Chapter 40: Kilig

49 3 4
                                    

Chapter 40: Kilig

[Mimi's POV]

Kakatapos lang naming kumain ng nagsalita si Claire.

"So...kuya. Kailan niyo po ipapakilala si Ate Mimi kina Mom at Dad?" tanong niya.

Hinawakan ko ang dibdib ko na biglang kumalabog. Mabanggit pa lang ang tungkol doon ay kinakabahan na ako.

"Ipapakilala ko sya sa buong pamilya natin on my birthday Claire. Kaya wag mo na munang sasabihin na nakilala mo na si Mimi." sagot ni Thaniel.

Tumango si Claire at saka ngumiti.

Mabilis na lumipas ang oras dahil hapon na, kaming dalawa na lang ni Thaniel dito sa condo niya. Umuwi na 'rin kanina pa si Claire.

Nasa kwarto niya kami at nakasandal ako sa headboard ng kama niya habang nakatulala.

"Hey." nabulabog ako ng biglang lumapit si Thaniel at tumabi sa akin.

OMO. Topless sya hindi niya ba alam 'yon?

Niyakap niya ako at mas lalo pa niyang idinikit ang katawan niya sa katawan ko.

"Thaniel...magdamit ka nga." saad ko at saka itinulak sya konti.

Hindi ba niya alam na may epekto sa akin ang hubad niyang katawan? Baka mamaya hindi ako makapagpigil at rapin kita diyan. Makita mo. Saad ko sa sarili ko.

Humalakhak sya at mas lalo pang lumapit.

"Ayoko nga. Ang init eh." saad niya.

"Yun na nga eh, ang init tapos dumidikit dikit kapa." saad ko at itinulak ulit sya.

"Ano ba gusto mong gawin?" tanong niya.

"Manood na lang tayo." saad ko.

Humiga sya at saka inabot ang remote sa table sa tabi ng kama niya at isinindi ang TV.

"Ano ba gusto mong panoorin?" tanong niya at saka hinila niya ako pahiga at saka niyakap.

"Pelikula." saad ko.

"Anong pelikula?" tanong niya.

"Kahit ano na" saad ko kaya tumango sya.

Habang nanonood ay nakayakap lang sya sa akin. Actually ako lang naman ang nanonood at sya ay abala sa kakahalik sa braso ko.

Hindi na lang ako nagrereklamo dahil yan siguro ang makakapagpasaya sa kanya kaya hinayaan ko na lang.

Nagpaakyat ulit sya ng pagkain at naghintay kami ng ilang minuto bago dumating at nilantakan na namin agad 'yon.

Nasa kwarto na ulit kami ni Thaniel ng biglang nagring ang phone ko.

Tinignan ko kung sino 'yon at nakitang si Inay ang tumatawag. Masayang masaya kong sinagot iyon at kinamusta sya.

"Hello anak. Kamusta ehem na?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"Ayos lang po ako. Ikaw po?" tanong ko.

"Ayos lang 'rin ehem anak." sagot niya.

"Bakit po parang hindi pa gumagaling 'yang ubo  ninyo?" tanong ko.

"Gumaling na ito anak, bumalik lang ulit ehem, alam mo naman ber months na ibig sabihin taglamig na ehem kaya uso na ang ubo at sipon ngayon." sagot niya.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon