47

2.7K 47 2
                                    

Katabi ko si Kate sa higaan. Nakahiga din ito at nakatagilid sa akin. Ako naman ay nakahiga at nakabaling ang mukha sa direksyon ni Dave. Nakahiga din ito ngunit nakatakip ang mga braso sa mukha.




Tumayo na muna ako at iniayos ang mga gamit namin. Lumapit din ako sa gawi nila Dave at inayos din ang nga gamit niya. Meron mga cabinet naman na naroon na pwede mong mailagay ang mga gamit mo.




Lumabas ako sa veranda ng kwarto na tinutuluyan namin. Sumalubong sa akin ang sariwang hangin. Napakaganda talaga ng tanawin rito. Tahimik ang paligid, maraming puno na mas nakakasariwa ng hangin at sumabay pa sa ganda ng paligid ang lugar na ito ang dagat.




Bigla ko tuloy namiss ang probinsya namin. Sila Inay at Itay maging ang nga kapatid ko at mga kaibigan roon.




Bumalik na ako sa loob ng kwarto. Kumuha ako ng damit at nagpalit. Balak ko munang libutin ang lugar na ito para mas mafamiliarize ako sa lugar at malibot ko na rin.




Lumabas na ako ng kwarto at bumaba.




Nakita ko pa ang nagkalat na mga staff na abala sa pagaayos ng mga gagamitin sa shooting. Sa sala na din nila kasi ito ilalagay para hindi na sila mahirapan kung sakaling sa kwarto pa ilalagay.




Lumabas na ako ng bahay at nagikut-ikot. Medyo mainit ang panahon pero hindi naman masakit sa balat at malakas ang simoy ng hangin kaya hindi din alintana ang init.




Naglakad lakad ako sa dalampasigan. Mukhang masarap magtampisaw sa tubig ngunit wala naman akong pamalit kung lulusong ako. Isa pa ay hindi din ako marunong lumagoy.




Nilibot ko lamang ang lugar ngunit hindi din naman malayo sa bahay na tinutuluyan namin dahil baka hindi na ako makabalik.




Talagang napakaganda dito, tahimik at malinis. Mabuti ito para sa taong naguguluhan at gustong mapag-isa. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto kong bumalik sa lugar na ito.




Nang matapos akong maglakad-lakad ay bumalik na ako. Hindi ko rin kasi alam ang oras at mukhang natagalan ako sa paglilibot.




Nasa bukana na ako ng bahay, sa may garden area, ay natanaw ko si Dave at Kate na mukhang nagtatalo na naman.




Ano bang meron sa kanila at lagi silang nagtatalo?




Nagtago ako sa gilid ng halamanan para mapakinggan kung ano man ang pag-uusapan ng dalawa. Alam kong mali ito pero curious talaga ako sa pinag-uusapan nila.




"Let go of me. I need to find Laila." sabi ni Dave at ibinabalya ang braso ni Kate na nakahawak sa kaniya.




Si Kate naman ay maiyak-iyak na nakatingin kay Dave.




"Bakit ganoon? Last day you told me that you still love me. But why are you doing this to me?" naiiyak na sabi niya.




Bigla namang tumulo ang luha ko sa narinig. Mahal niya si Kate? Pero paanong nangyari iyon? Bakla si Dave at sinabi niya iyon sa akin. P-papaanong nangyari iyon?





"You rejected me, remember?" baling sa kaniya ni Dave.





"But. I thought y-you just playing around. Again." pahikbi na sabi ni Kate sa kaniya. Halos yumakap na ito kay Dave.





"That's what you thought. You never trust me. And that's the problem between us." malumanay na sabi ni Dave. Napahagulgol na talaga si Kate sa kaniya. Si Dave ay wala namang emosyon ang mukhang nakatingin lamang sa malayo.





HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon