Chapter 11: Hindi Matatanggap

78 2 0
                                    

Chapter 11: Hindi Matatanggap

[Mimi's POV]

Pinasakay ako ni Thaniel sa kanyang kotse at inihatid sa pinagtratrabauhan ko kahit na ilang metro na lang 'din naman ang layo.

"Pa'no ka nga pala napunta kanina 'don sa pangyayari?" tanong ko sa kanya habang nagdradrive sya. Sumulyap sya sa akin at tsaka ngumiti at nagkibit balikat.

"Ewan ko 'din eh. " sagot nya at tsaka tinitigan saglit ang mata ko.

"Pa'nong ewan mo?' naguguluhang tanong ko.

Tumingin sya sa akin at napatingin 'din sya sa likod ko, nakapangalumbaba kasi ako.

Hininto nya ang sasakyan nya sa parking lot ng Mall at tsaka inilagay nya ang kamay nya sa likod ko. Ipinakita nya sa akin ang isang papel na may naka sulat na: 'Virgin pa ako. Can someone fuck me?'

Napanganga ako dahil sa nabasa.

"Nakadikit 'to sa likod mo." saad ni Thaniel habang matalim na tinitingnan ang papel.

Kaya pala. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit nagtatawanan at nagsusulyapan ang mga taong nakakasalubong at nadadaanan ko kanina. Pakiramdam ko gusto ko na namang umiyak. Grabe ang kahihiyang nakuha ko dahil 'don.

"Ang sasama nila." saad ko tsaka pinunasan ang isang patak ng luha na nalaglag sa mata ko.

"Sinong sila?" tanong ni Thaniel. Ayan na naman ang mga mata nya. 'Pag nakikita ko 'yun parang kahit papaano ay naiibsan ang sakit dahil sa pag aakalang merong nag aalala para sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at umiling. Kinuha nya ang panyo nya sa bulsa nya at pinunasan ang luha ko.

Pumasok ako sa Shop at umalis na 'rin naman si Thaniel pagka hatid nya sa akin dito.

Matalim na naman ang tingin sa akin ni Sir Philip.

"Mimi, saang baul mo naman nahukay 'yang damit mo?" saad ni Sir Philip sabay nagtawanan na silang lahat pati ang mga kaempleyado ko.

Kahit na inaasar nila ako ay hindi ko pa 'din maalis ang ngiti ko sa mukha ko. Sigurado ako sa nararamdaman ko kahit na ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko ay alam kong ito ang tinatawag nilang 'Crush'. Humahanga ako sa isang taong napaka anghel. Si Thaniel.

Alam kong mali dahil may gusto 'din ang kaibigan kong si Amy kay Thaniel at si Thaniel naman ay may gusto kay Amy, 'yun ang pagkakaalam ko.

Maghapon akong nagtrabaho, nakakapagtaka nga dahil sa kauna unahang pagkakataon ay hindi bumili si Thaniel dito. Inabangan ko pa man 'din sya ng maghapon pero 'di sya dumating, nagtext sya kanina na may practice sila ng basketball, dahil siguro 'don kaya 'di sya nakabili.

Alas sais ng hapon ay umalis na ako at uuwi na.

Naglakad ako papunta sa sakayan ng Bus dahil mas mura 'pag dun ako sasakay.

Habang naglalakad ay wala ng masyadong taong dumadaan pero madaming sasakyan at traffic na traffic pa ang daan.

Lumiko ako sa daan na walang masyadong dumadaan at mabilis na naglakad dahil nakakatakot dito. Ito lang kasi ang daan patungo doon eh.

Nagulat na lang ako ng may mabilis na humila sa bag na hawak hawak ko at tsaka mabilis na tumakbo.

"Magnanakaw. Tulong may magnanakaw." sigaw ako ng sigaw at pinilit na habulin ang taong dumukot ng bag ko pero masyado syang mabilis tumakbo. Kahit pagod na pagod na ako at parang mauubusan na ako ng hininga sa kakahabol sa kanya ay 'di pa 'rin ako tumitigil. Kailangan ko syang mahabol, nandon ang kauna unahang sweldo ko. Umiiyak na ako habang humihingi pa 'rin ng tulong at pilit na hinahabol ang magnanakaw. Hindi na 'rin siguro nakaya ng paa ko ay napasalampak na lang ako sa daanan habang humahagulgol at tinitingnang tumakbo palayo ang lalaki.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon