52

2.7K 50 0
                                    

Tulog na si Beatrice sa tabi ko pero ako heto at gising parin. Parang hindi maabsorb ng utak ko lahat ng nalaman ko ngayon lang. Masyadong mabigat.


Tumayo ako at lumabas. I need some milk siguro para makatulog man lang. It's already 3 am pero hindi gising parin ako.


Lumabas na ako ng kwarto ni Beatrice at nagbalak akong pupunta sa kusina ng may marinig akong ingay sa kwarto ni Dave.




Gising parin siya?




Dahan dahan akong lumapit sa kwarto ni Dave. Sinubukan kong buksan ang pintuan ngunit nakalock ito at rinig ko pang nakabukas ang tv.





Idinikit ko nalang ang tainga ko sa pintuan para pakinggan kung ano man ang ginagawa niya.





"Look Kate. I need you to listen to me." rinig kong sabi ni Dave. Medyo asar ang tono ng boses niya.





Kausap niya si Kate? Ng ganitong oras? Bumibigat na naman ang pakiramdam ko. Parang iyong puso ko ay pinipiga at dinudurog ng paulit-ulit kapag naririnig kong binabanggit niya ang pangalang Kate.





Sa narinig kong kwento ay masasabi kong malalim ang pinagsamahan nilang dalawa na kung pipiliting bumalik ni Dave o ni Kate ay pagbibigyan nila ang isa't-isa.





"No. That's not it." galit na ang boses ni Dave.





"Yes. I used Laila because I want her virginity. Sobra akong nagnasa sa kaniya. I want her innocence. I want-" rinig kong sabi ni Dave.





Para akong nabingi. Naestatwa ako at iyon lamang ang paulit-ulit na narinig ko. Want my virginity? Used me? So talagang niloko niya lang ako?





I understand that he's in deep pain. But using me? Para lokohin ako? Wow.





Unting-unting tumulo ang luha ko. Gusto kong magwala, gusto ko siyang suntukin, sapakin, paliwanagin kung bakit niya nagawa ito sa akin. Lahat pala talaga iyon ay palabas lamang. Hindi pala talaga siya bakla. Ginamit niya lamang ako.





"NO." rinig kong sigaw ni Dave.





"Don't go anywhere. I'll be there. Okay? I'll be there. Calm down." rinig kong sabi ni Dave.





Aligaga na din ang mga yapak nito sa kwarto.





Nang marinig kong papalapit na ang yabag niya ay agad agad akong umalis sa pintuan at bumalik sa kwarto ni Beatrice.





Buti naman ay tulog pa ito dahil hindi ko alam kung papaano ipapaliwang na umiiyak ako ngayon.





Pupuntahan niya si Kate at mukhang magkakabalikan na sila. Ano nang papel ko dito? Wala na si Dave. Patapos na ang kontrata niya bilang artista.





Narinig kong tumunog ang cellphone ko na nasa side cabinet ng kama ni Beatrice. Kinuha ko ito at nakitang sila Inay ito. May problema ba at napatawag sila?





Nang sasagutin ko na ay saka namang pagpatay ng tawag.





10 missed calls.





Huh? May problema ba?





Agad agad akong nagdial at tinawagan sila. Ilang ring palang ay may sumagot na. Humihikbit at mukhang natatakot ang boses. Agad naman akong kinabahan.





HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon