Chapter 14: Kaibigan

94 4 5
                                    

Chapter 14: Kaibigan

[Mimi's POV]

Masayang masaya si Inay ng ibinalita ko sa kanya na naka enroll na ako at pwede na akong pumasok sa lunes.

Dinig na dinig ko ang tuwa sa boses ni Inay. Ang sarap pakinggan. Alam kong may hinanakit pa sya dahil sa idedemolish na ang bahay namin kung saan ako lumaki at kung saan kami namuhay ng magkasama pero masaya ako na marinig ang galak niya dahil sa nalamang mag aaral na ako.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa paglundag ni Amy sa kama ko.

Naeexcite syang samahan akong bumili ng mga gamit ko.

"Wag ka ng mag alala. Ako ng magbabayad ng lahat." saad niya habang niyuyugyog yugyog ako.

"Hindi na kailangan Amy, ano kaba. Masyado na kayong maraming naitulong sa akin. Kahit ito na lang ang itulong ko sa sarili ko, payagan nyo na akong ako ang magbayad ng para sa gamit ko. Nakakahiya na" saad ko.

"Ano kaba Mimi, ito na nga 'yung pera oh. Hawak ko na. Wag ng maarte, maligo kana." saad niya habang tinutulak tulak niya ako papuntang banyo.

Ayaw niyang pumayag. Ah basta, uunahan ko na lang syang magbayad mamaya.

Naligo na ako at nagbihis.

Kakain pa sana ako ng hilain na ako ni Amy at pinasakay sa taxi, sa Mall na lang 'daw kami kakain, wala na akong nagawa pa dahil nakasakay na kami.

Pagkarating sa Mall ay tinahak namin ang daan patungong National Bookstore. Bibili kami na mga gamit na kakailanganin ko para sa pag aaral. Kinakabahan na nga ako eh. Dalawang araw na lang ay lunes na. Dalawang araw na lang ay papasok na ako bilang isang Kolehiyala. Hindi man ako matalino, gagawin ko ang lahat para matuto at makapasa. Hindi ko sasayangin at bibiguin ang mga umaasa sa akin. Ang Diyos, si Inay, si Amy at si Thaniel. 'Di ko sila bibiguin.

"Amy, mahirap bang maging College student?" tanong ko pagkapasok namin sa NBS.

Patuloy lang sya sa paglalakad at paghahanap ng mga gamit.

"Walang mahirap sa taong masikap. 'Yan ang lagi mong tatandaan Mimi." saad nya at ngumiti.

Tumango ako.

"Magkwento ka naman tungkol sa pagiging Kolehiyala mo." saad ko.

Gusto kong malaman ang mga naranasan niya.

Huminga sya ng malalim at tumingin saglit sa taas na para bang inaalala niya ang mga pangyayari.

"Katulad mo, sobrang kinakabahan 'din ako noong mga panahong 'yon Mimi. Hindi ko alam kung paano ako mag aadapt sa kapaligiran ko. Kung pa'no ako makikisama at kung pa'no ako aakto. Mahirap sa umpisa dahil malaking adjustment, from Highschool to College? Kung saan noong highschool pwede pang magloko loko pero sa college, hindi pwede 'yan. Napaka strikto nila sa Attendance. Nakaka stress, hassle pa. Nakaka pimples, lagi kasing puyat dahil sa napakadami at sunod sunod na mga requirements. Wala ng libre sa grade ngayon, lahat recorded. Parang lahat may kaniya kaniya na 'ring buhay. Nabawasan ang mga nagkokopyahan at naging madignidad na ang mga estudyante. Mahirap talaga ang maging College student pero at the same time masaya, kasi mabibigyan ka ng iba't ibang opportunity to develop your talents and skills through activities." paliwanang nya.

Kahit papaano ay nagkaroon ako ng ideya at mga facts tungkol sa pagiging College student.

Mula sa pagkakaexplain niya ay mukha ngang mahirap pero kung kaya ng iba, dapat kaya ko 'rin. Wala ako sa oras para magisip ng negative, kailangan think positive dahil kailangan kong pagtibayin ang loob ko.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon