Chapter 50: Maybe...Goodbye
[Mimi's POV]
"A-ano po?" tanong ko.
"Kailangan nating pumuntang america para makita ang tunay mong ina." saad niya.
Napaatras ako at nanghihinang umupo.
Hindi ako pwedeng sumama. Paano si Inay? At saka...paano si Thaniel?
Umiling ako at saka tumingin sa kanya.
"Hindi ako sasama." saad ko.
Nagulat sya sa sinabi ko kaya lumapit sya sa akin at saka hinawakan ako sa aking kamay.
"Mimi...tunay mong ina 'yung pupuntahan natin 'don. Kadugo mo. Sya 'yung nag-ire sa'yo. Sya ang nag alaga sa'yo ng siyam na buwan bago kapa lumabas. Hindi mo ba sya gustong makita? makilala? at marinig ang opinyon niya?" saad niya.
Tumingin ako sa kanya at saka humagulgol. Hindi naman kasi ganun kadali 'yung hinihiling niya eh.
"P-pero si Nay, 'di ko sya pwedeng iwan." saad ko.
Huminga sya ng malalim at saka mas hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.
"Isasama natin sya kung 'yun ang gusto mo. Basta ang importante...magkausap at makilala niyo ang isa't isa ng tunay mong ina. You see? Kung wala siyang pakielam sa'yo eh 'di sana 'di na sya nag atubili pang ipadala ako dito para lang ipahanap ang nawawala niyang anak...at ikaw 'yon." saad niya.
Huminga ako ng malalim. Ayos naman na ako eh. Ayos naman na kaming dalawa ni Nay.
Hindi ko naman ipagkakaila na minsan minsan...naiisip ko 'rin kung sino ang tunay kong Ina. Ano ang tunay na rason kung bakit ako napunta sa iba. Minsan 'rin hinahanap hanap ng puso ko ang pagkalinga at pagmamahal ng tunay kong Ina. Masarap ba syang magmahal? Maalaga ba sya?
Ang daming tanong na gusto kong masagot.
May pag asa pa bang magkita kami? May pag asa pa bang makilala ko sya? Ito na 'yun. Ito na 'yung opurtunidad.
Sa wakas makikilala ko na sya. Ang tunay kong Ina, Mama, Mommy, Inay, o Nanay.
Para masagot ang mga tanong na iniisip ko...pumayag ako.
Pumayag akong sumama sa america...pero isasama ko si Inay.
Sabi ni Paula nasa kanya na 'raw lahat ng perang kailangan.
Hindi 'daw muna niya ipapaalam sa tunay kong ina na nakita at nahanap na niya ako...parang surprise 'daw 'yung gusto niyang mangyari.
Habang papalapit ng papalapit ang pag alis ko...hindi ko na alam.
Hindi ko nga 'rin alam kung babalik pa ba ako o kung doon na lang kami titira.
Magkakahalong emosyon ang nararamdaman ko. Naeexcite ako dahil makikilala ko na ang tunay kong ina. Masaya ako kasi kasama ko si Nay na pupunta ng America. Pero at the same time...malungkot ako. Malungkot ako dahil iiwan ko si Thaniel...ng hindi niya alam.
Walang nakakaalam. Dahil wala akong planong ipaalam sa iba na aalis ako.
Makakalimutan 'rin naman siguro nila ako. Pero si Thaniel...hindi ko kasi alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya kaya plano kong huwag na lang.
Tutal ito naman ang gusto ng Inay niya. At ito 'rin naman ang kailangan kong gawin. Kailangan ko syang iwan dahil 'yun ang nararapat sa aming dalawa. Hindi pa naman masyadong malalim ang relasyon namin kaya hindi naman siguro magiging mahirap para sa kanya ang mag move on. At isa pa...gusto kong makahanap sya ng taong nararapat para sa kanya.