Chapter 39: His Sister

53 3 3
                                    

Chapter 39: His Sister

[Mimi's POV]

Habang nakayakap si Thaniel mula sa likod ko ay nakatitig pa 'rin ako sa picture na nakita ko sa bedside table niya.

Hindi kasi ako makapaniwala. Unang tapak ko pa lang pala sa Maynila ay nakita na niya ako.

"TanTan." pagtawag ko.

"Hmm?" mukang antok pa 'rin siya habang nakadikit ang ilong niya sa leeg ko.

"Ano naging first impression mo sa akin nung nakita mo ako? Yung totoo ha?" tanong ko.

"Hmm. Weird." sagot niya.

Tumango tango ako at saka inilapag ang picture frame sa dati nitong kinalalagyan at saka umupo sa kama ni Thaniel.

"Yun lang?" tanong ko.

"At saka una pa lang kitang nakita alam ko na ikaw na yun. Ikaw na ang babaeng magiging katuwang ko sa pagpapalaki sa ating mga future children." saad niya at saka humalakhak.

Humalakhak din ako at saka hinila sya papunta sa tabi ko at niyakap ng mahigpit.

Hmm. mahal na mahal ko talaga ang lalaking 'to.

"Eh ikaw? Noong nakita mo ako? Ano naging first impression mo?" tanong niya habang naglalakbay kung saan saan sa likod ko ang mga kamay niya.

"Hmm. Mayaman na gaya 'rin ng iba na matapobre." sagot ko.

"What?" tanong niya at saka humiwalay sa pagkakayakap ko at tinignan ang mukha ko.

"Oo." saad ko.

"Sabihin mo, mali naman yung first impression mo diba?"

"Oo. Sobrang mali talaga. Kasi 'yung first impression ko sa'yo ay kabaliktaran pala. Sobrang gwapo mo na nga, sobrang bait mo pa." saad ko at saka pinanggigilan ang dalawang pisngi niya.

Tumawa si Thaniel at saka hinila niya ako pahiga sa kama niya. Inilagay niya ang isang hita niya sa mga hita ko at niyakap niya ako ng mahigpit at paulit ulit na binulong sa akin na mahal na mahal niya ako.

"Kain na tayo." yaya niya.

"O sige." pagpayag ko at babangon na sana ng hilain niya ako pabalik at saka pinanggigilan ulit.

"Iba ang gusto kong kainin eh." saad niya.

"Ano?" tanong ko.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang kagatin ang tenga ko.

"Ikaw ang gusto kong kainin." saad niya at saka tumawa.

"Baliw ka talaga. Maligo ka na nga." saad ko at saka bumangon na.

"Mamaya halika muna dito." saad niya at hihilain niya ulit sana ako pero hindi ako nagpahila.

"Maligo kana." pag ulit ko.

Inis syang bumangon at saka kinuha ang tuwalya niya at bago sya pumasok sa banyo ay nagsalita pa 'sya.

"Oo na maliligo na ako, basta ba pagkatapos kong maligo ay ihanda mo na ang sarili ay este ang mga pagkain sa sala ko. haha." saad niya at saka tumatawa tawang isinara ang pinto.

Babatuhin ko pa sana sya ng unan pero naisara na niya.

Lumabas ako papunta sa sala niya at hinanap pa kung nasaan ang kusina niya. Nakalapag na sa dining table niya ang mga pagkain. Napalunok ako dahil sa dami.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon