Chapter 6: Babeng Nasa Picture
[Thaniel's POV]
[Part Two: Flashback]
"TanTan, Ok ka lang ba? 'Di kaba sinaktan ng mga feeling close na babaeng 'yun?" nagaalalang tanong ni Madine habang ineexamine ang bawat parte ng katawan ko.
Tinignan n'ya ang mukha ko at nag aalalang pinunasan ito ng kanyang panyo.
"Madine, stop it. Ok lang ako." saad ko at tatalikod na sana ng bigla nya akong niyakap.
"Please TanTan layuan mo sila 'pag nandyan sila. Gusto ko ako lang ang pansinin mo. Ako lang. Please TanTan." nagmamakaawang saad ni Madine habang nakayakap pa 'rin sa'kin.
Minsan feeling ko masisiraan na ako ng ulo dahil sa sobrang kulit nya. Gustong gusto kong sabihin sa kanyang I don't like her, not a bit. Pero nag aalangan ako hindi dahil sa baka lumayo sya kundi dahil sa mag eexaggerated at magwawala sya dito. Wala syang pakielam sa iniisip ng iba, sarili nya lang iniisip nya at kung ano ang sa tingin nyang gusto nya.
Maganda sya, sexy, matalino pero...hindi isang katulad n'ya ang tipo ko. Maganda dahil sa laging puno ang kanyang muka ng iba't ibang kulay. Matalino s'ya at laging sinasabi sa'kin na dahil 'daw sa'kin kaya sya nag aaral ng mabuti, Nagpapasalamat ako dahil isa ako sa inspirasyon nya pero dapat magulang pa 'rin nya ang pinaghuhugutan nya.
Sakal na sakal ako sa mga pinaggagagawa nya sa'kin. Since highschool pa lang kami ay ganito na sya kung umakto sa harap ko pero hindi ako nasasanay at hinding hindi ako masasanay sa ginagawa at sa palaging present na presensya nya sa kahit 'san ako pumunta.
Alam kong masama pero gustong gusto ko talaga syang mawala sa paningin ko. Sabi ko nga, I want a peaceful life, pero pa'no magiging peaceful kung palaging may nakaaligid sa'kin. At isa pa, babae sya. 'Di ba nya naiisip 'yun? Dapat hinihintay nyang lalaki ang pumunta sa kanya at hindi ang sya ang palaging nagiinsist.
"Madine, 'di mo ako pag aari. Kaya lalapitan at kakausapin ko ang kahit na sino kung gustuhin ko 'man." saad ko ng walang kaekspre-ekspresyon.
Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa akin at tumalikod na.
Pasalamat nga sya at 'di ko sya dinederektang itinataboy. Kung iba lang ako ay marahil gagawin ko ang lahat mapaalis lang sya sa landas ko.
"TanTan, gusto mo ba munang magdate muna tayo?" tanong nya pero lumingon lang ako at tsaka umiling.
Hindi ko alam na sinundan nya pala ako at tumabi sa akin at tsaka kumapit sa braso ko.
"Eh TanTan sumakay ka na lang sa kotse namin. Tabi tayo sa likod 'non if you like?" saad nya.
Umiling ulit ako at tinanggal ang pagkakakapit nya sa braso ko at tsaka pumara ng taxi.
"I love you Babes TanTan. Keep safe, mamahalin 'pa kita." pahabol na sigaw n'ya bago ako pumasok sa loob ng taxi na pinara ko.
How I wish kahit isang araw lang ay walang Madine na laging nakabuntot sa akin.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil sa araw na ito, magkakaroon ng basketball game sa pagitan ng university namin at ang kabilang university. Kasali kaming tatlo nila Lucky at Mart 'don at kung 'di nyo natatanong, I'm the Captain of the team.
Dumating ako 'don ng six ng umaga for the warm up and practice. Mamayang eight oclock pa ang start ng game. Kampante akong mananalo ang Team namin sa pagkakataong ito.