2

5.9K 71 0
                                    

Nakauwi ako sa bahay namin ng hindi parin napapawi ang mga ngiti sa aking labi.



Nakita ko kaagad si Inay na isinasampay ang mga nilabhan nyang damit sa bakuran. Nilapitan ko sya at niyakap.



"Oh! Mukhang napakasaya mo naman anak? Anong nangyari? Nakahanap ka na ba ng trabaho sa palengke?" nakangiti din nyang tanong sa akin.



"Mukhang eto na Inay ang tinutukoy mong swerte. Hahaha makakaahon na tayo Inay sa kahirapan." masayang sabi ko sa kanya.



Humiwalay sya sa yakap sa akin at tinignan ako. Nakangiti na din ito na tila nahahawa sa mga ngiti ko.



"Ano ba iyang swerteng sinasabi mo?"



"May trabaho akong kinuha Inay. Nakasalubong ko kasi si Betty sa palengke. Nakwento nya na nangangailangan ng katulong yung Tita Gladys nya. Malaki daw ang kita pero sa Maynila ako madedestino." nakangiti paring kwento ko sa kanya. Sumeryoso naman ang mukha ni Inay.




"Maynila? Magulo ang syudad na iyon anak. Hindi mo kakayanin. Atsaka ano kamo? Katulong? Hindi mo ba naririnig ang mga balita tungkol sa mga katulong na nagtrabaho sa Maynila? Puro sila mga bugbog sarado anak. Ayokong sapitin mo ang ganun. Hindi ko kakayanin. Maghanap ka nalang ng ibang trabaho."




Akala ko pa naman ay madali kong mapapayag ang Inay. Galak na galak pa naman akong ikwento sa kanya ito.




Hinawakan ko ang kamay nya at direstong tumingin sa mga mata nya.



"Inay, kaya ko po. Para na din ito sa atin. Tsaka artista naman po ang amo ko. Paniguradong hindi yun ganun. Andun din si Tita Gladys. Kilala ko po sya. Hindi po ako papabayaan nun lalo na't matalik kong kaibigan si Betty. Payagan nyo na po ako. Pangako kapag sinubukan akong bugbugin ng magiging amo ko ay babalik agad ako dito." itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nanunumpa. Nagpacute pa ako sa harap ni Inay, baka sakaling pumayag hehehe.



"Malayo doon anak. Magulo doon. Hindi mo kakayanin." malungkot na sabi nya. Sumimangot ako at binitawan ang kamay nya.



"Inay naman e. Payagan nyo na po ako. Malay mo ito na ang swerte natin na tinutukoy nyo. Para naman po sa atin to. Kila Lea at Lita. Gusto ko po sila makapagtapos ng pag-aaral."



"Pero kasi anak--"



"Payagan mo na ang anak mo, Lilia. Malaki na sya at kaya na ang sarili. Mas mabuting mamulat sya sa ibang lugar ng sa gayon ay hindi lang dito sa probinsya natin umiikot ang mundo nya. Hindi mo ba sya pinagkakatiwalaan?" ani ni Itay. Nakatayo ito sa may pintuan at mukhang nakikinig ng usapan namin ni Inay.



"Tama po si Itay, Nay. Malaki na po ako. Kaya ko na ang sarili ko." sumimangot ulit ako at tumingin kay Itay.


Tinignan ko ito gamit ang nagmamakaawang mata. Ngumiti naman ito sa akin at tumango.



"Sige na. Sige na. Payag na-"




Bago nya matapos ang sasabihin nya ay niyakap ko na sya. Sa wakas. Napapayag ko din ang Inay hahahaha.



Hinalikan ko ang pisngi nito at niyakap ng mahigpit.



"Salamat Inay. Salamat po talaga. Gusto ko din po kasing makapunta sa Maynila e." ngumiti naman ito sa akin at hinaplos ang mukha ko.



"Mag-iingat ka roon ha. Wag mong papabayaan ang sarili mo. Malaki ang syudad na iyon kung kaya't lagi mong ingatan ang sarili mo. Wala kami dun ng Itay mo para mabantayan ka." kinuha ko ang kamay nyang nasa mukha ko at hinalikan ito.



"Pangako po Inay. Mag-iingat po ako at pagbubutihin ang pagtatrabaho roon." tumango ito at humiwalay sa akin.



"Kailan ka nga pala luluwas?"



"Baka po bukas na bukas din. Kailangan na kailangan daw kasi ang trabaho na iyon kaya baka bukas din po ay makaluwas na ako." tumango na naman ito at ngumiti sa akin.



"Simulan mo ng ayusin ang mga gamit mo. Iyong bag na malaki na nasa kwarto namin ng Itay mo ang gamitin mo para magkasya ang mga gamit mo."




"Sige ho Inay. Pasok na ho ako." hinalikan ko sya sa pisngi at nagtungo na sa bahay. Niyakap ko din si Itay ng makita kong nakatayo parin ito sa may pintuan namin.



"Salamat Itay. Kung hindi dahil sa inyo hindi mapapayag si Inay hehehe." ngumiti naman ito sa akin at tinapik ang bunbunan ko.



"Wala iyon anak. May tiwala naman ako sa iyo e. Basta ba'y mag-iingat ka roon ha. Tulad ng sabi ng Inay mo, malaki ang syudad na iyon kaya ibayong pag-iingat nalang anak." tumango ulit ako sa kanya at yumakap.



Nagtungo ako sa kwarto ko. Ang bahay namin ay gawa sa nipa. May dalawang kwarto ito. Ang Inay at Itay at ang kwarto naming magkakapatid. Tabi sa isang higaan sila Lea at Lita at may sarili naman akong higaan.




Kinuha ko ang bag na tinutukoy ni Inay at sinulan ko ng isilid ito sa bag. Karamihan sa mga damit ko ay galing sa pinaglumaan ni Inay. Maaayos pa naman kaya ginagamit ko. Wala kasi kaming pera para pambili ng mga magagarang damit kung kaya't mga pinaglumaan nalang na damit ni Inay ang meron ako.



Nang matapos ako ay humiga na ako at tumitig sa kisame. Nakakapagod na araw pero sulit. Ito na ata talaga ang simula ng pagbabago sa buhay ko.

HAPLOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon