Chapter 37: The Hottest Male On Earth For Me

60 3 0
                                    

Chapter 37: The Hottest Male On Earth For Me

[Mimi's POV]

Tumawa ng malakas si Mart at nakisabay 'rin sa pagtawa si Tiffy.

Hindi ko alam pero bigla na lang nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa mga braso. Naiintindihan ko na walang permanenteng girlfriend si Mart pero ang isiping iba ibang babae 'rin ang ginagawan niya ng ganun ay parang nakakadiring isipin. Naiisip ko bakit kaya siya nagkakaganyan? Pakiramdam ko kasi ay may dahilan sa likod ng bawat ginagawa niya eh. May problema kaya siya?

"Hey." napatingin ako kay Thaniel ng nagsalita sya.

"Huh?" saad ko.

Baka mamaya may sinasabi na pala sya na hindi ko napakinggan dahil sa naglalakbay na isip ko.

"Ano iniisip mo?" tanong niya.

Magsasalita na sana ako ng biglang mas lalo pang humagalpak sa kakatawa si Mart.

"She's drooling over me dude. Mas nagagandahan yata sya sa katawan ko kaysa sa'yo." saad ni Mart habang tawang tawa na nakahawak sa tiyan.

"Shut up." bulyaw naman ni Thaniel.

Hinarap niya ako ng nakabusangot ang mukha. Tinaasan ko siya ng kilay at saka ngumisi. Pagtritripan kita.

"Oo eh. Iniisip ko ang katawan ni Mart, naglalaway ako." saad ko.

Mas lalong tumalim ang titig niya sa akin at saka inis na binitawan ako.

Nagkibit balikat ako at saka naglakad patungo sa kwarto ko.

Nararamdaman ko ang pagsunod niya sa akin kaya tuloy tuloy lang ako sa paglalakad, pinipigil ang pagtawa.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at saka pumasok roon. Iniwan kong nakabukas ang pinto dahil alam kong papasok 'rin siya, nakakadalawang hakbang pa lang ako ng narinig kong sumarado ang pinto. Napangisi na lang ako at saka umupo sa gilid ng kama ko at nagtanggal ng sapatos.

"Mimi nagjojoke ka lang di'ba?" tanong niya.

Umangat ang ulo ko at nakita ko siyang malungkot na nakatitig sa akin.

Ngumiti ako at saka umiling.

"Hindi ako nagjojoke. Nakakapaglaway naman talaga ang katawan ni Mart eh." saad ko.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang itinaas ang damit niya. Napalunok ako at tinignan siya. Ngumisi siya at tuluyan ng tinanggal ang damit niya. Oh my God. Topless na siya. Sunod sunod na paglunok ang ginawa ko at pakiramdam ko ay biglang uminit sa loob ng kuwarto ko. First time kong makita siyang walang saplot sa itaas at...at...shete. Enebenemen. Pakiramdam ko naghuhuramentado na 'rin ako paano ba naman kasi, nakaka face to face ko ngayon ang malalaman niyang abs.

"Ano Mimi? Ngayon mo sabihin sa akin kung sinong mas hot sa amin." saad ni Thaniel.

Tinignan ko siya at nakita ko ang nakangisi niyang mga labi. Halikan kita diyan eh. Saad ko sa sarili ko. Lumunok ulit ako at saka ngumisi 'rin.

"Siyempre s-si Mart pa 'rin." saad ko kahit na ang totoo ay sa katawan niya ako pinaka naglalaway.

Biruin mo? Sa likod pala ng bawat suot niyang damit ay may nakatagong antigong kumikislap kislap na abs.

Mas lumapit siya sa akin kaya napaliyad ako mula sa pagkakaupo ko.

"Talaga lang ha?" saad niya.

Ngumisi ulit siya pero kakaibang ngisi. Saka ko lang alam ng bigla niyang kalasin ang sintron niya.

"Th-Thaniel a-anong ginagawa mo?" tanong ko.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon