Chapter 9: Hello, Dear
[Mimi's POV]
Pagkatapos bumili ni Thaniel ng bagong model ng damit ay nagpaalam na 'rin naman syang aalis na para bumalik sa University na pinapasukan nya at ni Amy.
Habang nakatayo at naghihintay ng panibagong customer na dadating ay narinig ko ang pagtawag ni Sir Philip sa akin kaya lumapit ako.
"Bakit po, Sir?" tanong ko pagkalapit ko.
"Marami tayong customer mamaya, tumawag ang isa sa pamangkin ko at sinabing gusto 'daw nya na ikaw ang mag assist para sa kanya." saad ni Sir.
"Po?" tanong ko.
"Bingi ka ba o talagang 'di ka lang marunong umintindi? Narinig mo naman siguro ako noh? At wala na akong balak magsayang pa ng laway para ipaliwanag ulit sa'yo. Basta ang gawin mo d'yan ka lang at h'wag kang aalis." saad nya.
Narinig at naintindihan ko naman eh kaso ang gusto ko lang sanang tanungin ay kung sino ba ang tinutukoy nyang pamangkin nya. Kilala nya yata ako.
Bumalik ako sa dating pwesto ko at pinipigilan ang namumuong luha sa gilid ng mata ko na tumulo. Buti pa ang ibang kaempleyado ko ay 'di masyadong binubulyawan ni Sir. Ganun ba talaga kasama ang itsura ko kung kaya't naiinis syang kausapin ako ng maayos?
Nasa estado pa lang ako ng pagaadjust. 'Di pa ako masyadong sanay sa ginagalawan ko kaya siguro masyado akong sensitibo at ang dali daling tumulo ang luha ko kahit na sa maliliit na bagay lang ang dahilan.
Ala una na ng tanghali at 'di pa ako kumakain ng umagahan at tanghalian. Kanina ko pa nararamdaman ang mga nagwawalang alaga ko sa tiyan. Kanina pa ako nagugutom. Natutuyo na 'rin ang lalamunan ko dahil wala man lang akong tubig at ang lamig lamig pa dito dahil sa aircon.
"Sir, kakain lang po ako. Babalik 'din po ako kaagad." saad ko ng talagang hindi ko na mapigilan ang gutom. Nanghihina na 'rin kasi ako eh.
Lumingon sya sa'kin at nagsalubong na naman ang dalawang kilay nya. Papagalitan na naman nya ako.
"Diba sabi ko 'wag kang aalis? Hintayin mo ang pamangkin ko." saad nya habang matalim akong tinitignan.
"Eh Sir, 'di pa po ako kumakain ng umagahan at tanghalian." reklamo ko.
"Ahh So, kasalanan ko pa ngayon, ha?" mataray na saad nya habang nakahalukipkip.
"Hindi po sa ganon,Sir." saad ko.
"Pag ikaw lumabas 'wag na 'wag ka ng babalik kahit kailan." pasigaw na saad nya.
Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko kaya bahagya akong yumuko.
"Ano? Aalis kapa?" tanong nya sa akin dala pa 'rin ang galit na tono ng kanyang boses.
Umiling iling ako habang nakayuko pa 'rin at pinipigilan ang luha ko. Bumalik ulit ako sa dati kong pwesto at agad na pinunasan ang mga luha ko pero 'di sila nauubos. Nakakainis.
"Mimi tumigil kana sa kadramahan mo dyan at merong customer." sigaw ni Sir. Philip.
Pinunasan ko ang natitirang luha sa mata ko at huminga ng malalim.
Humarap ako sa customer at medyo nagulat ako ng nakitang nandito na naman si Thaniel. Lumapit sya sa akin dala ulit ang mata na puno ng pag aalala. Ewan ko pero 'yun ang nakikita ko sa mga mata nya. O baka naman ay mata 'yun ng awa. Oo, marahil ay naaawa lamang sya at 'di nag aalala.
"Ba't ka umiyak?" saad nya habang nakahawak sa muka ko at pinipisil ang baba at gilid ng mata ko na para bang pinupunasan nya ang luha ko kahit ang totoo'y wala naman na.