Chapter 20: Trust Is The Best Ingredient
[Mimi's POV]
Sobrang kinakabahan ako ng mag umpisa na ang party. Naririnig ko na ang malakas na tugtog na umaalingawngaw sa buong sulok ng lote at bahay nila Gail.
Nasa sala nila ako habang kasama si Amy na naka ilang ulit ng kuha ng baso ng alak. Sumasayaw sayaw na 'rin siya at halatang may tama na. Si Gail naman ay nagpaalam kanina na kakamustahin at ieentertain niya ang mga bisita. Nasa labas siya at nakikipagtawanan sa grupo ng babae. Tinignan ko ang sarili ko at tinignan ulit ang mga babaeng kasama niya. Kahit papaano ay nagmuka naman na akong tao.
"Mimi, diyan ka langsh." boses lasing na saad ni Amy at tumalikod na pero hinabol ko siya at hinawakan sa braso.
"San ka pupunta?" tanong ko.
Hinarap niya ako at nakita kong mapupungay na ang mga mata niya.
"Doooooon sha mooon. Shama kha? Hehehe. Bashta doon ka langsh." saad niya at tinuro ang kanina'y inuupuan ko lang na sofa.
Bumuntong hininga ako at pinanood siyang nagsasasayaw maglakad habang humuhugot ng kung ano anong baso ng alak sa mga dumadaang waiter na may tray.
Bumuntong hininga ako at inilibot ang tingin ko. May kanya kanya silang mundo. Lahat may kasama. Lahat may kausap. Lahat may katawanan. Ako lang ang wala.
Balak ko sanang hintayin si Amy sa sofa na inuupuan ko kanina gaya nga ng sabi niya pero naisip ko na baka matagalan pa 'sya kaya naisip kong ienjoy na lang ang gabi na ito. First time ko ito. At 'di ko maipagkakailang nakakaexcite at nakakabuhay ang atmosphere na meron dito.
Naglakad ako papunta sa gilid ng pool ng bahay nila Gail. Mas madaming tao dito kaysa sa loob ng bahay nila pero dahil sa gusto kong maranasan kung pa'no ba mabuhay ang isang mayaman na kasing edad ko, kailangan kong makihalubilo sa kanila at dumikit dikit sa kanila. Magpapaka feeling rich kid muna ako. Para naman masabi ko man lang sa sarili ko na isang araw sa buhay ko ay naranasan kong magpakasaya lang at itaboy ang lahat ng problema sa buhay.
Sumusulyap ako sa mga dumadaan sa harap kong grupo ng babae at mga lalaki. Minsan ay sumusulyap 'din sila sa akin pero iniiwas 'din nila agad ang tingin nila. Mas maganda na 'yun kesa naman mapangmata pa nila akong tignan at ipukpok sa ulo ko gamit ang matatalim nilang tingin na hindi ako dapat nandidito.
Ang ganda pagmasdan ng mga ilaw na parang sumasayaw sayaw lalo na 'pag tumatapat ito sa tubig ng pool. Nakakamangha. Nakakamangha lahat ng nandito sa Maynila.
Palinga linga at pasulyap sulyap lang ako sa paligid ko ng biglang nahagip ng mata ko ang isang lalaking may hawak na baso na may lamang alak at iniikot ikot ito habang nakasandal ang isang paa niya sa isang pader at nakatingin sa akin. Nakangisi siya at nakita ko ang pagtaas ng isang kilay niya ng makitang nakatingin 'rin ako sa kanya. Mas lalong lumaki ang ngisi niya ng nilingon lingon ko ang paligid ko at nanigurado kung ako ba talaga ang nginingisian at tinititigan nito. Napalunok ako ng bahagya ng nakitang humakbang ito at nakita kong sa direksyon ko ito papunta. Nagpapanic na ang puso ko dahil sa kaba. Ano na gagawin ko? Tatakbo na ba ako? Pero dahil sa pakiramdam ko ay napako na ang paa ko 'rito sa kinatatayuan ko ay 'di ko na nagawang tumakbo pa.
Nakatitig lang ako sa dimple niya na lumilitaw dahil sa pagngisi niya.
"Hey..." saad niya ng nakalapit na sa akin.
Lumunok ulit ako ng isang beses bago nagsalita.
"H-hey 'din." saad ko at napapikit ng bahagya siyang tumawa. Mali ba ang nasabi ko?
"You alone?" tanong niya.
Natataranta na ako. Hindi ko alam kung pa'no makipag usap sa mga engliserong katulad niya.