Chapter 41: I'm The King Your The Queen

67 3 0
                                    

Chapter 41: I'm The King Your The Queen

[Mimi's POV]

Ilang araw na ang lumipas ng binisita namin ni Thaniel si Inay doon sa probinsya at napakalaking pagaalala ang nabawas sa puso ko ng nakitang ayos lang sya.

" Mimi, hiwalay na si Gail at Lucky." biglang saad ni Thaniel at saka inilapag niya ang phone nya sa tabi niya at tumabi sa akin sa kama niya.

Dito kami dumiretso sa condo niya pagkarating namin galing probinsya.

"Huh? Pero bakit?" tanong ko.

Kakarating lang namin pero ang pangit na ng balitang sumalubong sa amin, pero kay Thaniel parang wala lang sa kanya, tuwang tuwa pa syang nakayakap sa akin at ano pa nga bang ginagawa eh di pinanggigigilan na naman ako at hinahalikan sa tiyan ko. Ba't ba 'yun ang palagi niyang hinahalikan?

"Ewan ko. Third party yata." sagot niya.

"Third party? Dahil lang sa party nag away sila?" naguguluhang tanong ko.

Biglang bumalikwas sa kama si Thaniel at saka tumawa.

Kumunot ang noo ko habang tinititigan sya.

Pagkatapos ng ilang sandaling pagtawa niya ay bumalik ulit sya sa dati niyang pwesto kung saan niyayakap niya ako bago niya ako sinagot.

"Pfft. Haha. Ang inosente mo talaga. Third party ibig sabihin may ibang tao ang nasa likod ng hiwalayan." sagot niya.

"Ahhh. Parang kabit ganon?" tanong ko ulit.

"Yup." sagot niya.

Tumango tango ako at saka nalungkot. Mukang ang taong tinutukoy o dahilan ay 'yung kinuwekwento sa akin ni Gail na babaeng gusto 'rin ni Lucky.

"Nakakalungkot naman. Silang dalawa ang pinakamatibay na magkarelasyong kilala ko tapos mauuwi lang sa ganon? Sino daw ang nakipaghiwalay?" tanong ko.

"No Mimi, mali ka doon. Hindi sila ang pinakamatibay, kundi tayo. Tayo ang pinakamatibay, Mimi. Tayong dalawa lang." saad niya.

Kinurot ko sya sa pisngi at saka ngumiti.
"Si Lucky 'daw 'yung nakipag hiwalay eh." sagot niya.

Napahawak ako sa bibig ko ng marinig 'yon. Paniguradong sobrang nasasaktan ngayon si Gail.

"Punta na ngarod ako kay Gail, dadamayan ko sya." saad ko at saka kinalas ang pagkakayakap ng braso niya sa akin.

Bababa na sana ako sa kama ng hilain niya ulit ako para yakapin, ngayon ay 'di na ako makawala. Sobrang higpit ng yakap niya.

"Hindi pwede. Mamaya na. " saad niya.

"Pero baka kailangan nya ako." protesta ko.

"Nope. Dito ka muna. Hindi mo pa ako naseserbisyuhan." sagot niya.

Sunimangutan ko sya at tinaasan ng kilay. Ano ibig niyang sabihin?

"Naseserbisyuhan?" tanong ko.

"Oo. Kiss muna." saad niya.

"Serbisyo ba 'yun? At tsaka kailangan pa ba yan?" tanong ko.

Ang dami talagang alam nitong si Thaniel. Sa mga oras na ito ay kailangan ni Gail ng makakausap. Hindi man niya hilingin na dapat nandon ako sa tabi niya, alam kong kailangan niya ng mabubuhusan ng kanyang nararamdaman.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon