Chapter 49: Expect The Unexpected

66 2 0
                                    

Chapter 49: Expect The Unexpected

[Mimi's POV]

"Thaniel...hindi na ako mag aaral ng 2nd sem." saad ko kay Thaniel ng magsimula na ang sembreak.

Halatang nagulat sya sa sinabi ko pero buo na ang desisyon ko. Hindi ko na kaya pang mag aral kung alam kong sa kanya galing ang pera. Allowance niya iyon pero ginagastos niya para sa akin?

"Pero Mimi, kailangan mong mag aral." saad niya.

"Mag aaral ako Thaniel pero kapag nakapag ipon na ako." saad ko.

Huminga sya ng malalim at saka tinitigan ako. Alam kong malungkot sya pero hindi na magbabago pa ang desisyon ko.

"Eh ako na nga ang bahala." saad niya.

Tinitigan ko sya ng masama at saka inirapan.

"Kaya nga ayaw ko ng mag aral eh. Kasi nga ayaw ko ng gastusan mo pa ako." saad ko.

"Babayaran ko lahat ng ginastos mo noong first sem. Kailangan ko lang mag ipon." dagdag ko pa.

"Mimi naman eh. Sige na kailangan mo talagang mag--"

"ALIN BA SA SALITANG 'AYAW KO' ANG HINDI MO MAINTINDIHAN?" sigaw ko.

Malakas ang paghinga ko at saka hinihingal ako dahil sa pagsigaw ko.

Natigilan sya at saka yumuko. Ilang segundo 'rin bago sya nag angat ng tingin at bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang umiiyak sya...at humihikbi.

"S-sorry." saad ko.

Humakbang ako ng isa palapit sa kanya pero agad kong pinigilan ang sarili ko na yakapin sya. Iniwas ko ang tingin ko at pakiramdam ko sinasaksak ako ng bolo sa puso habang naririnig ko ang pagsinghot niya.

Yumuko na lang ako at saka kinagat ang labi ko para pigilan ang pag iyak.

"Ilang araw kana 'ring ganyan. H-hindi ko alam kung anong p-problema. Bakit bigla ka na lang naging cold at masungit pagdating sa akin. A-ang alam ko lang...nasasaktan ako." saad niya at saka umalis.

Mula sa kinatatayuan ko ay 'di ko na napigilan ang pag iyak. Tuluyan ng lumalabo ang relasyon naming dalawa ni Thaniel...at dahil iyon sa kagagawan ko.

Umuwi ako sa boarding house ng mag isa. Heto na naman ako. Nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba ang mga ginagawa ko. Minsan dumadating ako sa punto na tama na...masyado ko na syang nasasaktan...pero bigla kong maiisip na maiibsan 'din ang sakit na iyon kapag nakahanap na sya ng iba niyang mamahalin.

Pinilit kong matulog sa gabing iyon pero hindi ko makalimutan ang mukha ni Thaniel na nasa harap ko kanina na umiiyak at tinalikuran ako. Bumangon ako sa kama ko at saka umiyak na parang bata.

"Pakiramdam ko tuloy ang sama sama ko." saad ko at saka isinubsob ang mukha ko sa unan ko.

Tinignan ko ang phone ko pero nadismaya ako ng makitang wala man lang syang text o missed call man lang. Mas lalo akong naiyak at nalungkot.

Kagagawan ko naman ito di'ba? Ginusto ko ito kaya dapat...panindigan ko. Pero paksyet 'di ko naman alam na ganito pala kasakit saktan ang taong pinakamamahal ko.

Sinubukan kong gumawa ng text sa kanya para makatulog na ako. Para kasing 'di ako makakatulog hangga't 'di kami okay.

To: Thaniel

Gising ka pa? 'Yung tungkol sa kanina...sorry. I'm sorry Thaniel.

Message sent!

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon