Chapter 57: Suitcase of Memories
[Mimi's POV]
Humiwalay sya sa pagkakayakap at saka lumayo sa akin. Tinitigan niya ako at saka nag iwas ng tingin at nakita ko ang pagkuyom ng panga niya.
"Masaya na ako...with her. Nandyan sya...noong mga panahong malungkot na malungkot ako. Nandyan sya at hindi sumuko noong mga panahong galit ako sa mundo. Kaya I decided to give her a chance. Kasi...hindi niya ako nagawang iwanan."
I felt like I was stab a hundred times sa mga sinabi niya.
Tumango tango ako at saka pinigilan ang pagiyak.
"Alam ko..." saad ko.
Yumuko ako at saka pumikit ng mariin.
Alam ko...at nagsisisi na ako. Gusto ko sanang idagdag pero ng makita ko ang kotse niyang humarurot na papaalis ay bumagsak ng tuluyan ang mga balikat ko.
Naglakad ako papasok ng bahay at dumiretso sa kwarto ko.
Ito na yata ang pinakamahabang araw para sa akin dahil sa dami ng mga nangyari.
Atleast...nakahingi na ako ng tawad. Yan ang nasa isip ko. Yan ang goal ko bago ako tuluyang umalis pabalik kina Mommy.
Ngayon pwedeng pwede na talaga akong umuwi. Nakahingi na ako ng tawad, yan naman ang importante eh. At isa pa. Sa kanya na mismo nanggaling na...masaya na sya.
Nagising ako ng maaga dahil sa katok ni Ate Marites.
Tinignan ko ang oras at hindi na pala maaga. Actually, tanghali na pala. 12:00 na ng tanghali.
Bumangon ako sa pagkakahiga ko at saka pinagbuksan ng pinto si Ate Marites.
"Sorry sa istorbo pero may bisita po kayo." saad niya.
Napamulat ako at saka kumunot ang noo.
"Bisita? Sino?" tanong ko.
"Madine 'daw po ang pangalan." napatunghay ako ng marinig ko ang pangalan ni Madine.
Bakit sya nandito? Anong kailangan niya? May problema ba?
"Pakisabi po...magbibihis lang ako." saad ko at saka pumasok na sa loob ng banyo para maghilamos.
Nakakahiya naman kasi kung haharap ako sa kanya na may laway laway pa sa gilid ng labi ko.
Nagmadali akong magbihis na ang suot ay maong na shorts at saka t-shirt. Bumaba na ako pagkatapos.
Nakita ko si Madine na nakaupo sa isa sa mga sofa namin dito sa bahay at tumayo 'din sya ng makita niya akong papalapit na sa kanya.
Nginitian ko sya pero wala lang ekspresyon ang mukha niya. Seryoso lang.
"May sasabihin ka ba?" tanong ko.
"Mayaman kana pala? Kung tinatanong mo ang sarili mo kung bakit ko nalaman ang bahay niyo...simple lang. Pinasundan ko kayo kagabi sa driver ko." dire diretsong saad niya.
Huminga ako ng malalim at saka pina upo sya pero hindi sya nagatubiling umupo at nagpatuloy lang sya sa mga sinasabi niya. Kung saan man hahantong ang usapang ito...bahala na.
"Nag iyakan at nagyakapan pa nga kayo di'ba?" saad niya ulit. "Na para bang mini reunion niyong dalawa." dagdag pa niya.
"To be honest...hindi ako galit. Kahit na may karapatan na akong magalit dahil ako na ang girlfriend...hindi pa 'rin ako galit."
"Gusto ko lang sanang dumistansya ka na sa kanya Mimi. Ayaw ko ng masaktan sya ulit. He's mine now."
Sa mga lahat ng sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya at iniintindi ang nasasaloob niya.
Unti unti akong tumango at saka ngumiti.
"Alam mo wala naman ng problema tungkol sa bagay na 'yan. Kasi gaya nga ng sabi mo...sa'yo na sya. At ang sabi mong dumistansya ako sa kanya? Wag ka mag alala. Hindi naman ako lumalapit sa kanya eh." saad ko.
Mas naging umaliwalas ang mukha niya at sa wakas ngumiti 'din sya.
"That was a girl to girl conversation. I expect you to follow your words. At hindi 'yung puro salita lang." saad niya.
Tumango ako at saka ngumiti sa kanya. Ngumiti din sya at saka nagpaalam na aalis na.
Sumandal ako sa likod ng pinto pagkalabas na pagkalabas niya.
Kaya ko nga bang dumistansya kay Thaniel? Hayy. Kung sa bagay. Ilang araw na lang naman. Aalis na ako. Wala ng dapat iwasan.
Bumalik ako sa kwarto ko at saka naligo. Tubig talaga ang pinaka the best. Refreshing kasi.
Umupo ako sa kama ko ng pa-indian seat at saka kinuha ang phone ko sa bulsa ko.
Hindi pa 'rin ako nagpapalit hanggang ngayon ng wallpaper since the day I left at hanggang ngayon...muka pa 'rin ni Thaniel ang nasa phone ko.
Bumuntong hininga ako at saka pinindot ang 'change wallpaper'. Maybe dito ako magsisimula para mag move on. Ang pagpapalit ng wallpaper ko.
Napatitig ako sa button kong pipindutin ko ba o hindi. Tinatanong kasi ako kung sure ko ba na papalitan ko ang wallpaper. Hayy. Para tuloy nagdadalawang isip ako. Pang guiness world of records na 'rin 'yun noh. Isang taong hindi nagpapalit ng wallpaper.
Sa ilang minuto kong pagtitig sa button...nauwi lang sa hindi ko pagpapalit ng wallpaper ang kinalabasan.
Still...Hindi ko kaya.
Nilapag ko na lang ang phone ko sa bedside table ko at saka pumangalumbaba sa kamay ko.
Bigla akong napatingin sa tiyan ko ng hindi ko alam kung anong dahilan. At ayun nga. Bigla bigla na lang nagpop out sa akin ang mga panahong...nakayakap sya sa tiyan ko ng mahigpit at hinahalikan ito ng paulit ulit. Here I am...reminiscing those suitcase of memories...I treasured.
Sya kaya? Tanda pa kaya niya ang mga panahong iyon?
Gumagawa na siguro sila ni Madine ng bago nilang memories na magkasama.
And there...naramdaman kong parang kinurot ang puso ko. Nagseselos ako kapag nakikita silang magkasama. Nagseselos ako kapag iniisip kong...ang sweet sweet nila sa isa't isa.
May mga oras pa kayang naiisip niya ako? Mga masasayang pinagsamahan namin? Naging magkarelasyon 'din kami ng halos 8 months. And 8 months are not joke.
At yung 8 months na 'yun. Ang pinakamemorableng mga araw sa buhay ko.
________________
End of Chapter 57.
*Short Update.