16

4.1K 55 0
                                    

"Hmm. Tumawag nga pala si Mama kanina. She wants to meet you." bigla naman akong tumigil sa pagkain at tumingin sa kanya. Agad-agad? Magkikita agad kami?

Ngumiti nalang ako sa kanya kahit na kinakabahan ako. "Kailan ba?" tanong ko.

"Hmm. Dinner this night." napaubo na ako ngayon at nasamid. Agad naman syang lumapit sa akin at hinagod ang likod ko. Umiwas naman ako. Eto na naman ang pakiramdam ng bawat haplos nya. Sinenyasan ko nalang sya na ayos lang ang lagay ko kaya bumalik na sya sa upuan nya.

Uminom naman ako ng tubig at tinignan ulit sya. Mamaya? Mamaya talaga? Alam ko namang ito ang dahilan kung bakit nya ako inalok ng ganito pero hindi ko inaasahan na ganito kaaga.

"Mamaya? Agad-agad?" natataranta kong sabi sa kanya. "Hindi pa ako handa."

Tumawa naman ito at nilapag ang dalawang siko sa lamesa at tumitig sa akin.

"Don't worry, hindi naman yun nangangagat." natatawa parin nitong sabi. Sumimangot naman ako kaya natawa sya lalo.


"Pero hindi talaga Dave. Hindi pa ako handa." sumimangot sya at umismid sa akin.


"Sabi ko ako ang bahala hindi ba? Tsaka I said keep on calling me baby dahil yun ang tawagan nating dalawa. Kapag Dave lang ay magtataka sila Mom and Dad nyan." masungit na sabi nito. Ngayon ko nalang ulit sya nakitang nagsungit sa akin. Nung una kasing pagkikita naman ay ganito sya pero kalaunan ay bumait na sa akin.


"Haay. Sige. Pero ngayon talaga?" nababahala kong sabi.


Hindi pa talaga ako handa. Ngayon ko lang naranasan magkanobyo kahit na pagpapanggap lang ito. Pinagbawalan kasi ako nila Inay na lumapit o hindi kaya ay makipagkaibigan sa kanila kaya si Dave palang ang nakakasalamuha kong lalaki ng ganito katagal at kalapit. Kahit na alam kong pagpapanggap lang ito ay nababahala ako. Ang kuwento kasi ni Betty sa akin dati ay masungit ang Mama ng dati nyang nobyo at grabe ang pagpapahiya  na natamo nya mula rito.



Pero mabait si Dave kaya ganun din ang mga magulang nya hindi ba? Ganun naman iyon hindi ba? Kinakabahan at natataranta ako. Mas naiisip ko ang pagkikita namin ng mga magulang nya kaysa sa meeting na sinasabi nya kasama ang Manager nya.


Tumayo na si Dave ng natapos syang kumain. Hindi na ako nakapagtuloy sa pagkain dahil halu-halo ang nararamdaman ko ngayon. Kaba sa Mama nya, takot na baka mahalata nyang nagpapanggap lang kami, at pagkapahiya dahil alam kong mababa ang lebel ko sa mga uri ni Dave.


Niligpit ko na ang pinagkainan at inayos ito. Pagkatapos ko raw magligpit ay aalis na kami. Nakaligo naman na ako kaya magpapalit nalang ako ng damit.


Nang matapos akong magligpit ay nagtungo na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Isang bubulaklaking dress ang suot ko ngayon. Sinuot ko din ang flat shoes na sinasabi nya. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ayos na siguro ito hindi ba? Nilugay ko nalang ang buhok ko at inayos ang salamin sa mata.


Lumabas na ako ng kwarto at naabutang nag-aantay si Dave sa sala. Tumayo ito ng makita ako. Pinagmasdan nya lang ako ng saglit at saka nag-aya.

"Let's go."

Nauna na itong maglakad kaya sumunod ako. Akala ko ay kukuhain nya ang kamay ko gaya ng nakasanayan ko na ngunit hindi nya ginawa. Lumabas kami ng tirahan nya at nilock nya naman ito. Sumakay kami ng elevator pero hindi parin sya umiimik. May problema kaya?


"Ayos ka lang ba Dave? Kanina ka pa walang imik." mas lalong naging kunot ang noo nito at naging isang linya ang mga makakapal na kilay. Halata sa mukha nito ang galit. Bakit? Bakit sya nagagalit?


Hindi sya umiimik kaya hindi na din ako nagsalita. Yun kasi ang turo ni Inay. Na kapag galit ang isang tao ay hayaan na muna itong magpahupa ng galit dahil kapag pinilit ay baka maibunton sa iyo ang galit nya.

Nakababa na kami ng gusali at sumakay sa sasakyan nya. Tahimik lang itong nagmaneho hanggang sa makarating kami sa isnag mukhang mamahaling restaurant. Kung sabagay, kailan ba kami nagpunta sa pangmahirap na lugar? O hindi kaya ay nakapunta na sya sa ganoong lugar?


"Wag ka nalang magsalita kapag hindi mo alam ang isasagot. Makinig ka nalang sa mga explanations ng manager ko. Act as my girlfriend. Don't worry, I will take care of everything." tumango nalang ako sa kanya bilang pagsang-ayon.


Bumaba na sya sa ssasakyan at sinenyasan akong wag munang bumaba. Umikot sya at saka ako pinagbuksan ng pinto. Ito ang mga nakikita ko sa tv ha? Ang pagbubukas ng pintuan ng sasakyan ng mga nobyo nila sa kanilang nobya.


Inilahad nya ang kamay sa akin, na akala ko ay hindi nya gagawin. Nakasanayan ko na kasi ito kaya hindi ko maikakaila na hinahanap ko ang ganoong pagkilos nya. Pinagsaklop nya ang nga kamay namin at pumasok na sa restaurant. Tama nga ang hinala ko. Sa mga mwebles at kagamitan palang ay masasabing mayaman ang mga nagpupunta rito.



May isang waiter ang lumapit sa amin at iginiya ang ang isang pribadong silid. Andito siguro ang manager ni Dave.

Binuksan ng waiter ang pinto at nakita ko kaagad ang isang lalaking nakatalikod sa amin. Nang maramdaman siguro ang presensya namin ay saka sya bumaling ng tingin. Una nyang tinignan si Dave at ngumiti ngunit napawi ang ngiti ng makita ako.


Nagtagal ang titig nya sa akin na animo'y tinatanya kung sino ako. Naramdaman ko naman ang marahas na paglagay ng kamay ni Dave sa bewang ko. Saka lang natinag ang lalaki ng makita ang ginawa ni Dave. Tumayo ito at lumapit sa amin.


"Hi Dave. It's nice to see you again." bati nito kay Dave matapos ang pakikipagkamay. "Hello there beautiful lady." naglahad ito ng kamay sa akin at matamis na ngumiti. Nginitian ko din sya pabalik at saka tinanggap ang pakikipagkamay.

Nagtagal ang kamayan naming dalawa kaya hinigit ni Dave ang bewang ko at iginiya patungo sa lamesa na nakahanda para sa amin.


"Whoa! Whoa! Whoa! Easy there dude. Posessive of what is yours, eh?!" natatawang sabi nito. Ngumisi naman sya sa akin ng makita ang paninitig ko sa kanya.


Matangkad ngunit hanggang mata lang ni Dave, matangos din ang ilong nito, makapal ang kilay, mapula pula din ang labi ngunit kayumanggi ang kulay. Hindi mo mapaghahalataang manager ito dahil kasing kisig at tumatapat ang lebel ng kagwapuhan nito kay Dave. Mas lamang nga lang talaga siguro si Dave. O sa paningin ko lang? Namula naman ako sa naisip ko.


"Shall we start?" tanong ni Dave sa masungit na boses. Hindi ko talaga alam kung ano ang ikinagagalit nya. Sa akin ba sya galit? O ganito talaga sya kapag trabaho na ang pinag-uusapan?


"Hmm. Shall we inttoduce ourselves first? Mukhang may dala kang magandang binibini dito." nakangising sabi ng manager ni Dave.

"By the way, I'm Marc Santillan. Manager of Dave. And you are?" nakangiting tanong nito. May isang dimple pala ito sa kaliwang pisngi. Ngayon ko lang napansin.


"She's Laila, my p.a and my girlfriend. So back off." naiinis na sabi ni Dave.

Hinawakan ko naman ang kamay nya na nasa lamesa. Hindi ko man alam kung paano papawiin ang sama ng loob nya pero kahit papaano ay masasabi kong andito man ako.

Napatingin naman ang dalawa sa akin kaya tinanggal ko ang paghahawak ko sa kamay ni Dave ngunit kinuha nya ito at hinigpitan ang pagkakahawak. Namula naman ako sa inasta nya. Hindi ako sanay na may gumaganito sa akin. Lalo na at si Dave iyon at nasa harapan kami ng ibang tao.

"Whoa! Is she your what?" gulat na tanong ni Marc ngunit bakas ang pagkangisi dito.

HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon