Chapter 21: No Buts

80 2 0
                                    

Chapter 21: No Buts

[Mimi's POV]

"Mimi, Sorry. Hindi ko naman alam na ganon ang gagawin ni Deziree eh. Nagmakaawa kasi siya na patawarin ko na siya at sinabi niyang hindi na 'sya uulit pa sa ginawa sa'yo kaya pinatawad ko sila at inanyayahan sa bahay pero talagang kung alam ko lang na ganun talaga kasama ang ugali ng bruhang 'yon ay sana 'di ko na lang sya pinapunta sa bahay namin." saad ni Gail pagka upong pagkaupo ko sa tabi niya.

Ngumiti ako sa kanya.
"Ano kaba? Wala 'yun. Ako nga dapat ang mag sorry eh. Nasira pa 'yata ang birthday party mo ng dahil sa akin." saad ko.

Umiling siya ng mabilis.
"Hindi ah. Sina Deziree ang may kasalanan. Don't blame yourself. I know she fooled you that's why you bursted out your anger which is tama naman para hindi sila mamihasa na lagi kang binubully. Tama na ipaglaban mo ang sarili mo lalo na 'pag wala ka namang ginagawang masama." saad niya.

Ngumiti ako at bumuntong hininga. Actually hindi naman na pumasok sa isip ko ang eskandalong ginawa namin ni Deziree non eh, dahil paulit ulit at inoccupy lahat ng mga nangyari sa amin ni Thaniel ang isip ko ng gabing 'yon.

Hindi ko alam pero kinokonsidera ko na 'yon bilang isa sa most unforgettable moments na nangyari sa buhay ko. 'Pag inaalala ko 'yun, 'di ko mapigilan mapangiti. Pigilan ko 'man ay lagi ko pa 'ring nahuhuli ang sarili kong ngumingiti. Sobrang nagdiriwang ang puso ko. 'Yung tipong gustong gusto kong sumigaw sa kilig na nararamdaman ko, para akong kinikiliti. 'Pag naguusap kami ni Inay gamit ang cellphone ay kating kati akong ikwento sa kanya ang pagtingin ko kay Thaniel, gusto kong sabihin sa kanya na umiibig ako...Pero 'pag sasabihin ko na ay may tumutulak sa dila ko paurong. Hindi ko masabi dahil gusto ko na lamang ilihim ito mag isa, sarili ko lang ang nakakaalam. Para 'san pa ba na ipaalam ko sa iba kung ang plano ko naman rito ay ang kalimutan na lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko na kailangan pang ipagpatuloy ang nararamdaman ko kung kitang kita ko na lang 'rin naman ang sagot kung may pag asa ba ang isang tulad ko sa kanya. Syempre hindi. Hindi ang sagot.

Bumuntong hininga ako at ngumiti ng mapakla. Napaka swerte ni Madine kay Thaniel. Sobrang swerte.

Pagkatapos ng gabing 'yon ay iniwasan ko na ulit si Thaniel. 'Yung tipong 'pag alam kong magkakasalubong kami ay liliko na agad ako ng daanan. Tinuloy tuloy ko 'rin ang hindi pagsabay sa kanila na maglunch, nahihirapan na nga akong mag isip minsan ng bagong palusot eh pero nagpapasalamat naman ako at naniniwala sila. 'Pag nagtetext naman sya ay iniiwasan kong magreply kahit na gustong gusto ko at kating kati akong pumindot sa cellphone para lang replayan siya. 'Pag tumatawag naman siya ay sinasagot ko ito pero nagpapanggap akong napuputol ang linya at tsaka dali dali ko itong papatayin. 'Pag sinusundo niya naman kami sa Boarding para ihatid kami sa School ay iniiwasan kong tignan at kausapin siya kahit na panay ang kausap niya sa akin ay puro tango at iling na lamang ako. 'Pag uwian naman ay 'di na ako sumasabay, buti na lang talaga at mas nauunang matapos ang schedule ko sa kanilang dalawa. Engineering ang kinukuhang kurso ni Thaniel kaya kailangang puspos ang tutok niya roon.

Pero parang kahit na anong iwas ko, pakiramdam ko 'di man lang nababawasan ang nararamdaman ko para sa kanya, kundi nadadagdagan pa.

"Good Morning Class." striktang bati ng History Professor namin na si Mrs. Anghelista.

Dito sa subject na 'to ako pinakanatatakot. 'Yung tipong wala pa siya ay kinakabahan na ako.

"Alam niyo I'm so disappointed, because of the result of your Quiz, you know why? Ang daming bagsak." panimula niya. 'Yung pagsasalita niya ay may accent. Mabagal ang pagbigkas niya at sinusigurado niyang lahat ng sasabihin at sinasabi niya ay maipasok sa kokote namin.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon