50

2.8K 50 0
                                    

Ito na ang araw na uuwi kaming Maynila. Nakaimpake na ang mga gamit namin and hinahanda nalang ang shuttle para makaalis na kami.

"Baby, the van is here. We need to go."

Tumayo na ako at binitbit ang maleta ko pero kinuha ito ni Dave sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Bumaba na kami at naabutang nakasakay na ang iba sa shuttle van. Kami kami parin naman ang magkasama ngunit napapansin kong ilag ang pansin ni Kate sa akin.

Umupo na ako sa may bandang bintana at ang katabi ko naman ay si Dave at sunod ay si Joey.

Umandar na ang van kaya ipinikit ko na ang mata ko. Kulang kasi ako sa tulog dahil sa kakaisip ng kung anu-ano.

Nagising na lamang ako na nasa airport na kami. Medyo marami ang tao kaya inaantay muna namin ang security para kila Dave at Kate.

Nang dumating na ang security na nakalaan para sa kanila ay lumabas na kami ng van at pumasok ng airport. Tilian ng mga tao ang maririnig ngunit ngiti lang ang naisusukli nila Kate and Dave sa kanila.

Pumasok na kami sa eroplanong nakalaan sa amin. Sa bandang bintana parin ang pwesto ko at si Dave parin ang katabi ko. Napapansin ko na medyo tahimik siya ngayon. Anong nangyari?

"Wait baby. Magccr lang ako ah?" sabi ni Dave sa akin.

Tumango naman ako sa kaniya.

Umalis siya sa tabi ko saka naman lumapit sa akin si Marc.

Ngumiti ito at tinapik ang balikat ko.

"You okay?" tanong nito. Tumango na lamang ako sa kaniya.

"Anyway, I already told about Mom about you. We can meet her pagkaland natin sa Manila." sabi nito habang kinakamot ang batok niya.

Naku! Pagkarating kaagad sa Manila? Pupuntahan kasi namin ang pamilya ni Dave. Paano kaya ito?

Alangan akong ngumiti sa kaniya.

"Ahm, ano kasi Marc. Pwedeng bukas nalang? Text or call nalang kita. Imemeet kasi namin today ang family ni Dave e." lumungkot ang mukha nito ngunit sandali lamang at saka ngumiti na.

"Alright. Basta bukas ha? Call or text me para masundo kita." naninigurado ang tinig nito.

Tumawa naman ako at tumango sa kaniya. Tumawa din ito at saka nagpaalam na sa akin.

Pagkaalis ni Marc ay napabuntong hininga ako. Parang ang dami kong gagawin sa mga susunod na araw. Buti nalang at maikli lamang ang shoot na gagawin ni Dave dito at makakapagpahinga pa kami.

Bumalik naman si Dave na medyo pawis. Anong nangyari dito?

"You okay baby?" tanong ko ng nakaupo na siya.

Gulat naman siyang napalingon sa akin at napalunok.

"Yes. Yes. Yes. I'm okay." sinuri ko muna siya at saka ako tumango.

Inayos niya na ang sarili niya at muling bumaling sa akin ng tingin.

"Really, I'm okay." nakangiti ng sabi nito.

Seryoso ko muna siyang tinignan at saka ngumiti na din kalaunan.

Kahit naman na anong curiosity ang meron ako bawal akong magtanong. Let go of this feeling na nga diba? Wala naman kasing papatunguhan na maganda ito.

Nagtake off na ang eroplano kaya ibinaling ko ang mata ko sa bintana.

Paalam, Palawan. Iba't-ibang karanasan ang naibigay mo sa akin. Salamat. Kung may pagkakataon ay gusto parin kitang balikan.

HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon