Chapter 26: Ipagkait Mo Ako At Ipagkakait Din Kita
[Mimi's POV]
Ilang araw na magbuhat ng mangyari 'yon. Kahit na lagi kong iniiwasan at itinataboy si Thaniel, palagi pa 'rin syang nandyan at hindi ako iniiwan. Hindi 'daw sya mag sasawa lalo pa't alam nyang gusto ko 'rin sya. Tinatanong nya 'rin kung bakit 'daw ayaw kong magpaligaw samantalang gusto ko 'rin sya. Lagi akong hindi umiimik at salamat naman at 'di sya nangungulit. Madalas ko na 'ring nakikita na malungkot ang mukha n'ya pero 'pag napansin na n'yang nakatingin ako ay bigla syang ngingiti. Sobrang saya ng nararamdaman ko yet malungkot 'rin dahil hindi talaga kami puwede.
Wala pa 'ring nagbabago sa trato ng mga estudyante sa akin doon. Lagi akong sinasaksak ng mga mata nilang matalim na nakatitig sa akin. Kaaway ang tingin nila sa akin. Hindi ko naman sila masisisi.
Iniisip siguro nilang napaka kapal ng mukha kong ganun ganunin na lang si Thaniel.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko na 'rin talaga alam. Parang konting konti na lang bibigay na 'rin ako kay Thaniel.
Sa bawat banat nya ng mga nakakakilig na linya, mas lalong kumakabog ang puso ko. Sa bawat ngiti nya, mas lalong nahuhulog ang puso ko. Sa bawat paramdam nya sa akin na gusto nya ako, para akong nasa langit pero bumabagsak 'din ako sa lupa 'pag naiisip na hindi kami pareho ng estado ng buhay.
Nakakatawa ako. Napakagulo ko. Parang noon lang hinihiling ko na magustuhan 'rin nya ako. Pero ngayon na nandyan na sya, naghahabol sa akin, ako naman ngayon ang may problema. Siguro nga napaka walanghiya ko. Aamin amin ako eh hindi ko naman mapanindigan. Hindi ko naman maipakita.
Pagkatapos 'din ng nangyaring 'yon noon. Lagi na akong kinukulit ni Amy na pumayag na 'daw ako. Lagi nya akong sinasabihan ng mga bagay bagay. Minsan pumapasok 'din sa isip ko ang mga sinasabi n'ya pero talagang mas pipiliin ko pa 'rin ang kapakanan ni Thaniel kesa sa pag ibig ko para sa kanya.
Mag mula 'din nung araw na 'yon, paulit ulit na lang 'din akong sinasaktan at sinasabihan ni Deziree at ng grupo nya ng masasakit na salita. Kung noon si Madine ang lagi akong inaalipusta, ngayon ay may pumalit na yata. Magmula 'rin ng takbuhan ko si Thaniel, hindi ko pa nakikita si Madine na lumapit sa akin para saktan ako. Nagtataka na nga ako eh. Dapat sya pa nga ang naunang saktan ako kesa sa iba. Hindi naman sa gusto kong alipustahin nya ako pero talagang nakakapag taka lang. Nakakapag taka na 'di pa sya nagpapakita sa akin. Imposible namang hindi pa nakarating sa kanya ang nangyari.
"Magaling. Magaling. Magaling. Sige ipagpatuloy mo lang 'yang kawalanghiyaan mo kay Thaniel ha? Nakakahiya naman kasi sa'yo. Ang ganda mo eh noh? Napaka. Nahiya naman ang beauty namin sa'yo." saad ni Deziree.
Heto na naman sya. Magsisimula na naman.
Hindi na 'rin naman na ako masyadong naapektuhan dahil halos paulit ulit na 'rin naman nyang sinasabi ang mga sinasabi nya.
Hindi na 'rin nakakarating pa kay Thaniel ang mga ginagawa ni Deziree sa akin. Lagi ko kasing pinapakiusapan si Gail na 'wag na lang nyang sabihin pa. Ayoko ng dumagdag pa sa alalahanin ni Thaniel.
"Talagang pinapanindigan mo na 'yang pagiging suplada mo ha?" Itong bagay sa'yo." saad nya sabay sabunot sa akin.
Noong una dama ko pa ang sakit pero habang tumatagal parang wala na. Manhid na ako sa pisikal na sakit..Napakagat labi na lang ako ng 'di pa sya tumitigil. Ako at ang grupo na lang nya ang natitira dito sa room. Wala si Gail, dahil tinawagan ulit sya ni Lucky.
Tumigil si Deziree ng marinig ang hagulgol ko. Nakasalampak ako sa sahig habang nakayuko sa aking mga braso. Pag iyak. Ito na lamang ang lagi kong ginagawa. Ito na lamang ang kaya kong gawin.