Chapter 22: Exact Words
[Mimi's POV]
Hinila ako ni Thaniel papunta sa cafeteria. Batid kong pinagbubulungan na naman kami dahil nakahawak si Thaniel sa kamay ko habang naglalakad kami at nakita ko 'rin ang mga ngiti niyang mukang priceless, dahil para na siyang nanalo sa lahat. Nasa state of shock pa ako, 'yung tipong nagpapatianod na lang ako sa hila niya kahit na gusto kong magpumiglas sa pagkakahawak niya. Siguradong makakarating na naman ito kay Madine 'pag nagkataon. Ginagapangan na naman ako ng kaba sa maaari niyang gawin sa akin.
"Mimi, sino pa lang nagsabi sa'yo na girlfriend ko si Madine?" tanong ni Thaniel at sumulyap pa sa akin.
Pakiramdam ko ay mas lalong 'di ko na 'sya kayang titigan o tignan sa mukha niya. Dahil 'pag nakikita ko siyang nakatingin sa akin, 'di ako mapakali. Nagpapanic ako sa itsura ko. Masyado siyang gwapo para makatabi ang isang tulad ko. Nagmumuka akong muchacha 'pag kasama niya ako. 'Pag tinitignan ko ang mukha niya, para bang isa 'yun sa batayan, na kahit na sa itsura ko man lang ay walang dahilan para lumapit ako sa kanya, 'dun ko nakikita at naaaninaw kung gaano kalayo ang pagitan ng buhay namin. Kaya kahit kung panaginip man ito, ay talagang 'di pa 'rin ako maniniwalang manliligaw ko na sya ngayon.
"S-si Madine." sagot ko.
Tinanggal na niya ang paningin niya sa akin at inilagay ang tingin sa nilalakaran namin. Habang 'di siya nakatingin sa akin ay dagli dagli akong sumulyap sa kamay niyang mahigpit na nakahawak at perpektong nakaintertwined sa kamay ko. Ano kayang nararamdaman o iniisip niya? Ako na mismo ang nahihiya sa kagaspangan ng kamay ko.
Ibinalik ko ang tingin ko sa mukha niyang parang galit dahil sa sinabi ko. Ang napaka perpekto niyang mukha at pagkatao, umiling iling ako at huminga 'rin ng malalim habang nakatingin pa 'rin sa kanya. Masyadong perpekto, at alam kong alam niya 'yon, halos sinasamba na 'rin siya ng mga tao dahil sa angkin niyang kagwapuhan idagdag mo pa ang kabaitan niya, alam kong hindi magtatagal ang nararamdaman niya sa akin, kung meron man. Alam kong hanggang ngayon marahil ay awa pa 'rin ang nag udyok sa kanyang sabihing gusto niya ako.
Kung manliligaw man siya? O, sige hahayaan ko siya. Dahil alam ko namang anumang oras o araw sa ngayon, maiisip niyang masyado siyang perpekto para maging karelasyon ang tulad kong muchacha lang ang dating. Marerealize niya 'ring sya ay nararapat sa isang mga katulad niyang walang katulad.
He is Inimitable, matchless. Only. 'Yung tipong kahit cloning o carbon copy pa ay hinding hindi siya makukuha ng husto, hindi siya magagaya ng husto.
Isa siyang A One of a Kind, ganyan siya kung mailalarawan ko.
"I want to clear everything. I want you to listen to me, Mimi." saad niya saka tumigil sa paglalakad at hinarap ako.
Kinakabahan na naman ako at 'di na naman tumitigil ang kiliting nararamdaman ko.
"Madine is not belong to US. To me, to you, to US. Mimi, no one can stop US for liking each other. I want to conquer the world and shout in every faces how much I am happy right now, because of US. Sa kung anong meron tayo at sa magiging pa." saad niya at ngumiti.
Hindi ako sanay sa mga ganito. Ngayon lang may nagsasabi ng mga salitang ganyan sa akin kaya hindi ko alam kung pa'no mag react. Pero...kung anong nararamdaman ko ngayon? Siguro tuwa. Tuwang tuwa ako sa mga nangyayari. Pero sabi ko nga dahil sa sobrang gulo kong mag isip ay wala akong ibang choice kundi ireject siya. Kung manliligaw man sya, alam kong kalaunan titigil 'rin sya dahil alam kong maiisip niyang 'di ako worth it na paghirapan.