Chapter 30: No Secrets Allowed
[Mimi's POV]
"Hindi na, Mimi. My heart belongs to you...kaya 'pag iniwan pa ulit kita o iniwan mo ako...para na 'rin akong namatay dahil nabubuhay lang ito...at tumitibok para sa'yo." saad nya.
"Th-Thaniel? Bumalik kana?" nakita ko ang reaksyon ni Madine na naiiyak habang palapit ng palapit kay Thaniel.
Lumingon si Thaniel sa kanya at saka umatras si Thaniel dito.
"Stop, Madine. Huwag mo akong lalapitan. I thought nag iba kana? I thought naisip mo na na mali ang mga ginagawa mo. I heard everything you said to Mimi. Umaalingawngaw ang boses mo sa buong sulok nitong field. Nagpakabait ka para lang maging mas malapit sa akin? Wow. You amaze me. You amaze me on how desperate you are." saad ni Thaniel habang umiiling iling.
"I'm so disappointed. I believe you pero puro akala ko lang pala ang lahat." saad nya at saka hinila na nya ako paalis.
Humahagulgol na sinundan at niyakap ni Madine si Thaniel sa likod nito.
"I'm sorry Thaniel. I love you so much. I can do anything just for you kaya ko nagawa 'yon. Naguguluhan kasi ako...ano ba meron kay Mimi na wala sa akin? Ano ba? Enlighten me please...coz' I don't know anymore. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I want to give you up pero 'pag naaalala ko kung gano kita kamahal... hindi ko pala kaya." hagulgol nya.
Kahit na lagi nya akong sinasaktan meron pa 'ring parte sa akin na naaawa sa kalagayan nya.
Marahas na tinanggal ni Thaniel ang nakapulupot na kamay ni Madine sa kanya.
"Don't compare yourself to Mimi. Because she's better than you." aniya at saka hinila na nya ako papunta hanggang sa sasakyan nya.
Nakakunot ang noo ni Thaniel habang nakatunganga sya at nakahawak sa manibela. Hanggang ngayon hindi pa 'rin kami umaalis.
"Thaniel..." tawag ko sa pangalan nya.
Mabilis syang lumingon sa akin...nabawasan ang kunot ng noo nya ng lumingon sya.
"Hmm?" bakit ba sa simpleng 'hmm' lang nya...kinikilig na ako? Normal pa ba ito? O talagang mahal ko lang sya kaya ganito na lang ang epekto nya sa akin.
Halos madurog ko na ang labi ko dahil sa kakakagat dito. Nagpipigil kasi ako ng kilig eh. Shete.
Ngumisi sya at tinitigan ang labi ko. Huminto ako sa pagkagat dito at lumunok. Nakita ko 'rin ang pagbaba ng adam's apple nya hudyat na lumunok 'din sya.
Tumingin sya sa mga mata ko at saka ngumiti.
"Stop biting your...beautiful lips." saad nya at saka nag iwas ng tingin.
Ngumiti ako at saka hinawakan sya sa muka para sya naman ang iharap sa akin ngayon. Nakita ko 'rin ang pamumula ng mukha nya at ang pagkagulat nya sa ginawa ko.
Napag isipan ko na lahat ng mga pagkakamali ko kay Thaniel. Handa na akong harapin ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi na ako mahahadlangan pa ng kahit na sino.
"Bakit ka nag iiwas ng tingin?" tanong ko.
Ang totoo niyan inaasar ko sya. Haha. Halata kasing may gusto syang gawin na hindi nya lang magawa.
Mas lalong pumula ang pisngi nya ng tumingin ulit sya sa labi ko at nag iwas ng tingin.
"W-wala. Ba't naman ako mag iiwas?" tanong nya.
Haha. Ba't 'daw mag iiwas eh hindi naman sya nakatingin sa akin.
"Tingin kana sa akin ngarod." malambing na saad ko.