Pumasok naman sya sa harap. Hindi na sya tulad noon na kailangan mo pang sabihan para doon sa harap umupo, ngayon ay alam nya na kung saan sya nararapat, sa tabi ko.



Pumasok na din ako sa sasakyan at pinaandar patungo sa Romano Network.





"Baby, kinakabahan ako." rinig kong sabi nya.




Sinulyapan ko naman sya at ngumiti nalang. Kinuha ko ang kamay nya at dinala sa labi ko at hinalikan.




"Don't worry. I'm here. Okay? I'm always here." she sighed and smiled.




"Pero ipapalam ba natin kay Tita G. na magboyfriend tayo? Baka magulat sya." nababahalang sabi nya.





Tumawa naman ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagdadrive. Kung sa kanya kasi ako titingin ay baka hindi na maalis ang paningin ko sa kanya. Her beauty catched the attention of anyone, anywhere.





"Yes. Ipapaalam natin but not now. Baka magfreak out yun at malaman pa ang sikreto natin. Mas mabuting yung iba muna ang makaalam bago si Tita G."





"Baka mas lalo syang magalit if hindi natin sasabihin kaagad at malaman nya sa iba." natataranta na ito. Tumawa ako at kinuha ulit ang kamay nya. Pinagsaklop ko ito at sumulyap sa kanya.





"That is the best thing to do right now. Mas mabuting sa iba nya na muna malaman para hindi sya maghinala na nagpepretend lang tayo." tumango nalang ito at huminga ng malalim.





Natawa naman ako. Kahit ano talagang pagbabago nya sa pisikal na anyo ay hindi parin nagbabago ang inner beauty nya, yung ugali nya.





Nang makarating na kami ay bumaba na kami ng sasakyan. Tumabi ako sa kanya at pinulupot ko ang kamay ko sa bewang nya.




This is it. Let's start.

HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon