Chapter 35: Para Paraan ang Tawag Doon
[Mimi's POV]
Papunta ako ngayon sa Gymnasium ng School kasama si Gail na ewan ko ba kung natutulog pa o hindi na.
Paano kasi ang laki na ng eyebags nya hindi tulad dati na hindi pa halata. Tapos hindi na 'rin maaliwalas tignan ang mukha nya hindi gaya ng dati na blooming sya.
Hinawakan ko ang braso nya, lumingon sya sa akin dala ang mugto at malungkot na mga mata. Biglang nawala yung ngiti ko dahil doon.
"Break na ba kayo ni Lucky kaya ka nagkakaganyan?" malungkot na tanong ko.
Kaibigan ko si Gail kaya dapat lang sigurong makisimpatya ako.
Ngumiti sya ng bahagya pero halata sa ngiti nya na nahihirapan sya.
Umiling sya ng paulit ulit.
"Hindi...pa." malungkot na saad nya.
Kinayod ko ang likod nya para mahimasmasan sya.
"Ano ba kasing problema?" nag aalalang tanong ko.
"Sya ang problema, Mimi. The girl. Meron talaga syang babae. At hindi lang basta babae, Mimi, ang masakit doon pakiramdam ko ay...*sniff may gusto na 'rin si Lucky 'dun sa babae." saad nya.
Nakita ko ang pagtulo ng patak ng luha nya sa pisngi. Pinunasan nya agad yaon at yumuko.
Nataranta ako agad at kinuha ko ang panyo ko at agad ibinigay sa kanya. Ako na mismong nagpunas sa mga luha nya.
"Gusto mo bang 'wag na tayong tumuloy pa?" tanong ko.
"Hindi. Nandito na nga tayo eh. At saka masaya ang opening ng intrams, Mimi. Kailangan ko ng diversion, at alam kong ito 'yon." saad nya.
Naaawa na ako kay Gail pero hindi ko ipinakita yon sa kanya dahil alam kong ayaw nyang kinakaawaan sya.
Tumuloy kami sa Gymnasium kung saan sa sobrang dami ng estudyante ay nagawa pa naming makipagsiksikan at pumunta sa kanang bahagi ng mga bleachers kung saan nandoon lahat ng mga Education students. Binigyan 'din kami ng blue balloons, 'yung pahaba para sa lahat ng Education students. Samantalang 'yung ibang department naman ay may iba't iba 'ring colors ng lobo, color coding kumbaga.
Punong puno na ang Gymnasium ng mga estudyante na hindi na magkumayaw sa tilian, hindi pa naguumpisa ang program pero hyper na hyper na sila.
Luminga linga ako sa paligid para sana hanapin si Thaniel. Sabi nya kasi sa akin may laro 'daw sila mamaya ng basketball. 'Yung department ng CEA at saka ng Department namin. Naguluhan nga ako nung una kung sinong susuportahan ko eh, pa'no kasi department namin 'yung kalaban nila. Pero napagpasyahan kong si Thaniel na lang ang susuportahan ko, 'yun kasi ang hiniling niyang regalo nya para sa nalalapit niyang birthday.
Sabi niya huwag 'daw akong titili kapag makakapuntos ang Education. Tinanong ko 'rin kung paano ko ba sya susuportahan. Sabi nya sa tabi lang 'daw ako ng coach niya uupo kapag nag umpisa na ang laro para 'daw 'pag kailangan niya ng inspirasyon ay mabilis niya akong makikita, at 'pag lumingon 'daw sya sa akin kailangan 'daw mag flying kiss ako tapos kailangan 'daw 'pag nakakapuntos sya boses ko 'daw dapat ang aalingawngaw sa buong Gymnasium. Sus. Ang dami talagang nalalaman ni Thaniel, pero 'di ko mapigilang ngumiti, pati sa laro niya gusto niya huwag 'din akong mawala sa paningin niya.
Hindi ko nakita si Thaniel pero lumabas na ang emcee hudyat na magsisimula na ang program.
Sobrang hiyawan at tilian ang naririnig ko. Halos 'di ko na 'rin marinig ang sinasabi ng emcee.