Chapter 45: Happy nga ba?

56 2 0
                                    

Chapter 45: Happy nga ba?

[Mimi's POV]

Akala ko ay sa mga bisita niya ako dadalhin pero naguluhan ako ng umakyat kami sa hagdan papunta sa tapat ng isang pintuan.

"Ano gagawin natin dito?" tanong ko habang binubuksan niya ang pintuan na siguro ay kwarto niya dito sa bahay nila.

Sumulyap sya sa akin at saka ngumiti.

"Basta." saad niya.

Kinabahan ako sa basta niya pero sumunod pa 'rin ako sa kanya sa loob at saka inilock niya ang pinto at saka pumunta sa harap ng isang closet. Binuksan niya iyon at saka may kinuhang box.

"Dito ko 'to ilalagay para safe at hindi madumihan." saad niya at saka dahan dahang inilagay ang naka frame na stitch sa box at isinara na 'yung cloaset niya.

Inilagay niya ang isa niyang kamay sa bulsa niya at saka hinawakan niya ang isang kamay ko at hinalikan ito. Pinisil pisil pa niya ito at saka ngumiti. Inilabas niya ang kamay niya mula sa bulsa niya kasama ang isang...singsing.

Ngumiti sya sa naging ekspresyon ko.

"Wag kang mag alala. This is not an engagement ring. This is a promise ring, Mimi. Gusto ko ipromise sa'yo na ikaw lang. Ikaw lang ang mahal at mamahalin ko. I promise na you will be my forever." saad niya at saka inilusot ang singsing sa daliri ko.

"At syempre gusto ko...magpromise ka 'rin." saad niya at saka kinuha pa ang isang singsing na mas malaki sa bulsa niya.

Binigay niya yon sa akin at gusto niyang isuot ko 'yon sa kanya habang nagpropromise ako.

"Mimi...promise mo ba na ako ang magiging forever mo?" tanong niya.

Ngumiti ako at kasabay non ang paglandas ng isang patak ng luha sa mata ko.

"Hindi ko alam kung may forever nga Thaniel, pero kung totoo man 'yun, nangangako akong ikaw lang at wala ng iba pa." saad ko.

Ngumiti sya at saka niyakap ako ng mahigpit.

"I really want to kiss you right now...pero ayokong masira yang lipstick mo. Kaya yakap na lang." bulong niya.

Ngumiti ako at saka niyakap 'din sya pabalik. Sana 'wag na matapos ang sandaling ito. Sana mastuck na lang kami sa ganitong posisyon at huwag ng matapos. Ang sarap sa pakiramdam. Si Thaniel na hindi mo aakalaing magkakagusto sa tulad ko at sure na sure na na ako ang babaeng gusto niyang makasama.

Ilang sandali pa ng may kumatok.

"Sir Thaniel hinahanap na po kayo sa baba." saad ng maid siguro nila.

"Sige po." saad naman ni Thaniel.

"Tara na." saad niya at saka hinawakan niya ako sa kamay ko.

"Are you ready to meet my family?" nakangising tanong niya habang pababa kami sa hagdan.

Hindi ako nakasagot dahil hindi ko 'rin naman alam ang isasagot ko.

Pagbaba namin ay nabitiwan ni Thaniel ang kamay ko dahil dinagsa sya ng mga bisita niya at nakipagbeso pa. Binabati nila si Thaniel.

Pumunta muna ako sa gilid at saka pinanood na lang sila.

"Kaibigan ka ni Tantan?" tanong ng isang babae na palagay ko ay kasing age ko at saka maganda. Makinis ang balat at saka nakangiti syang nakatingin sa akin.

Inofferan niya ako ng isang basong may laman na wine kaya tinanggap ko iyon kahit na wala naman akong balak na inumin. Ayaw ko lang na isipin niyang isnabera ako.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon