Chapter 1: Probinsyana

257 5 0
                                    

Chapter 1: Probinsyana

[Mimi's POV]

Nakatingala lamang ako sa mga nadadaanan naming mga naglalakihan at mga prestihiyosong Hotel at mga Malls pati na rin ang mga naglalakihang Billboard ng mga sikat na artista na nagiindorso ng iba't ibang produkto.

Totoo nga ang sabi ng mga naririnig ko noon sa mga kapitbahay namin tungkol sa Maynila, talaga nga namang ang daming naglalakihang building na animoy nagkukumpetensyahan sa palakihan.

Napapatingala rin ako sa mga Tren na umaandar sa taas ng dinadaanan namin, first time kong makakita sa personal ng ganon gayong ang Uod lamang na kamuka ng Tren ang nakikita ko noon, at sa nakikita ko ngayon, talaga nga namang ang haba nito na hindi ko rin mapigilan ang mapanganga na lamang dahil sa kamanghaan.

At napapangiti na lang din ako dahil sa pag aakalang makakarating at mamumuhay na ako dito sa Maynila. Ang dating pangarap ko ngayon ay nabigyang katuparan na. Akin na lamang haharapin ang malaking pagbabago sa aking paligid, kung noon ay mismong Inahing Manok lamang ang gigising sa aking natutulog na diwa bawat araw, ngayon ay iba na.

Kailangan ko ng napakalaking adjustment na hindi ko alam kung magagawa ko ba ng mag isa lamang gayong ang aking Inay na umampon sa akin ay naiwan sa Probinsyang aking kinagisnan.

"PARAAAA" Sa wakas. Pagkatapos ng Walong oras kong pag upo ay narating ko na ang aking Destinasyon.

Pagkababang pagkababa ko ay aking sinunod ang bilin ng aking mga kapitbahay na paghalik sa unang tinapakan ko. Ayon sa kanila pagkarating na pagkarating ko daw sa Maynila ay aking hahalikan ang daan ng sa gayon ay swertehin daw ang aking paglalakbay.

At dahil na rin sa desperada akong maging masaya at tahimik ang aking pagmumuhay dito sa Maynila ay ginawa ko na ang bilin nila, tutal wala namang mawawala sa akin pwera na lang ang kahihiyang dinulot nito sa akin ngayong nakikita kong nagbubulung bulungan ang mga tao sa paligid ko.

Hindi ko na lamang iyon pinansin at dali dali kong binuhat ang malaki kong Bag at tsaka naghintay at pumara ng Tricycle sa kalsada.

Ilang minuto na akong palinga linga sa paligid pero bakit wala man lang akong namataan ni isang Tricycle na dumaan.

Puro de apat na gulong ang nakikita ko na may nakasulat na Taxi sa taas ng bubong nito. Pa'no na ako makakapunta sa address ko na aking tutuluyan? Bago pa kasi ako pumunta dito sa Maynila ay mayroon ng binigay si Inay sa akin na address kung saan dun daw ako titira at magbabayad ng renta.

Nagkataon kasing may kilala si Inay na tagalinis ng Apartment don sa Maynila kaya dali dali nya itong tinawagan, pero nalaman nyang hindi na sya don nagtratrabaho pero dahil nga sa wala na kaming ibang mapagtatanungan pa ay hiningi ni Inay ang Address ng Apartment na dating pinagtratrabauhan ng kakilala nya. Mapagkakatiwalaan naman daw ang seguridad ng bawat pinto sa Apartment dahil dala dalawa daw ang lock nito kaya hindi daw mapapasukan ng kahit na sino pa man.

Habang naghihintay sa tricycle na dumating 'kung meron man' ay biglang may humintong sasakyan sa harap ko.

"Sakay ka?" tanong ng matandang Driver nito. Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong nya kaya sinagot ko sya ng pabalik na tanong.

"Ba't po nyo ako pinapasakay?" ngayon sya naman ang kumunot ang noo. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at tsaka dali daling tumango tango na para bang sinasabi nyang 'naiintindihan na nya'.

"Sakay kana Miss. Taxi ang tawag sa sakayan dito sa Maynila. Marahil ay di mo pa alam dahil iilang lugar lamang ang meron nito at batid kong galing ka pang Probinsya?" Tumango na lamang ako sa sinabi nya dahil sa mangha, matatalino rin pala ang mga tao dito? Nahulaan ba naman na galing akong Probinsya.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon