37

2.9K 45 3
                                    

Nakarating kami sa building ni Tita G ng medyo maaga. Wala kasi kaming nadaanang traffic kaya smooth ang byahe naming dalawa.


Bumalik na ulit sa dati ang pakikitungo namin sa isa't isa. Nakakapag-usap at nakakapagbiruan kaming dalawa. Hindi na ulit kami tahimik sa byahe, hindi na awkward at hindi na siya katulad kahapon na masama ang timpla ng mood.


Nang makarating kami sa kwartong pagmemeetingan ay andoon na ang mga staff, producers, si Tita G and ang iba pang mga cast na makakasama ni Dave sa movie niya na ito. Totoong magaganda at gwapo nga ang mga artistang ito. Ngunit wala pa ang director rito.


Andoon rin si Joey sa may sulok ng kuwarto. Nginitian ko lamang siya since hindi ko naman siya malapitan dahil hawak-hawak ni Dave ang kamay ko.



Nakipagkamayan kami ni Dave sa kanila at pinakilala niya ako sa mga ito. Kahit na ang sabi ko ay pipigilan ko ang nararamdaman kong ito sa kaniya ay may parte talaga sa akin na natutuwa tuwing ganito ang set-up naming dalawa, pinapakilala sa mga kakilala niya.


Kapag ganito kasi ang ginagawa niya ay parang mas lalo ko pa siyang nakikilala at nararamdaman ko na mahalaga ako sa kaniya, na dapat hindi ko na maramdaman.



Hindi ko pa nakikita si Lianne dito sa kwarto na pagmemeetingan namin. Ang ibang minor cast palang ang nandito.



Umupo kami sa upuan malapit sa upuan ni Tita G. Binati ko din ito. Nang makaupo kami ay kinuha naman ni Dave ang kamay ko at pinaglaruan na naman ito.



Napansin ko naman na nakatingin ang mga tao na naroon kaya naman napayuko ako. Dapat talaga ay iboost ko pa ang confidence ko sa bagay na ito. Hangga't hindi pa natatapos ang pagpapanggap namin ni Dave ay dapat mataas ang kumpyansa ko sa aking sarili.



Ngumiti sa akin si Dave. "You okay?" tanong nito. I smiled at nod at him.



Pumasok ang isang lalaking nakasalamin. Medyo may kabataan pa ito kumpara sa mga director na naresearch ko. Lumapit ito sa amin.



"Hi Dave. I'm the director. I'm new but I will do my best " tumayo naman si Dave at nakipagkamayan rito.



Nakipagkamay din ito sa akin at nagpakilala. "Mike Goryan, Miss." ngiti nito.



Ngumiti din ako at tumango. "Laila Dominguez po." tumango din ito sa akin.



"My girlfriend." sabi ni Dave habang pinalingkis ang braso sa bewang ko. Tumawa naman si director Mike at tumango.



Lumapit naman ito sa gitnang upuan paharap sa amin.



"Sorry I'm late. I just need to do last minute changes." panimula nito.



"Lianne will not be the leading lady here anymore but she will still do a part in this movie. Ahm, one manager approach me yesterday and he said that his talent is doing a comeback as an artist. I grabe this opportunity to let her in to this movie. This will be her comeback movie as well as the farewell movie of Mr. Lacosta. Four years syang namahinga sa showbiz but we also know na talagang sikat ang isang 'to at nababagay sa movie na ito since nalink na rin siya kay Dave dati. So, please welcome the new leading lady, Ma. Kate Timbol." masayang sabi ni Director Mike.



Pumasok ang isang babaeng matangkad, balingkinitan ang katawan nito, mahaba ang maaalong blonde na buhok, maputi, matangos ang ilong, maamo ang mukha, wearing red dress and high heels, ito ang tunay na maganda.



Naramdaman ko namang humigpit ang pagkakawak ni Dave sa kamay ko. Tinignan ko siya at nakitang nakatitig ito sa babaeng dumating.



Ang mga mata nito ay may sari-saring emosyon. Iba-iba, hindi ko maintindihan. Ang kamay nito na nakahawak sa akin ay mas lalong dumidiin habang papalapit ang babae sa gawi namin. Ang isang kamay naman niya ay nakakuyom sa ilalim ng lamesa. Ang katawan nito ay tila nanigas at nakapako lang ang paningin sa babaeng dumating.



HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon