Chapter 59: Lagi Na Lang

71 2 0
                                    

Chapter 59: Lagi Na Lang

[Mimi's POV]

"Haching. Haching." napabuntong hininga na lang ulit ako pagkatapos kong mag-haching.

Hindi ko na mabilang kung pang ilang ulit ko ng pagbahing yon. Ewan ko ba...bigla bigla na lang akong nagkasipon.

Dahil siguro noong gabi na naulanan ako. Oo tama, baka dahil doon. Napatigil ako sa pagpupunas ng ilong ng maalala ang gabing iyon.

Haay nako Mimi ka. Kailan mo ba sya makakalimutan? Ha? Masaya na sya sa iba...tanggapin mo na yun. Saad ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang notebook ko sa drawer at saka binasa naman sa pagkakataong ito ang number 4 step.

Think of the bad memories he has given to you.

Kung mahirap ang number 3 step. Mukang mas mahihirapan ako dito sa number 4 ah. Kung tutuusin naman kasi...lahat ng pinagsamahan namin, pawang mga happy moments. Lahat. Wala akong maalalang scenario na pinalungkot niya ako.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Ano ba naman itong mga pinagsususulat ko dito. Kung hindi mahirap...mas mahirap...kung hindi naman mas mahirap...sobrang hirap.

Hayy. Mahirap talaga mag move on.

I better skip this step. Nakakabuhol ng utak ang magisip ng isang bagay na wala ka namang maisip.

Hindi kahit kailan gumawa ng masama si Thaniel sa akin. Hindi niya ako kailanman pinalungkot. Ang totoo niyan...ako lang ang nagdulot sa kanya ng mga bad memories.

Katulad ng sa number three. Binura ko na lang ulit ang number four.

At binasa ko naman ngayon ang number five.

You should forget him by letting him go.

Letting him go.

Ano nga ba ang ibig sabihin non?

Palayain at hayaang magmahal ng iba. Hayaang sumaya sa iba?

O

Layuan. Layuan para pareho kayong makalet go sa past. At gumawa ng panibago ngunit kanya kanyang happy memories?

Pero para sa akin...I chose the second one.

Ang Layuan sya.

Kaya ng pagkagising ko sa araw kung saan nakatakda akong bumalik ng america.

Nakahanda ako. Masaya ako. Kasi...alam kong lalayo ako for the both of us.

Mamayang gabi ang flight ko. Gusto kong itake yung time ng maghapon para magpaalam sa mga taong naging kaibigan ko.

Kay Amy...Kay Gail...Kay Tita Pasing.

Gusto ko 'rin sanang magpaalam kay Mart at Lucky pero baka sabihin nila kay Thaniel na aalis ako. Ayoko sanang malaman ni Thaniel ang pag alis ko.

"Amy..." saad ko habang hinahawakan ko ang dalawa niyang kamay.
"Ikaw ang pinakaunang taong pinagkakautangan ko ng loob dito sa Manila. Ikaw iyon. Kaya gusto kong magpasalamat. Salamat Amy." saad ko.

Nagsimula syang humagulgol at saka niyakap ako ng mahigpit. Nagulat ako kasi unang beses ko syang nakitang magkaganito.

Niyakap ko sya pabalik at saka pinatahan. Naiiyak na 'rin tuloy ako pero I manage to calm myself. Promise ko sa sarili kong hindi ako iiyak ngayong araw.

Humiwalay ako sa yakap at saka nginitian sya.

"Punta na ako." saad ko at saka nagpaalam na.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon