Chapter 54: Now I Know How It Feels

54 2 0
                                    

Chapter 54: Now I Know How It Feels

[Mimi's POV]

I've made up my mind. Babalik na ako ng america next week.

Siguro ilalagi ko na lang ang natitirang araw ko dito sa pinas para makausap sina Amy...at Gail.

Hindi na ako magtatagal dito sa pilipinas...dapat. Dapat lang na umalis na ako.

Ayos na ang kaniya kaniya nilang buhay. Si Thaniel? Wala na 'yung pakielam kung aalis man ulit ako. Masaya na sya kay Madine at 'yun ang nakita ko sa mata niya ng makita ko sya sa condo niya.

Huminga ako ng malalim.

O ano Mimi? Masaya kana ba? Sinaktan mo sya tapos ngayon ikaw ang may ganang magkaganyan. Sermon ko sa sarili ko.

Napailing na lang ako at saka binalot ng kumot ang buong ulo ko at nagsisisigaw. Ito ang paraan ko para huwag maiyak.

Hindi na ako iiyak. Hindi na. Para saan pa? Para pagmukahing tanga ang sarili ko? Ginusto ko naman ito eh. Diba? Pakana ko lahat.

Di'ba dapat masaya pa ako? Eh bakit ganito ang nararamdaman ko? Triple ang sakit.

"MIMI." sigaw ni Gail isang araw ng magkita ulit kami.

Kumaway ako sa kanya at saka tumatakbong lumapit sa kanya.

Niyakap ko sya at saka nginitian. Wala pa 'ring nagbago sa kanya. Ganun pa 'rin ang itsura niya. Mas naging blooming nga lang. Siguro may lovelife na naman sya.

"Kamusta na?" excited na tanong ko.

"Ito. Ganun pa 'rin." saad niya.

"Masaya ako at hindi ka galit sa akin." saad ko.

Bigla syang ngumuso at saka humalukipkip.

"Hmm. Hindi ako galit...nagtatampo lang. Ba't 'di mo sinabi huh? Buti na lang ikinwento na sa akin ni Amy ang dahilan mo at kahit papaano ay valid reason 'yon pero sana man lang kahit munting 'goodbye' ok na sana." saad niya at saka ngumuso ulit.

"Sorry na." saad ko at saka ngumuso 'rin.

Ngumiti sya at saka hinapit ulit ako para yakapin.

"Sorry is'nt enough. I want buko roll." saad niya at saka tumatawa tawang hinila ako.

"Ano 'yung buko roll?" tanong ko.

"It's heaven. Heaven sa sarap. Haha. Basta bilhan mo ako 'non. Doon sa bakery." saad niya at saka humalakhak.

Ngumiti na lang ako at saka nagpatianod papunta sa bakery.

Bumili ako ng sampung piraso at binigay iyon lahat sa kanya.

"Yehey. You are now forgiven hehe. Gusto mo?" tanong niya habang inaalukan ako ng isang piraso ng buko roll.

Tinanggap ko 'yon at saka kinagatan. Napahinto ako sa paglalakad at saka napatingin sa kanya.

Tumingin din sya sa akin at saka nagtaas ng kilay na parang tinatanong kung ok lang ba ako.

"Ang sarap ngaaa." saad ko.

"See? Sabi sa'yo eh." saad niya at saka tumawa.

Kumagat ulit ako ng isa sa buko roll at saka napangiti. May new favorite hobby na naman ako nito 'pag nagkataon. Ang paglaklak ng buko roll. Hehe.

Umuwi na 'rin ako ng bahay pagkatapos naming magjamming ni Gail.

Pero bago ako umuwi kanina ay bumalik at bumili muna ako ng sandamakmak na buko roll. Gusto kong ipatikim 'yon sa mga kasambahay ko.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon