Chapter 8: Don't Skip

89 2 0
                                    

Chapter 8: Don't Skip

[Mimi's POV]

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Inay sa pamamagitan ng cellphone ay para akong nabunutan ng tinik. Ang sarap sa pakiramdam na malamang ayos lang sya. Ang sarap sa pakiramdam na makausap ulit s'ya. Habang nakahiga ako ay 'di pa 'rin tumutigil sa pagtulo ang mga luha ko pero nakangiti ako. Ito na siguro 'yung sinasabi nilang 'Tears of Joy'. Masaya ako na nakausap ko ulit sya, ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

Alas onse na ng gabi pero 'di pa ako nakakatulog kaya napagdesisyunan kong lumabas muna at pumunta sa kusina para uminom ng tubig na nasa refrigerator nila Amy.

Habang pababa ako ay may naririnig akong nag uusap. Boses ni Amy 'yung isa at sigurado ako tungkol 'don tapos 'yung isa naman ay boses lalaki. Hindi ko masyadong mabosesan ang lalaki pero...familiar ang boses nya.

Dumungaw ako para tignan 'yung kausap ni Amy pero nagulat 'din ako ng bigla silang tumingin sa direksyon ko. Nanlaki ang mga mata ko at nahihiyang bumati. Baka isipin nilang nakakaistorbo ako at dakilang tsismosa ako dahil nakita nila akong nakikinig.

Nagulat 'din ako ng makita si Thaniel na nandito. Sya 'yung kausap ni Amy. Napapangiti na lang ako sa utak ko. Sa pagkakatanda ko kasi ay may gusto si Amy kay Thaniel. Hmmm. Bakit kaya sya nandito? Omg. Baka si Amy ang tinutukoy ni Thaniel na gusto nya pero 'di pa nya pinopormahan? Pero dahil sa sinabi ko ay nagkaroon na sya ng lakas ng loob na ipagtapat kay Amy ang kanyang nararamdaman?

"S-sorry. Hehe, nakaistorbo yata ako. Iinom lang sana ako ng tubig sa kusina eh. Pasensya na talaga." paghingi ko ng paumanhin.

"W-wala. Ayos lang 'yun Mimi. May hiningi at sinabi lang naman ako kay Amy saglit. Aalis na 'rin naman ako. Sige Mimi, Amy alis na'ko" saad ni Thaniel.

Ihahatid sana sya ni Amy palabas ng Apartment pero nagpresinta na ako na ako na lang ang maghatid dahil may sasabihin ako kay Thaniel. Muka namang asong ulol na ngingisi ngisi si Amy sa'kin kung kaya't binilisan ko na lang ang paglabas at baka pagselosan pa nya ako. Ayokong sirain ang relasyong meron sila ni Thaniel 'pag nagkataon.

"Uyyy ikaw Thaniel ha. Hihi sinasabi ko na nga ba." saad ko.

Kumunot ang noo nya pero nakangiti pa 'rin.

Hinawakan nya ang buhok ko at ginulo ulit. Ewan ko kung muka bang buhok ng aso ang buhok ko kung kaya't nasasanay na syang palaging ginugulo ang buhok ko.

"What? Ano bang sinasabi mo?" tatawa tawang saad nya.

"Ah basta. Good job ka. Ayaw mo pang sabihin pero halata naman." saad ko.

Nawala ang ngiti nya at napalitan ng muka na parang natatae na at parang pinagpapawisan na 'rin sya.

"A-ano 'yung halata?" tanong nya.

Ngumiti pa ako ng mas lalo at sinundot sya sa tagiliran.

"Sus. Haha. Wala. Joke lang." saad ko.

Kung ayaw nyang sabihin sa'kin na si Amy ang nagugustuhan nya ay 'di ko na lang sya pipilitin. Baka makagulo pa ako sa plano nya kung meron man.

"Ikaw talaga Mimi." saad nya ng natatawa habang pinipisil ang mga pisngi ko.

"Samahan na lang kitang pumara ng taxi." saad ko habang tumitingin tingin sa paligid kung meron bang taxi.

"Para 'san?" tanong nya.

"Uuwi kana di'ba?" saad ko.

Tumawa sya. Pansin ko lang, bakit kaya laging masaya 'to?

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon