41

2.8K 42 0
                                    

Dumaan ang dalawang linggo na medyo busy kaming dalawa ni Dave.




Ang ilan sa mga appointment niya ay natuloy at naisingit habang hindi pa nagsisimula ang mga shoot niya for movie.




Ayos naman kaming dalawa. Masaya parin dahil nakakasama ko parin siya. Ngunit nawawalan na din kami ng oras sa isa't-isa since busy talaga siya.




Last week din ay nakausap ko si Tito David at nasabi niya sa akin na hinahanda niya na daw ang mga documents para kay Dave. Desidido talaga siya na ipahawak na kay Dave ang company nila.




Nakausap ko din sila Inay at Itay sa probinsya, pati na rin si Betty. Mukhang wala pang alam ang mga ito sa mga rumors na kumakalat dito sa Manila tungkol sa aming dalawa ni Dave. Si Betty ay busy rin dahil siya na rin ang nagmamanage ng kumpanya nila ngayon since ang Daddy niya ay nagkasakit kaya mukhang wala pa itong balita.




Ayoko din namang magkuwento sa kaniya dahil hindi ko pa masasabi ang dahilan ng pagpapanggap namin ni Dave saka na siguro kapag natapos na ito.




"What are you doin'?" tanong ni Dave sa akin.




Lumapit ito at humalik sa noo ko.




"I'm organizing your stuff. Binabasa ko din kasi yung ibang documents mo." umupo ito sa tabi ko at nilagay ang baba niya sa shoulder ko.




Next day na pala magsstart ang shoot nila kaya inaayos ko na din ang mga pepwede niyang gagamitin. Nakausap ko kasi si Marc at sa liblib na lugar pala ang start ng shooting nila.




Buti na nga lang ay bukas ay pupunta rito si Marc para iinform ako sa lahat ng gagawin ko. Hindi na naman daw kasi siya makakasama dahil hindi pa tapos ang problemang ginagawa niya.




"Hmm. Let's sleep." sabi nito.




Pinisil ko ang ilong niya at umiling.




"No. Mauna ka na. May tatapusin pa ako." sabi ko sa kaniya.




"Sabay na tayo." sabi nito sa pangbabaeng boses kaya agad naman akong napalingon sa kaniya.




Ang tagal din niyang hindi ipinarinig ang boses na iyan simula ng lumabas kaming dalawa e.




Natawa ako tumango na lamang sa kaniya. Hindi naman kasi ito papatalo sa mga ganitong sitwasyon e.




Inayos ko na ang mga gamit at itinabi na lamang muna ito.




Humiga na siya sa kama at inayos ang higaan. Magkatabi parin kaming natutulog hanggang ngayon. Mas kumportable at mahimbing kasi ang tulog ko kapag katabi siya lagi at yun din naman ang gusto niya.




Sumunod na ako sa kaniya at humiga na din sa tabi nito. Nagkumot ako at ginawang unan ang mga braso niya. Sayang talaga at hindi siya tunay na lalaki.




Ang buhay nga naman oh. Siya na ayaw ipaalam sa iba na bakla siya at ako naman na ayaw kong ipaalam ang tunay na nararamdaman.




Iniyakap ko ang mga braso ko sa bewang niya at niyakap siya ng mahigpit.




Ipinikit ko ang mga mata ko ngunit hindi ako makatulog.




Naramdaman ko namang hinahaplos ni Dave ang buhok ko. Naghuhum din ito.




Dumilat ako at tinignan siya.




"K[makanta ka ba Dave?" tanong ko sa kaniya.




HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon