Chapter 28: Without Him...Is Like A Hell
[Mimi's POV]
Dire-diretso lang ako sa pagtakbo. Hindi ako huminto kahit na ramdam na ramdam ko ang sakit ng binti at ang pagsakit 'rin ng tiyan ko. Hindi ko alam kung ang dulot ng mabilis na pagtibok ng puso ko ay ang pagtakbo ko o ang mga sinabi ni Thaniel.
Sh*t. Iniwan ko na naman sya. Pero kasi wala na akong magawa. Ito na lang ang pwedeng paraan...ang takbuhan ang nararamdaman ko para sa kanya.
Dinala ako ng mga paa ko sa Apartment. Dire diretso ako sa pagpasok sa kwarto ko at pagkulong. Agad akong tumungtong sa kama ko at dumapa roon. Kahit hindi ako humahagulgol ay patuloy pa 'rin sa pagtulo ang mga luha sa mata ko.
Nasasaktan ako para kay Thaniel. Naiisip ko ang nagmamakaawa nyang mga mata. Ang malungkot nyang mga mata na dahilan sa akin. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang huwag umiyak. Ito na lang talaga ang pwede kong gawin.
Binigo ko na naman sya. Alam ko...naramdaman ko ang pagmamahal nya sa akin...kahit hindi kapani paniwalang mahal nya ako ay naramdaman ko pa 'rin..Gusto kong mapamura dahil sa napakatanga ko...pero masisisi nyo ba ako kung gusto kong 'wag na syang madamay pa sa kamalasan ko.
Siguro sa mga oras na ito...sumuko na sya. Sino ba naman kasing makakatagal sa akin. Sino ba namang makakatiis sa akin?
Ayan na. Mahal na nya ako...mahal ako ng taong mahal ko pero bakit parang ang hirap pa 'rin.
Ilang oras akong nagmukmok sa kwarto ko at batid kong nararamdaman ko na pagrereklamo ng tiyan ko dahil sa gutom.
Ilang sandali pa ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Mimi? Amy 'to." saad nung kumakatok.Umupo ako sa kama ko at pinunasan ang luha ko.
"Pasok. Hindi 'yan nakalock." saad ko.
Nakita ko ang pagbukas ng pinto at pagsilip ni Amy sa akin. Ngumiti sya at tuluyan ng pumasok sa loob ng kwarto ko.
Naglakad sya patungo sa kama ko at umupo sya sa gilid nito.
Nilingon nya ako at nakita ko ang mata nyang nakikisimpatya sa akin. Ngumiti ako at umiling.
"Ako ang nagsabi kay Thaniel ang dahilan kung bakit ayaw mong magpaligaw." saad nya ng nakatingin sa akin.
Sumampa sya sa kama ko at tumabi sa akin.
Sa kanya ko lang sinabi ang dahilan kaya hindi na ako magugulat kung sinabi nyang sya ang nagsabi.
"Ok lang. Dapat lang naman na malaman nya." saad ko at huminga ng malalim.
"Alam mo? Ganyan ba talaga kayong mga taga probinsya? Pinapalaki ang isang bagay na dapat hindi malaki?! Kasi dito dapat go with the flow ka lang. Take the risk, take the oppurtunity..." saad nya sabay tingin sa akin. "Ano ba naman 'yan Mimi, pinapahirapan mo lang ang sarili mo eh. Siguro nga masyado kang pure at plain sa buhay pag ibig. First time mo 'to tama ba? Hindi 'yan matatawag na love kung hindi ka masasaktan kahit na isang beses lang. Mahal ka nya at...mahal mo 'rin sya, so bakit mo pa ba pinapahirapan 'yang sarili mo?..." saad nya at humiga sa kama ko pero nakatingin pa 'rin sa akin.
"Wala naman sa ten commandments na dapat ang mayaman ay para lang sa mayaman at ang mahirap ay para lang sa mahirap...walang ganon, Mimi. Everything is possible. Everything happens for a reason..." saad nya at umupo ulit at saka hinawakan ang mga braso ko. "Ang masasabi ko lang...hangga't may buhay.. enjoyin lang. Kung ano sa tingin mong magpapasaya sa'yo...Grab it. Take it. No but's, no what if's." saad nya habang nakatingin sa dalawang mata ko ng seryoso.