Chapter 12: Decision Making
[Mimi's POV]
Pinlit at kinulit pa ako ni Thaniel ng ilang beses pero talagang ayoko.
"Thaniel salamat na lang pero talagang ayoko." saad ko.
Mukhang bigo ang mukha nya.
"From now on, pipilitin kita ng pipilitin hanggang sa makulitan ka at tanggapin na ang offer ko." saad nya suot ang mukha ng pagka desperadong mapilit ako.
"Bakit ba importante sa'yong mapapayag ako?" takhang tanong ko.
Ngumiti sya at bumuntong hininga.
"Dahil importante 'yon sa'yo that's why importante 'rin 'yon para sa akin." napatunganga ako sa mukha nya. Seryoso ba 'sya? Kikiligin na ba ako?
"He he he. Ikaw Thaniel ha!" saad ko sabay sundot sa tagiliran nya na parang sinasabing 'wag mo 'kong binibiro.
Tumawa sya at hinawakan ang kamay kong sumusundot sa kanya.
"Mart and Lucky use to call me Tantan, at gusto ko 'din 'yon. Pero 'yung pagtawag mo sa akin ng pangalan ko. Para bang nakikiliti ang tenga ko 'pag narinig ko 'yung pangalan ko galing sa'yo." saad nya.
Naramdaman ko ang pag init ng tenga at pisngi ko. Ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Pa'no ko naman malulubayan ang nararamdaman ko para sa kanya kung laging ganyan ang sinasabi nya.
Umalis na 'rin sina Thaniel at Mart ng malapit ng magtanghalian.
Babalik ulit sana ako sa kwarto ko para umidlip konti dahil nakaramdam na ako ng antok pero tinawag ako ni Amy kaya lumapit ako sa kanya.
"Mimi, tara sa Mall." mukhang naeexcite na saad ni Amy.
Ayaw ko na sanang tumanggi at gusto ko syang samahan para sana magkaroon kami ng bonding kahit papaano kaya lang naalala kong wala na nga pala ang pera ko.
"Ahh Amy, ano eh. Ahh. Ninakawan kasi ako kahapon...w-wala akong.." sasabihin ko pa sanang wala akong perang pamasahe para samahan sya kaya lang pinutol na ako ni Amy.
"Ano? Ninakawan ka?" gulat na tanong nya.
Tumango ako dala ang malungkot na ekspresyon.
"Tangina talagang mga magnanakaw 'yan. Eh pano kana nyan? " galit na saad nya.
Nagkibit balikat ako. Maging ako ay 'di 'rin alam kung paano.
"O sige ako ng bahala sa'yo. Bibigyan na lang kita ng pera mo." saad nya.
Nanlaki ang mata ko at agad na hindi iyon tinanggap.
"Ano kaba Amy, huwag na. Masyado ka ng maraming naitulong sa akin." saad ko.
"Tanggapin mo na Mimi, babayaran mo naman 'yan 'pag may pera kana eh." saad nya.
Tinignan ko ang iniaabot nyang limang libo sa akin at agad na pumatak ang luha sa mata ko. Niyakap ko si Amy at nagpasalamat. 'Di talaga ako mabubuhay dito sa Maynila kung wala silang dalawa ni Thaniel.
"Tahan na ano kaba." saad nya habang kinakayod ang likod ko.
Humarap ako sa kanya ng nakangiti.
"Magbihis kana nga. Tara sa Mall. Ako ng magpapamasahe sa'yo." saad nya.
Tumango ako at nagmadaling pumunta sa kwarto.
Ito nga siguro ang dahilan kung bakit minsan, mas pinipili ng iba ang kaibigan kaysa sa kanilang mga mahal. Dahil ang kaibigan laging nandyadyan at iintindi para sa'yo. Sa hirap o ginhawa lagi ka nyang tutulungan.