Chapter 3: The Start
[Mimi's POV]
"Saan kaba nanggaling na bata ka ha?" salubong na tanong agad ng Mama ni Amy sa kanya pagkababang pagkababa namin ng Taxi at nakatanggap pa sya ng isang pingot.
"Ma, naman eh! Ang Brutal talaga. Sinamahan ko lang naman si Mimi maghanap ng trabaho dahil 'di pa 'nya kabisado ang pasikot sikot dito sa Maynila at tignan mo nga oh, nagbunga naman ng maganda yung pagsama ko dahil meron na 'syang trabaho at maguumpisa na 'sya agad agad bukas" sagot naman ni Amy na proud na proud pa dahil sa bunga ng pagsama 'nya sa'kin. Oo. Tama si Amy. Natanggap ako. Natanggap ako bilang saleslady sa isang boutique 'dun din mismo sa Mall na pinagganapan ng Job Fair kanina. Six O'clock na ng gabi at kanina tanghali pa kami wala ni Amy tapos 'di pa 'sya nagpaalam kay Tita Pasing kaya siguro nag alala ng husto si Tita.
Tinignan ako ni Tita Pasing at parang nagtatanong ang mga mata 'nya kung nagsasabi 'daw ba ng totoo si Amy. Tumango ako at ngumiti para makumbinsi 'sya na totoo ang mga sinasabi ni Amy sa kaniya.
Pagod na Pagod ako sa pagpila at makipagsiksikan sa napakaraming tao kanina. Ang dami talagang may kailangan ng trabaho. At naisip ko rin na kundi dahil kay Amy ay marahil wala pa akong trabaho ngayon gayong wala akong plano kung 'san ako maghahanap ng trabaho kanina. Naunahan na naman kasi ng katangahan ko. Sa sobrang excited kong makahanap ng trabaho ay hindi pa pala ako nakapagplano.
Pagkatapos kong nagpasalamat pang muli kay Amy ay dumiretso na ako sa aking silid tulugan. Kahit alas siyete na ng gabi at maaga pa ay sobrang inaantok na ako. May binili akong isang cup noodles kanina sa daanan habang pumapara kami ng Taxi kaya minabuti kong bumili ng isa. Hangga't hindi pa ako sumesweldo ay isasali ko muna sa mga plano ko ang pagtitipid, kaya kahit na sobrang gutom ang inabot ko kanina at malapit lang ang mga fastfood restaurant na kahit kailan 'di ko pa nasubukang mapasok ay minabuti kong pigilan na lang ang nagtutulak sa akin para kumain. Hindi porke't sa Maynila na ako namumuhay ay kailangan makipagsabayan na rin ako sa mga sosyal at mayayamang taga-rito. Limitado lamang ang budget ko at dahil sa kakataxi ko ay dadalawang libong piso na lang ang natitira sa perang pinabaon ng Inay ko sa akin pagtungtong ko sa Maynila.
Nilagyan ko ng mainit na tubig ang Noodles ko at tsaka pinagtsagaang kainin. Binigyan 'rin naman ako ni Tita Pasing ng tira nilang kanin kanina kaya solid na solid pa rin ang pang gabihan ko. Busog naman ako kahit papaano.
Umupo ako sa gilid ng kama ko at marahang hinaplos ito. Sa talambuhay ko ngayon lamang ako matutulog ng de foam ang kama. Malambot nga naman talaga at parang hinihila na nito ako para mahiga at matulog. Naiisip ko rin ang Inay ko. Kapag ganitong 'di pa kasi ako natutulog ay pumupunta 'sya sa kwarto ko at sinusuklay 'nya ng marahan ang mga hibla ng aking buhok. Naiiyak ako sa hindi ko alam na kadahilanan. Marahil ay namimiss ko lamang 'sya. Ngayon lamang kami nagkahiwalay ni Inay maliban na lang 'nong pumapasok pa ako sa eskwelehan para magaral.
Ipinikit ko ang aking mga mata, at inisip ang mga bagay na kailangan kong magawa sa Maynila. Kailangan kong mag ipon. Para kay Inay...para sa'ming dalawa. Hindi ko na kailangan 'pang isipin at maghanap ng panghuhugutan ng lakas 'pag ganitong nag iisa ako...dahil sapat na ang Diyos at ang aking Inay pati na 'rin ang kalagayan ng buhay namin para pagbutihin ko ang pagtratrabaho ko rito at iwasan ang ano mang katangahang maaaring mangyari.
Nagising ako sa katok ng pinto at sa boses ni Amy na isinisigaw ang pangalan ko para siguro gisingin ako. Bumangon ako at marahang binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang bagong ligo at disenteng disenteng naka uniporme na si Amy.
"Di'ba mamayang hapon pa naman ang pasok mo sa bagong trabaho?" pambungad na tanong 'nya sa akin. Tumango na lamang ako bilang sagot.
"Well, Sorry sa istorbo sa pagtulog mo pero im so excited lang kasi para sabihin sa'yo ang good news" masayang saad 'nya.