Chapter 23: Future Life Ko

84 3 0
                                    

Chapter 23: Future Life Ko

[Mimi's POV]

"At dahil nga umuulan ngayon, hindi natin mapupuntahan ang destination sana natin. So, Mimi ikaw na lang muna magdesisyon kung 'san tayo pupunta ngayon." saad ni Thaniel habang pinapanood ang bawat patak ng ulan na 'di matigil tigil.

Gusto kong matawa. Ang cute nya kasi. Para syang nagtatampo sa ulan. Pwede kaya 'yon? Sobrang gwapo tapos cute 'rin? Wow, siya na. Siya na talaga.

Gusto ko sanang sabihin iuwi nya na lang ako, pero hindi ko alam kung bakit nadulas ang dila ko.

"Gusto ko ng kwek kwek." saad ko.

Kunot ang noo nyang tinignan ako at saka sunod sunod ang pag iling na ginawa nya.

"Ayoko. First date natin 'to Mimi. Fist time ko manligaw sa totoo lang. Fisrt time ko lahat ngayon, so, gusto ko the best dapat. Kasi deserve mo ang pinaka the best." saad naman niya.

"Hindi. Eh kwek kwek kasi 'yung gusto ko." saad ko naman.

Bumuntong hininga siya at humawak ng mahigpit sa manibela ng kotse nya.

"I want to give you all the best, but if that's what you want, if that's what makes you happy, then why not right? I'm here to give you all what you wish for." saad niya at saka pinaandar ang sasakyan nya.

Mabagal ang pagdradrive nya at nasa daan at parang 'di mapakali ang ulo nyang lumilingon lingon sa paligid.

Gusto kong tanungin pero nauunahan ako ng tibok ng puso ko. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko bago nagsalita.

"Bakit 'di ka mapakali?" tanong ko.

Sumulyap sya sa akin na puno ng determinasyon ang kanyang mukha.

"Naghahanap ng nagtitinda ng kwek kwek. Kahit na umuulan ngayon sana may mahanap tayo, kasi unang beses mong humiling sa akin ngayong nanliligaw na ako kaya dapat maibigay ko. Hindi ako papayag na hindi." saad niya.

Tumawa sya ng nag iwas ako ng tingin. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng kinikilig? Sumulyap ako sa salamin at nakitang namumula na ang pisngi ko.

Mabilis kong kinagat ang labi ko ng naramdamang parang 'di ko na mapigilang mapangiti. Kinikilig talaga ako.

Umuulan at dapat nandon sya at hindi nagpapakahirap. Pero heto sya, para lamang sa kwek kwek na gusto ko ay determinado syang maibigay 'yon sa akin.

Kahit na naka aircon naman ay namumuo na ang pawis sa mga noo nya. Hirap na hirap na sya. Hindi siguro sya sanay na naghihirap dahil halos lahat naman siguro ng hilingin at gustuhin nya ay nakukuha nya agad. Ngayon lang siguro, hindi.

Sumulyap sya sa akin at ngumiti.

"Bakit?" tanong ko.

Mas lalong lumawak ang ngiti nya kahit na halata sa mukha nya na nahihirapan syang maghanap ng nagtitinda ng kwek kwek lalo na't umuulan.

"Humuhugot lang ng inspirasyon." saad nya saka ako mabilis na kinindatan.

Pati ako ay nararamdaman na ang pamumuo ng pawis sa noo ko. Tatanggalin ko na sana ang jacket ni Thaniel na nakasuot sa akin ng maalalang sa kanya nga pala ito at...sya 'rin ang nagsuot sa'kin neto. Nabilis kong isinuot pabalik ang jacket sa katawan ko at marahang hinaplos ito at pumikit. Langhap ko ang bangong nanggagaling dito. Malambot 'rin ang tela at halatang imported at mamahaling materyales ang mga ginamit sa paghulma nito.

Ilang sandali pa ng bigla syang sunigaw at tumigil saglit sa pagdradrive.

"YES" maraming 'yes' ang narinig ko sa kanya at kulang na lang ay magtata talon sya sa saya.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon