Chapter 48: Sungit Mode

59 1 0
                                    

Chapter 48: Sungit Mode

[Mimi's POV]

"NAKAKAINIS." sigaw ko ng malaglag lahat ng zombie sa dinadaanan nila.

Naglalaro kasi ako ng zombie tsunami. Nasa kwarto ako ngayon habang naka indian seat pa.

Dito ko binubuhos lahat ng inis ko. Naiinis ako sa mga nangyayari. At lalong kinaiinisan ko ay ang sarili ko.

Naiinis ako kasi binawi ko ang sinabi ko kay Thaniel. Dapat...dapat wala na kami ngayon. Hindi naman sa masaya ako na maghihiwalay kami kaya lang kasi sa pamamagitan 'non...sasaya sya. Sasaya sya kasi makakahanap sya ng taong nababagay sa kanya at hindi ang isang taong tulad ko na walang wala sa kanya. 'Yung sasaya sya at balang araw magpapasalamat sya sa akin dahil sa ginawa ko. Marerealize niya na mali ang maging kami.

K-kaya lang ng marinig ko siyang umiiyak para sa akin...nalusaw ang mga iniisip ko. Hindi ko sya natiis. Mahal na mahal ko kasi sya.

Lumipas ang isang linggo na puro si Thaniel ang nakikita ko. Hanggang sa paggising sinisigurado niyang nasa kwarto ko na sya at magigising ako na sya ang una kong makikita, at hanggang sa pagtulog na hindi pa sya uuwi hangga't hindi ako nakakatulog. Dumoble ang pagkakulit niya at lalong lalo na ang mga efforts niya. Palagi pa 'rin syang nagdadala ng mga pagkain at mga bulaklak.

"Mimi...wag mo na ulit babalakin makipaghiwalay sa akin ha?" tanong na naman niya.

Wala na 'ring araw na lumipas na hindi niya tinanong sa akin at sinabi sa akin 'yan. 'Yung para bang nagkaroon na sya ng trauma sa nangyari at ayaw na niyang maulit pa ulit. Ramdam ko na 'din sa mga yakap niya na talagang ayaw niya akong mawala sa kanya, sobrang higpit at minsan...napapatingin na lang ako sa kanya dahil bigla bigla na lang syang manghahalik...sobrang lalim.

Hindi ako sumasagot sa mga tanong niya kaya bigla syang sisimangot at makikita ko na lang na kikislap ang mga mata niya kaya bigla bigla ko syang yayakapin at sasabihing mahal na mahal ko sya...pero hindi ko yata maipapangakong hindi ko sya iiwanan.

Kaya hangga't magkasama pa kami...gagawin ko ang lahat para lang magsawa sya sa akin at maghanap na sya ng iba. Oo, tama. At kapag nangyari 'yon...tuluyan na syang magiging masaya.

Kinuha niya ang kamay ko at saka tinitigan iyon.

"Nagalit ako kay mommy." biglang saad niya.

Nakita ko syang nakasimangot at parang malalim ang iniisip.

"Mali ang ginawa mo, Thaniel. Mama mo 'yun eh, ba't ka nagalit?" tanong ko.

Tumingin sya sa akin at saka ngumuso.

"Dahil sa kanya muntik mo na akong hiwalayan." saad niya.

Nagiwas ako ng tingin at saka pumikit ng mariin.

Kailangan na talagang magising si Thaniel. Kailangan...sya mismo ang makipaghiwalay sa akin. Kailangan.

Pagsasawain ko sya sa akin. Wala syang ibang gawin kundi magpasarap lang sa buhay dahil nga sa mayaman sya. Papahirapan ko sya hanggang sa magsawa at sya na mismo ang mang-iwan. Kahit na ako na lang ang maiwan. Kung darating man 'yung araw na kamuhian niya ako dahil sa mga gagawin ko tatanggapin ko...dahil kailangan. Kahit maiwan akong luhaan, basta ba para kay Thaniel. Para masagip pa sya. Para magising na sya na hindi talaga kami bagay na dalawa.

Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Thaniel sa kamay ko at saka naglakad patungo sa CR ng kwarto ko. Tinawag pa niya ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon at nag-atubili pang sumagot.

Nagkulong ako sa CR at nag-isip kung pano ko sya makukumbinsi na kamuhian ako.

Ilang minuto pa ng biglang may kumatok sa pinto ng CR.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon