Chapter 19: Cinderella Thingy

67 2 0
                                    

Chapter 19: Cinderella Thingy

[Mimi's POV]

"Mimi, pupunta ako dito bukas. Susunduin ko kayo ni Amy. Thank you for this day." saad niya.

"Salamat 'rin. Adavance Happy Birthday ulit. Ano ba gusto mong regalo?" tanong ko.

"No need Mimi. This day with you is your gift already." saad niya.

Tumawa ako saka tumawa 'rin siya.

Buti na lang sabado ang birthday niya.

Nagpaalam na siya kaya nagpaalam na 'rin ako.

Pinaharurot na 'rin niya ang sasakyan niya paalis at pumasok na ako sa loob ng Apartment.

Binati ko ang mga kaboarding ko na nasa sala at may iba ibang mundo bago pumasok sa kwarto ko.

Inilapag ko ang paper bag kung saan nakalagay ang binili namin ni Gail sa Mall na dress. Akala ko kung saan na niya ako dadalhin kanina, 'yun pala ay sa Mall lang.

Dinala niya ako sa Department Store at pinagsuot ng madaming dress pero sa huli ay ang kulay pink na cocktail, tube dress ang napili niya para sa akin. Nagtaka nga ako noong pinasusukat niya ako, pero noong huli ay nagets ko 'rin. Ibinigay niya 'to sa akin. Believe me, pero talagang ayaw ko sanang tanggapin ito kanina pero dahil sa sinabi niyang itatapon niya 'daw ito kung 'di ko tatanggapin ay tinanggap ko na lang.

Nagpunta 'rin kami sa isang mamahalin at kilalang restaurant kanina para kumain. Sobrang nahihiya ako kanina sa kanya dahil ako na nga ang nakinabang pero sya naman ang nagbayad ng lahat.

Pupunta 'rin siya dito bukas dahil napagdesisyunan niyang sabay sabay na lang 'daw kami nila Amy na magpa ayos sa stylist niya. Noong una tumanggi ako na magpa ayos pero pinilit niya ako kaya pumayag ako.

Pupunta na sana ako sa CR para maghugas ng katawan ko pero bumalik ako sa kama ko ng marinig ang cellphone kong tumunog. Pagtingin ko ay si Inay pala ang tumatawag.

Nagmadali akong sagutin ito dahil ayaw kong isipin ni Inay na busy ako.

"Hello Inay? Kamusta po?" excited na saad ko.

"Ayos lang ako anak. Nawa'y ayos ka lang 'rin dyan." narinig kong saad niya.

"Oo naman po." saad ko.

"Kamusta ang pag aaral anak?" tanong niya.

"Ayos lang Nay. Kahit papaano naman po nakakaraos ako. Kayo po diyan Nay? Ano na pong balita?" tanong ko.

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Inay.
"Lumipat na ako sa bahay ng Ate Tesie mo. Sa kanila na ako tumitira anak." saad niya.

Alam kong mahirap para kay Inay ito dahil iniwan niya ang bahay kung saan halos lahat ng masasayang alaala namin ay nabuo. 'Dun din sa bahay na 'yun kami nag umpisang mangarap.

Ilang minuto pa kaming nag usap ni Inay bago ko ibinaba ang tawag. Nasabi ko 'rin sa kanya ang dadaluhan kong birthday celebration ni Gail. Pinayagan niya ako at sinabing ienjoy ko lang 'daw ang buhay rito sa Maynila.

*******

"Ikaw Mimi ha nakakatampo kana. Hindi kana sumasabay sa amin nila Thaniel. Sabihin mo? May iniiwasan kaba?" tanong niya.

Napatingin ako sa kanya at kinutuban. Ganon na ba kaobvious na may iniiwasan ako?

"W-wala noh. Sino naman iiwasan ko? Ikaw?!" saad ko.

"Hindi. Pwede 'rin namang si...Thaniel." saad niya.

Gaya ng laging epekto ng pangalan niya, bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon