Chapter 25: Sagaaaaad
[Mimi's POV]
Tumakbo ako papunta sa isang bench malapit sa building ng Education Department.
Hingal na hingal akong umupo at nagpahinga.
Hindi dapat nangyari ito eh kung hindi ako nag iwas noon at nagtapat. Sana hinarap ko na lang ang nararamdaman ko sa kanya at hinayaang malunod ang sarili ko sa nararamdaman ko huwag lang syang madamay, huwag lang syang masaktan.
Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa katangahan na namang nagawa ko. Masakit para sa ego nya ang nagawa ko. Hinayaan ko ang isang Thaniel Villanueva na iwanan sa ere at sh*t lang, ako pa, ako pa na walang wala ang may ganang mangganon sa kanya? Pero...sa huli ayos na 'rin naman ang ginawa ko. Siguro sa oras na 'to sinusumpa na ako ni Thaniel. Siguradong suko na 'yon. Siguradong narealize na nya na hindi nya ako kailangan sa buhay nya. At ako...paniguradong marami na naman ang magpapahirap sa akin...pero ayos lang, worth it naman eh. Atleast naalis na ni Thaniel ang nararamdaman nya sa akin at safe na sya. Ayos lang sa akin na ako na lang. Ayos lang sa akin na ako ang mahirapan at pahirapan, ganon naman na talaga 'yun eh. Sanay na akong laging pinapahirapan.
Bumuga muna ako ng malalim na hininga bago humakbang patungo sa room namin.
8:30 ang oras ng unang klase namin ngayon. Siguro may labinglimang minuto pa bago magumpisa ang klase.
Walang kaalam alam ang Inay ko sa nangyayari sa akin 'rito. Ang alam nya lang ay nag aaral ako sa isang Unibersidad dahil sa scholarship na ipinagkaloob ni Thaniel sa akin. Tignan mo nga naman oh. Baka iniisip na 'rin nya na wala akong utang na loob. Matapos nya akong bigyan ng scholarship, pagkatapos ng napakadaming pagtatanggol at hindi pag iwan sa akin, ayun ako at iniwan sya.
Para tuloy gusto kong irewind lahat ang mga nangyari at palitan yoon na umaakto sa tunay na nararamdaman ko. Actually, gusto kong maluha kanina dahil sa saya na nararamdaman ko ng bigyan nya ako ng mga bulaklak na hindi ko naman tinanggap.
Pagkatapak ko sa corridor ay wala ng mga estudyante ang mga nakakalat.
Tinahak ko ang pangatlong classroom at hinawakan ang doorknob. Ilang segundo pa bago ako nagkaroon ng lakas na loob na buksan ito at pumasok.
Nakita ko ang mga kaklase kong maayos na naka upo sa kani kanilang mga upuan, habang nakatingin sa akin ng matalim.
Tinignan ko si Gail na ngayon ay nakatingin 'rin sa akin. Nakita ko ang mga mata nyang parang naaawa sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at tinahak ang upuan sa tabi nya.
Nakailang hakbang pa lang ako ng bigla akong matalisod. Napadapa ako. Narinig ko ang hagikhikan ng mga kaklase ko. Tinignan ko si Gail na tinitignan lang ako habang dala ang mata ng awa. Tinignan ko ang dahilan ng pagkapatid ko at nakita ko syang nakataas lang ang kanyang kilay at mataray na nakatingin sa akin. Tinignan ko ang kamay kong may konting gasgas pero 'di ko na lang 'yon ininda at tumayo ako para pumunta sa upuan ko.
Wala akong nilingon ng umupo ako. Nakatingin lang ako sa mga kamay kong nakakuyom at nagpipigil umiyak.
Uupo na sana ako ng bigla na naman akong matumba. Napa 'aray' ako ng tumama ang pwet ko sa semento. Napasalampak ako sa sahig at napaawang pa ang mga legs ko dahilan para mas lalong magtawanan ang mga kaklase ko.
Tumyo ulit ako at tinignan ang kaklase kong nasa likod ko kung saan sya ang humila ng upuan para mangyari 'yun sa akin. Nakatingin lang 'rin sya sa akin at parang wala lang sa kanya ang ginawa nya.
Hinila ko ang upuan at mabilis na umupo roon at yumuko. Namumuo na ang luha sa mga mata ko pero pumikit pikit ako para mapigilan ang pagtulo. Nasa lugar ako...lugar kung saan wala akong kakampi.