Chapter 13: No Need
[Mimi's POV]
"Inay, mag aaral po ako." saad ko kasabay ng pag punas ko ng luha ko at pagsinghot sa lahat ng sipon ko.
Hindi agad nagsalita si Inay, marahil natigilan sya sa sinabi ko.
"P-paano?" tanong nya.
Ikinwento at ipinaliwang ko sa kanya lahat ng inoffer sa akin ni Thaniel.
Kung kanina'y umiiyak sya dahil sa lungkot ngayon ay umiiyak sya dahil sa galak.
"Talaga anak? Napaka bait naman ng Thaniel na 'yan. Gusto ko syang makilala anak." saad nya ng may galak ang boses.
Ngumiti ako.
"Sige po. Dadating ang araw ipapakilala ko po kayo sa kanya." saad ko.
Nag usap pa kami konti at ibinaba ko na ang tawag ng maalalang kasama ko nga pala si Amy. Baka naiinip na sya.
Humarap ako sa kanya at ngumiti.
"Ayos kana?" tanong nya.
Tumango ako. Niyakap nya ako at nginitian.
"Ano bang nangyari?" tanong ulit nya.
Kinuwento ko lahat ng napag usapan namin ni Inay kay Amy.
Ngumiti sya at nag thumbs up.
" Yan ang pinaka magandang desisyong nagawa mo Mimi. Salamat at tatanggapin mo na ang offer ni Thaniel." nakangiting saad nya.
"Oo nga eh. Kailangan kong makapag tapos ng pag aaral. Kailangan." saad ko habang nakatingin sa mga taong dumaraan sa harap ko.
Nakita ko ang pagtitig nya sa akin.
"Thaniel is a good guy. I like him for you." saad nya na ikinagulat ko.
Seryoso ba sya?
"A-akala ko ba may g-gusto ka sa kanya?" saad ko.
Natigilan sya saglit at humalakhak 'din kalaunan.
Kumunot ang noo ko dahil sa naging reaksyon nya.
"You're Crazy? San mo ba nakuha ang ideyang 'yan Mimi? Laughtrip uhm putek." saad nya sabay hampas sa braso ko at tawa.
"Eh 'yun 'yung nakikita ko eh. 'Yung pagtitig mo kasi sa kanya noon." sagot ko habang nagkakamot ng ulo.
"Dahil lang 'don? Alam mo kasi yang si Thaniel, bihira lang magtuon ng pansin sa mga babae kaya nakakagulat ng pansinin nya tayo. 'Yun lang 'yun. Na starstruck lang siguro ako dahil gwapo sya. " saad nya.
Tumango tango ako at ngumiti.
Ibig sabihin wala naman talaga syang gusto kay Thaniel?
Eh pano si Thaniel ? Di'ba may gusto sya kay Amy?
"Eh diba may gusto 'rin sa'yo si Thaniel?" tanong ko.
Nakita ko ang pagkagulat sa ekspresyon nya sa sinabi ko. Parang 'di sya makapaniwala sa mga pinagsasasabi ko.
"Alam mo Mimi. Masyado kang nagoover thinking. Lahat yata ng makita mo binibigyan mo ng malisya." saad nya.
'Di na lang ako nagsalita.
Wala pala silang gusto sa isa't isa?
Parang may mga nagpiyesta sa tiyan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa pag aakalang kahit papaano'y may pag asa pala ako.