"We're here."
Tumigil ang van na sinasakyan namin sa tapat ng isang white mansion. Ito ba ang gagamitin namin? Ang laki naman masyado. And narinig ko kanina ay private property 'to and isa sa nagsponsor ay yung brand na ieendorse ni Dave.
"Ang ganda dito baby." I said.
Talagang maganda dito. Triple ata ito noong bahay nila Dave sa Manila e. This house is spanish inspired. Nakita ko na ito sa mga internet noong minsang nagsearch ako about houses but this house looks elegant but not creepy. Mukhang napangalagaan talaga.
Pumasok na kami sa loob. Sa loob din ay magagarang mga gamit ang makikita. Mismong mga gamit ay mukha talagang mahal. Iilang araw lang naman kami rito pero bakit grabe na ang titirhan namin? Hindi ko pa kasi nababasa kung ano ang gagawin ni Dave sa commercial shoot na 'to. Wala kasing nakalagay pero alam na daw ni Dave 'to so okay na din sa akin.
"Baby sa iisang kwarto lang ba tayo?" tanong ko.
Sa bahay kasi ay sanay na akong katabi syang matutulog. Hindi na ata ako masasanay ng hindi sya makatabi.
"Yes, ofcourse. Hindi naman ako paoayag na magkahiwalay tayo ng kwarto." sabi nito. I smiled and kiss his cheeks.
"Thank you." ngumiti nalang ito at kinausap na yung Gray.
Actually hindi kasi palagay ang loob ko sa team na kasama namin. Kung makatingin kasi sila sa akin ay para namang may ginawa akong masama sa kanila but they smiling when Dave is around me.
Si Joey naman ay okay okay naman. Ngumingiti dya sa akin pero alam mong pilit lang. Minsan naman ay mahuhuli ko itong pinagmamasdan kaming dalawa.
"Alright. Ilagay na muna natin yung mga gamit natin sa kanya kanyang kwarto. Pumili nalang kayo kung anong kwarto ang gagamitin nyo. Yung mga gustong magsama sa iisang kwarto." sabay tingin nito sa aming dalawa ni Dave. "You can. Marami tayong kwarto. Be here at 12:00 sharp. Magpapadeliver nalang tayo then at 1:30 we will discuss the whole content." sabi ni Gray. Mukhang sya ang head ng project na ito. Hands-on na hands-on sa pagmanage ng mga tao. Good, good.
"Come on. Lagay na natin 'tong mga gamit natin."
Umakyat na kami ni Dave. Ang pangatlong palapag nalang ang pinili namin. Malaking kwarto ang nakuha namin. Malawak ang kama, may dalawang closet sa magkabilang gilid ng dingding. Malaki din ang banyo nito. May tv din na nakalagay and may mini ref sa gilid. Mukha nang bahay ang kwarto na ito.
Nilapag na ni Dave ang mga gamit sa gilid ng kama at binuhat ako pahiga sa kama. Pumaibabaw naman ito sa akin and started kissing me.
Naramdaman ko namanf humahaplos haplos ang kamay nito sa braso ko. Ito na naman ang pamilyar na pakiramdam, umiinit. Ganito talaga ang pakiramdam ko kapag hinahaplos nya ako o hindi naman kaya ay hinahalikan nya ako.
Ikinapit ko ang braso ko sa leeg nya and pull him closer to me. Nakipaglabanan ako ng halik sa kanya. Totoo ngang masarap ang paghalik. Hindi ko alam pero naadik ako sa mga halik ni Dave sa akin. Minsan nga ako na ang nagiinitiate na halikan nya ako dahil sa pagkagusto ko sa mga halik nito.
Marami na rin akong natutunan sa kanya. Kung paano ang mga tamanf gestures kapag nasa public kami. Napapractice ko naman sya dahil lagi ko namang ginagawa na kung kaya't nasasanay na ako.
Nagtanong din ako ng mga tips kay Betty noong minsang nakausap ko sya ngunit hindi ko sinabi na ako ang may kailangan dahil mahigpit na bilin ni Dave na dapat ang sikretong ito ay sa amin lamang. Nagpanggap lamang ako na sa bago kong kaibigan ang mga payong hinihingi ko sa kanya.
Halos buong araw kami nag-usap noon. Mabuti nga at umalis noon si Dave para makipagkita kay Tito David kaya nakapagkwentuhan kami ni Betty.
Marami syang nasabing mga payo at nararapat na gawin para sa isang relasyon. Marami rin akong natutunan sa kanya na ginagawa ko na kay Dave ngayon at masasabi ko ngang epektib nga ang mga ito.
Itinigil nito ang paghalik sa akin at tumabi na sa pagkakahiga sa akin. Ginawa ko namang unan ang braso nya at inilagay nya naman sa tyan ko ang isang braso nya. Ang sarap talaga sa pakiramdam tuwing ganito ang posisyon naming dalawa. Napakagaan sa pakiramdam.
"You want to take a nap? Maaga pa naman." sabi nito. Tumango naman ako at isiniksik ang mukha ko sa dibdib nya.
"Yes. Napuyat ako kagabi e then maaga tayo umalis kanina. I want to sleep." niyakap naman ako nito at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"Go. Sleep." naghum naman ito na lagi nyang ginagawa if gusto nya akong patulugin.
Nagising na lamang ako sa mga munting halik na nararamdaman ko sa mukha ko. Iminulat ko ang mata ko at naabutan ang nakangiting si Dave Lacosta.
"Hello there sleepy head." bati nito sa akin. Ngumiti din ako at kiniss sya sa ilong.
"What time is it?" tanong ko.
"11:30" sagot nito.
Nanlaki naman ang mata ko. 12:00 noon sharp ay dapat nasa baba na kami. Agad naman akong bumangon at binuksan ang maleta ko. Kumuha ako ng pamalit at nagtungo sa banyo.
Nang matapos na ako ay nag-ayos na ako at niyaya na si Dave bumaba. Buti nalang ay mabilisan ako kumilos at hindi babagal bagal kung hindi ay malalate kami. Baka mapagalitan pa kami kapag nangyari iyon.
Naabutan namin ang iba naming team na nagkekwentuhan at nagtatawanan sa sala ngunit tumahimik ng dumating kami. Wala pa rito ang apat na lalaki na padala ng brand na ieendorse ni Dave at kumpleto naman na ang team na nabibilang sa Romano Network.
I smiled at them pero ngiting pilit lang ang naisukli ng mga ito sa amin. Nakita ko naman si Joey na nakatingin sa magkahawak-kamay namin ni Dave. Seriously? Whats with this guy? Mula noong dumating kasi kami ay lagi na syang nakatitiga sa kung ano man ang galawa namin ni Dave. Medyo nacoconcious kasi ako.
Oh hindi naman kaya ay isa ding syang bakla at type nya si Dave at gusto nyang agawin si Dave? Napangisi naman ako sa naisip ko. Mukhang nakahanap na si Dave ng katapat nya ah.
"What are you smiling at?" nagtatakang tanong ni Dave sa akin.
What? Pangalawang beses na ito ha. Noong unang beses ay napara rin akong tangang tumatawa dahil sa naisip ko kaharap si Marc Santillan, ang manager ni Dave, at ngayon naman ay sa harap nilang lahat.
Tumawa naman ako ng awakward at saka pinisil ang braso ni Dave. Tumawa naman ito. Taray ni ate mo! Firm ang braso at hindi halatang bakla hahaha.
Nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong naadopt ko na ang buhay dito sa Maynila. Pati ang pananalita at mga kapilyuhan ay nagagaya ko na.
"Here guys. Let's eat. Handa na ang pagkain." sabi ni Francis na ngayon ay nakasilip ang kalahati ng katawan sa kusina.
Nagsipuntahan naman kami doon at kumain na.