Chapter 16: Kahalikan
[Mimi's POV]
"Kamusta ang unang araw mo sa Kolehiyo Mimi?" tanong ni Amy habang nakasakay kami sa sasakyan ni Thaniel pauwi.
Lumingon si Thaniel sa akin at ngumiti.
Lumingon ako kay Amy.
"Ayos lang Amy." saad ko.
Tumingin ako sa labas at huminga ng malalim. Naalala ko na naman ang mga sinabi ni Madine sa akin.
Lumipas ng mabilis ang mga araw. Kung anong nangyari noong first day ay ganoon 'din ang nagyayari araw araw. Parang narerewind lang sya o 'di kaya naman ay sirang plaka na paulit ulit.
Hindi pa 'rin natatanggal ang mga mapanuring titig ng mga estudyante at ang pagiging suplada nila sa akin.
Sa mga subjects ko naman, medyo nahihirapan pa ako dahil nasa pag aadjust pa lang ako pero kahit papaano nakakaraos naman ako dahil na 'rin siguro kay Gail. Lagi niya akong pinapahalalahanan na huwag magpa apekto.
Lagi ko 'ring kasabay si Amy, Gail, Lucky, Mart, at si Thaniel. Si Mart kasi ay palaging iba iba ang kasamang babae.
Katulad na lang ngayon. Sabay sabay kaming naglalakad patungo sa cafeteria ng school. Kung kahapon ay si Beatrice na isang cheerleader ang kasama niya, ngayon naman ay ang matalik 'daw na kaibigan ni Beatrice ang kasama niya na si Angela.
"Mimi, what do you want?" tanong ni Thaniel pagkaupo namin sa cafeteria.
Mabilis akong umiling at tumayo para sana bumili ng sarili kong pagkain pero hinarang ako ni Thaniel at itinuro ang upuan na pinanggalingan ko.
"Seat there." saad niya.
Sinubukan kong lagpasan sya pero hinarangan ulit niya ako. Sinubukan ko ulit pero hinarangan ulit niya ako.
Para lang kaming naglalaro. Pero ng mapansin kong nakatingin ng masama ang mga babae sa akin sa cafeteria ay bumalik na lang ako sa upuan ko at tumabi kay Mart na katabi ni Angela. Nasa harap ko si Amy tapos katabi niya si Lucky at Gail.
May pagkain na silang lahat, ako na lang ang wala. Ang kulit kasi ni Thaniel eh. Lagi na lang ganito ang eksena. Lagi niya akong pababalikin sa upuan dahil sya na 'daw ang bahala sa pagkain ko.
Tapos 'yung mga pagkaing inoorder niya ay sapat at kasya na sa aming lahat pero ipipilit niyang ipa ubos sa akin. Hindi naman ako ganun katakaw para maubos 'yon kaya naiintindihan ni Thaniel pero kahit na anong suway ko na konti lang ang orderin niya ay mas lalo pa 'nyang dadamihan at ang masama pa, 'di niya ako tutulungan sa pagubos.
Inilapag ni Thaniel ang mga pagkain sa harap ko, at gaya nga ng sabi ko. Over sa dami. Lahat na lang yata ng putahe na niluto ng cafeteria na ito ay binili na niya.
Pagkalapag niya sa pagkain ay matalim niya akong tinignan at inilipat niya pa ang tingin niya kay Mart na nananahimik sa tabi ko. Ano'ng problema nito?
"Mimi dyan ako." biglang saad niya habang matalim pa 'ring tinititigan ang walang kamalay malay na si Mart na nakikipaglandian kay Angela.
Sinunod ko na lang ang utos niya at umalis ako sa pwesto ko.
Umupo sya sa dating pwesto ko tsaka niya ako hinila paupo sa tabi niya.
"Kaya naman pala." saad ni Amy habang kinakagat ang kanyang manok.
"Wag ka ng tatabi pa kay Mart. Hitter 'yan." saad ni Thaniel habang nakatingin sa akin dala ang kumikinang niyang mata.
"Ano 'tol? Psh. Hitter mong mukha mo. I have my own bunch of ladies. Sa'yong sa'yo na 'yan si Mimi." saad naman ni Mart.