Chapter 43: Weird Stranger

60 2 0
                                    

Chapter 43: Weird Stranger

[Mimi's POV]

Pagkauwing pagkauwi ni Thaniel ay inilabas ko na agad ang mga materyales ko para ituloy ang ginagawa kong cross stitch. Kahit na alam kong gabing gabi na ay itutuloy ko pa 'din ang pagtatahi, kahit na ang mukha na lang muna ang matapos ko, bukas talagang igugugol ko ang buong oras ko para matapos ito at para sa susunod na araw, kung saan birthday na ni Thaniel ay ayos na at pwede ko ng maibigay sa kanya.

Gusto pang dito matulog kanina ni Thaniel pero dahil sa sinungitan ko sya ay napilitan syang umuwi. Hindi ko naman gustong gawin 'yun eh, ang sungitan sya pero kasi naisip ko itong gift ko para sa kanya, para 'rin naman sa kanya 'to. Ipapaliwanag ko na lang sa kanya lahat lahat kapag naibigay ko na ito sa kanya.

Natapos ako ng madaling araw na ng mata at hugis ng mukha pa lang ang natatapos. Meron pang labi, buhok pati ang katagang 'I love you Tantan' ay iistitch ko kaya nga pagkagising ko ng umaga ay imbis na breakfast agad ang harapin ko ay ito agad ang inilabas at pinaggugulan ko ng oras.

Napangiti na lang ako bigla, birthday na ni Thaniel bukas. Birthday na ng taong mahal na mahal ko. Hayy.

Dalawang oras ang lumipas magmula kanina ay sa wakas natapos ko na ang labi ng chibi na kamuka ni Thaniel. Buhok na lang ang kulang at saka ilong.

Kakalusot ko pa lang ng malaking karayom para umpisahan ang paghulma ng ilong ay biglang may kumatok sa pinto ko.

"Sino 'yan?" tanong ko.

Naghintay ako ng sagot pero walang nagsalita. Tanging katok na sunod sunod lamang ang naging sagot niya.

Ilang sandali pa ng hindi ko na natiis ang ingay kaya lumapit na ako sa pinto at binuksan ito.

Pagkabukas ko ng pinto ay ang gwapong gwapo at nakangiting mukha agad ni Thaniel ang bumungad sa akin.

Nawala ang kunot ng noo ko at saka ngumiti pabalik sa kanya.

"Good Morning." saad niya.

Ngumiti ako at saka ibinukas pa ng husto ang pintuan para makapasok sya. Pero bago sya makapasok ay tinignan ko muna ang hawak hawak niyang paper bag.

Kumunot ang noo ko at alam kong nakita ni Thaniel 'yun kaya bigla niyang iniabot sa akin ang hawak hawak niya.

"Ito na nga pala 'yung dress na sinasabi ko." saad niya.

"Akala ko ba ipapadala mo?" tanong ko at saka sinilip ang loob ng paper bag.

"Wala, nagbago isip ko eh." saad niya at saka humakbang ng isa para lumapit sa akin.

"Bakit?"

"Naisip ko kasi na 99.9% akong sure na lalaki ang magdadala nito if ever kaya napagisip isip kong ako na lang pala. Mas sigurado." saad niya ng nakangiti.

Nginitian ko sya at saka pinapasok. Pero biglang nanlaki ang mga mata ko at mabilis siyang itinulak palabas ng kwarto ko ng maalalang hindi nga pala nakatago ang cross stitch na ginagawa ko. Oh my.

"Bakit?" naguguluhang tanong niya dahil isinarado ko agad ang pintuan ng kwarto ko at sinamahan siya sa labas.

"Ah--eh. A-ano kasi...Hindi kapa aalis?" nauutal na tanong ko.

Mas lalong kumunot ang noo niya at nilipat ang tingin sa door knob ng pintuan ko.

"Gusto ko sanang magbreakfast kasama ka." saad niya habang nakatingin ng tagos at galit sa pintuan.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon