Chapter 18: Priorities First
[Mimi's POV]
Araw araw ay ganun ang nangyayaring eksena. 'Pagka may pagkakataong magkita kami ni Thaniel ay ginagawa ko ang lahat para makaalis agad sa lugar na 'yon. Pagka tinatanong naman nila ako ay iba ibang dahilan ang sinasabi ko. Natatakot na nga ako eh, masyado na akong nagsisinungaling. Masyado ng malaki ang sungay ko, baka mapunta na ako ng tuluyan sa impyerno.
"Mimi, bukas Birthday ko. Punta ka ha? 'Yung venue sa bahay namin. Don't worry mga kaibigan at kayo kayo lang 'din naman ang pupunta." saad ni Gail habang nagtetake note kami ng formulas, at examples sa Math 007 namin. Si Ma'am Badua ang Prof namin dito. Terror 'din siya at napakasensitive sa ingay. 'Yung tipong kahit huni ng butiki ay naaalibadbaran siyang marinig. Walang sumusubok na magsalita sa klase niya dahil 'pag nahuling nagsalita ay papalabasin at no attendance, automatic absent kaya nga nagulat ako ng bumulong si Gail eh.
Tumingin ako sa kanya at tsaka lumingon kay Ma'am Badua na nagsusulat sa whiteboard.
"Advance Happy Birthday." saad ko saka ngumiti.
Tumingin ulit ako kay Ma'am na mukang nakaramdam na yata dahil mabilis siyang lumingon sa mga estudyante at masuring tinitigan isa-isa.
"Mahuhuli ko 'rin kung sinong 'yang bubuyog na 'yan." madiin niyang sinabi saka lumingon na ulit sa whiteboard para ipagpatuloy ang pagsusulat niya.
"Thank you, I will more appreciate it if you will attend my Celebration." saad niya saka mabilis ulit na humarap kay Ma'am na nagsusulat pa 'rin. Mukang 'di niya narinig.
Hindi agad ako nagsalita. Iniisip ko kasi, kung birthday ni Gail bukas ibig sabihin kasama si Lucky, at kung kasama si Lucky ibig 'ring sabihin ay pupunta 'rin si Thaniel.
Gusto kong pumunta at maki celebrate ng birthday niya pero...pa'no 'yung plano kong pag iwas?
"Ah Gail...Pasensya na pero mukhang 'di ako makaka- attend." saad ko ng pabulong.
Mukang 'di ulit narinig ni Ma'am kaya nagpatuloy kami sa bulungan namin.
"Ha? Bakit?" utas niya pero halata ang lungkot at inis sa boses niya.
"Eh kasi...ano eh..papadalhan ko ng pera si Inay sa probinsya..tapos wala pa akong isusuot." saad ko.
Tumigil siya sa pagsusulat at tumingin sa akin.
"Yun lang? Kung 'yun lang naman ang dahilan Mimi, just leave it to me. Ako ng bahala sa dress mo." saad niya.
Aangal pa sana ako ng magsalita ulit siya.
"I won't accept a 'no' as your answer. Please Mimi, kaibigan kita. Gusto kong nandoon ka, besides kasama 'rin naman si Amy." saad niya saka nagsulat na ulit.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.
"Pero Gail--" natigil ako sa pagsasalita ng marinig ang sigaw ni Ma'am.
"Aha! Huli ka balbon. Akala mo ha. Ms. Fernandez get your ass and things out of the room, now." sigaw ni Ma'am.
Nagtawanan ang mga kaklase ko na agad ding naantala dahil binigyan sila ng death glare ni Ma'am Badua.
"Pero Ma'am--" magrereklamo pa lang sana ako ng magsalita ulit siya.
"No but's Ms. Fernandez, that's a rule." saad niya.
Tinignan ko si Gail na natataranta at parang hindi alam ang gagawin.
Nginitian ko siya at bumulong na ok lang ako at saka ko na dinala ang gamit ko palabas ng room.