10

4.5K 52 0
                                    

Nakarating na kami sa building na tinutuluyan ni Dave. Nagpatulong pa sya sa guard at isang staff ng building para dalhin ang mag pinamili namin. Masyado kasing marami kaya kinakailangan pa ng tulong.

Hinawakan ni Dave ang kamay ko at nagtungo na sa elevator. Kapag ganitong lagi nyang hinahawakan ang kamay ko saan man kami pumunta ay baka masanay ako.

Pumasok na kami sa tinutuluyan nya kasunod ang isang staff at guard na dala ang mga pinamili namin. Ipinasok nila ito sa loob at umalis na din.

Umupo kaming dalawa sa sofa para makapagpahinga na rin. Nakakapagod pala ang mamili ng mga ganun pero nakakaenjoy din naman kahit papaano.

"Aayusin na muna natin yung para sa kusina then itatry mo lahat ng pinamili natin para sayo. We need to boost your confidence pati ang style ng pananamit mo. How you walk and paraan ng pananalita. Kailangan natin lahat yan para hindi sila maghinala sa akin. Okay lang ba?" tumango nalang ako. Wala naman akong masasabi. Kailangan ata talaga ito, maghihinala nga naman sila kung mukhang probinsyana ang magiging nobya ni Dave.

Dinampot nya na ang nga plastic bags at dinala sa kusina. Sumunod nalang din ako sa kanya para tumulong. Inuna ko ang mga pwedeng ilagay sa ref. Sya naman ang mga de-lata na ilalagay sa cabinet sa kusina.

"Hmm. Gusto mo bang magluto ako? Gutom ka ba?" tanong ko. Masyado kasing tahimik, nakakailang.

"You can cook fries para may makain tayo mamaya kapag nag-usap ng mga gagawin natin." sinulyapan ko sya. "Nakaleave din pala ako ng 1 month. I want to personally train you sa lahat ng mga kakailanganin mo. Thru may schedules, susuotin, lifestyle, at iba pa."

Oo nga pala. Marami akong kailangang matutunan sa kanya. Kahit na hindi ako nakapagtapos ng high school o kolehiyo ay madali naman ako matuto kaya walang problema sa akin yan.

Natapos kami sa paglalagay ng nga pinamili namin para sa kusina ay nagsimula na akong magluto ng fries na gusto nya. Habang nagluluto ay nagtimpla naman ito ng juice sa tabi ko.


Nang matapos kami ay nagtungo na kami sa sala at nilagay ang fries at juice sa lamesa sa sala. Pinagmasdan ko lang syang buksan ang mga paper bags na naglalaman ng mga damit at hinelera nya naman ang mga sapatos at heels.

"Isukat mo ito." kinuha nya ang isang pants at isang shirt na mukhang hanggang pusod ko lang ata.

Aalis na sana ako para pumunta ng kwarto ko ay pinigilan nya ako.

"Dito ka na magbihis. Marami itong isusukat mo. Matatagalan tayo kung pabalik balik ka sa kwarto mo."

Nanlaki ang mata ko. Wala pang nakakakita ng katawan ko kahit na alam kong natural lamang dito sa Maynila ang nakabra at panty lang. Pribado masyado ang gusto nyang gawin ko.

"O-okay lang na magbalik balik ako sa kwarto. Hindi kasi talaga ako sanay na m-magpakita ng katawan. Tsaka kahit paano ay l-lalaki ka parin." nanginginig na sabi ko sa kanya. Nanatiling walang expression ang mukha nya.

Tumayo ito at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Iba dito sa Maynila. Ang mga mag girlfriend at boyfriend ay natural na magpakitaan ng katawan. Natural lang din na may mangyari sa kanila." bumuntong hininga sya at hinuli ang tingin ko. "'Tsaka hindi tayo talo, duh!" biglang naging malambot ang boses nito. Natawa ako. Ngumiti na din ito.

"Hindi naman kita ipapahamak ano. Lagot nalang ako kay Tita G kapag may nangyari sayo ano ka ba. And don't worry, ako lang ang makakakita ng katawan mo at wala ng iba." sambit nito sa binabaeng boses parin.

Huminga ako ng malalim. Kailangan ba talaga 'tong gawin? Kaya ko namang magbalik balik sa kwarto para magpalit ng damit e. Pero mukhang isa ito sa ituturo nya.

Tumango nalang ako sa kanya at ngumiti. Narinig ko naman ang mahinang 'yes' nya habang natatawa ng kaunti.

"Okay. Itabi mo na yang salamin mo sa mata. Malabo ba ang mata mo kapag wala yung salamin? O kaya naman?"

"Hmm. Okay lang naman kaso blurred. Nakakakita naman ako ng mga colors pero hindi lang talaga malinaw. 'Tsaka mukhang kabisado ko na ang condo mo kaya okay lang naman kung huhubarin ko."

Tinanggal ko ang salamin ko sa mata at inilagay sa mesa na kaharap nya.

"Bukas punta tayo sa doctor ko. Papalagyan kita ng contact lens na may grado para hindi ka na mahirapan kapag wala yung salamin mo sa mata." hindi ko man makita ng maayos ang mukha nya ay alam ko namang seryoso ito base sa boses nya.

"Naku. Salamat Dave ha. Kapag nakasahod na ako ay babayaran ko lahat ng nagastos mo sa akin. Salamat."

Marami na syang nabili para sa akin kahit na unang araw ko palang bilang personal assistant nya. Alam kong mahal ang mga gamit na nabili nya sa akin kaya balak kong hulog-hulugan nalang ito para may maipadala parin ako sa probinsya.

"No need, Laila. Lahat naman ng pinamili ko ay dahil gusto ko. Hindi mo kailangan bayaran."

Nakita ko itong tumayo at lumapit sa akin. Hinawakan nya ang balikat ko at itinapat ang bibig sa aking tainga.

"Tulungan na kita magbihis para hindi ka mabuwal sa pagtayo."

Nanindig ang balahibo ko. Kumalabog ng husto ang puso ko sa hindi ko maintindihang rason. Sa kaba o sa ibang rason? Ang boses naman nya ay ang natural na boses nya ngunit feeling ko ay naging sexy ito sa pandinig ko.

Tumingin ako sa mukha nya kahit na malabo ito sa paningin ko. Masyadong malapit ang mukha namin dahil nararamdaman ko ang hininga nya na nasa tapat sa labi ko.

Gumalaw ako ng kaunti dahil naiilang ako sa lapit naming dalawa. Masyadong kumakalabog ang dibdib ko na tila lalabas na ang puso ko sa kaba. Ngunit bago pa ako makaalis sa tabi nya ay nabuwal na ang pagkakatayo ko. Agad naman nya akong hinawakan sa baywang at may naramdaman akong sumagi sa labi ko. Sa sobrang gaan ay parang namalik mata lang ako. Nanginig ako sa haplos nya. Ang kamay nya na nasa baywang ko ay naghahatid ng init sa buo kong katawan. Alam kong sa oras na ito ay pulang pula ang mukha ko.

Napahawak ako sa leeg nya at ang isa namang kamay ay sa labi ko. Sumagi ba ang labi nya sa labi ko? First kiss ko na ba iyon? Mas lalo namang naginit ang pakiramdam ko ng mahawakan ang leeg nya. Tila nagliliyab na din ito sa init. Parehas kaya kami ng nararamdaman? Ano ba ito! Tumigil ka nga, Laila!

"A-a-ano yung sumagi sa l-l-labi ko?"

Itinayo na ako nito at umayos rin sya ng tayo. Dumistansya rin sya ng kaunti. Hindi ko sya matignan kahit na hindi ko naman makikita ng maayos ang mukha nya, kung ano man ang reaksyon nya ngayon.


"Uh. A-ano yung baba ko yun. M-masakit ba? Pasensya na."

Baba? Na ganoon kalambot? Inayos ko nalang ang tayo ko at hindi na sumagot.

"Saglit lang Dave ha. Magbabanyo lang ako."

Hindi ko na sya inantay na sumagot at agarang tumakbo papunta sa banyo. Ikinulong ko muna ang sarili ko roon ng ilang saglit para humupa ang nararamdaman ko. Ang pagkabog ng dibdib ko, init na nararamdaman at hiya na rin sa nangyari. Nagmukha akong lampa sa harap nya. Paano ba ito?!

HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon