Chapter 52: Things In Life You Better Off Unknown

80 2 0
                                    

Chapter 52: Things In Life You Better Off Unknown

[Mimi's POV]

Wala akong kasamang bumalik ng Pilipinas.

Mag isa ko. Mag isa kong babalikan ang mga taong iniwan ko.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil nakalanghap ulit ako ng hangin mula dito sa pilipinas. Naeexcite 'rin ako...at hindi ko alam kung bakit. At...kinakabahan ako. Paano kung nandyan na silang lahat sa harap ko. Tapos...galit sila? Ano gagawin ko?

Huminga ako ng malalim at saka sumakay ng taxi. Hindi ko na problema ang tirahan dahil sa bahay ni Mommy dito sa Manila na ako titira. May mga bodyguards naman na 'daw siyang kinontact at mga katulong para makasama ko sa bahay...tumanggi pa ako noong una pero kalaunan ay tinanggap ko na 'rin. Mapilit si Mommy eh hehe.

Pagkababa ko sa sasakyan ay pinagbuksan agad ako at tinulungan sa pagbaba at pagpasok ng mga gamit ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Walang nagbago...maganda pa 'rin at nakakatuwa kasi napanatili nito ang linis. Buti na lang may naglilinis nitong bahay.

"Saan po 'yung magiging kwarto ko 'rito?" tanong ko.

"Sa taas po." saad niya at saka iginaya ako patungo sa taas.

"Ano pangalan mo?" Tanong ko para naman maging pamilyar ako sa kaniya.

Tumingin sya sa akin at saka ngumiti pero nag iwas 'din ng tingin.

"Marites po." sagot niya.

"Ba't nag iiwas ka ng tingin?" tanong ko.

"Ah eh...k-kamuka niyo po kasi si Ma'am. Tapos ang ganda niyo po." saad niya at saka ngumiti.

Tumawa ako at saka ngumiti.

"Salamat." saad ko.

Hindi ko naman maipagkakaila na may nagbago sa itsura ko. Pati na 'rin sa pananamit ko.

Nakakahawa kasi mga pinsan ko eh tapos binilhan pa ako ni Mommy ng napakadaming damit kaya natuto akong manamit ng maayos. Nakakaganda talaga ang america. Hayy. Pero mas gusto ko dito sa pilipinas.

Pumunta ako sa kwarto ko at saka nagpasalamat kay Marites bago ko isarado ang pintuan.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto at hindi na nagulat sa lawak nito. Actually, mas malawak pa ang kwarto ko doon pero mas gusto ko na itong sakto lang.

Wala pa 'rin namang nagbago sa akin eh. Pananamit ko lang ang nag upgrade.

At hindi ko pa pinagpapatuloy ang pag aaral ko. Gusto ni Mommy ni pag aralin ako pero sabi ko naman gusto kong dito ako sa pilipinas ituloy ang naudlot kong pag aaral.

Wala akong balak palitan ang Education na course ko. 'Yun pa 'rin ang gusto ko ever since. Gusto ko talagang magturo.

Inayos ko ang mga gamit ko sa closet ko. Wala naman na akong problema dito sa kwarto ko dahil malinis naman na at kumpleto sa kagamitan.

Nilapitan ko ang flatscreen tv na nasa tapat ng kama ko at saka hinaplos haplos ito. Hindi pa 'rin talaga ako makapaniwala kahit na isang taon na ang nakaraan. Dati pangarap ko lang maging mayaman.. ngayon nagkatotoo na sobra sobra pa.

Nagpalit muna ako at saka humiga sa malambot kong kama. Kailangan ko muna ng pahinga.

Bukas...gusto kong makita ang mga taong naiwan ko.

Sana mapatawad nila ako...lalong lalo na si Tantan...ko.

~

"Ate Marites. Lalabas lang po ako saglit ah. Magliliwaliw lang. Na-miss ko ang pilipinas eh." saad ko kay Ate Marites at saka tumawa.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon