Chapter 56: Porque

75 2 0
                                    

Chapter 56: Porque

[Mimi's POV]

Pagkatapos ng picture taking ay nagsimula na 'ring magsialisan at umuwi ang mga bisita.

Mga nasa walo na lang kaming nandidito ngayon. Tinignan ko kung anong oras na sa relo ko at napabuntong hininga ako ng makitang alas diyes na pala ng gabi.

Gustuhin ko mang magpaiwan pa at makasama sina Tita Pasing ay hindi na pwede. Wala akong kasamang uuwi at ang problema pa...gabi na, baka pag mas lalo pa akong magabihan dito ay mapahamak pa ako kaya lumapit agad ako kay Tita Pasing na ngayo'y nagliligpit na ng mga pinagkainan.

Nginitian ko sya ng huminto sya at salubungin ako. Niyakap ko sya agad at saka bumulong.

"Una na po ako. Salamat po...Happy Birthday ulet." bulong ko saka humiwalay sa pagkakayakap.

Ngumiti sya sa akin at saka tumango.
"Sige. Ipahatid na kita." saad niya at saka sasamahan na sana ako palabas ng hindi ako nagpatianod.

"Hindi na po kailangan." saad ko kasabay ng pag iling ko.

"Sigurado ka?"

Tumango ako at saka nginitian sya to assure her na ok lang talaga.

Nagpaalam 'rin ako kay Gail at Amy bago tuluyang lumabas at saka naghintay ng masasakyan.

Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang kotse ni Thaniel na nakapark roon. Hindi na ako nagpaalam sa kanya. Wala 'din naman siyang pakielam kung sakali.

Tumingala ako sa langit at nakitang walang mga bitwin ang nakalitaw.

Uulan pa yata. Saad ko sa sarili ko.

At hindi nga ako nagkamali ng bigla biglang pumatak ang patak ng tubig sa pinakadulo ng ilong ko.

Pinunasan ko iyon at saka tumingin tingin sa paligid kung may nadaan na bang sasakyan at nakahinga ako ng maluwag ng may dumaan nga pero hindi naman ako hinintuan.

Huminga ako ng malalim at saka hinarang sa ulo ko ang bag ko at naglakad ng mabilis paalis doon.

Habang lumalayo ako ay mas lalong lumalakas ang ulan. Bwisit. Bakit ngayon pa? Ngayon pa na wala akong dalang payong. Tapos isa pa itong mga sasakyan na 'to. Ba't ba ayaw nilang huminto? May pambayad naman ako ah.

Lakad lang ako ng lakad at hindi iniinda ang sumasakit ko ng paa. Nakasandal kasi ako at halos iika ika na 'rin ako sa paglalakad para lang makaalis ng mabilis at makahanap ng sasakyan.

Nakakawala ng poise. Hassle. Lahat na. Hindi ko hate ang ulan pero sa mga pagkakataong ito hate na hate ko na sya. Basang basa na ako. Sobrang lakas na ng ulan. Walang tumitigil na sasakyan. May imamalas pa ba ako ngayong araw?

Halos patakbo ko ng nilalakad ang daan at ewan ko ba kung sinagot lang ang tanong sa akin kung may imamalas pa ako ngayong araw o talagang tanga lang ako at hindi ko napansin ang medyo malaking bato na nasa paanan ko kaya ang resulta.

Nadapa ako.

Nabitawan ko ang bag ko na pinagsisilungan ko.

Ngayon hindi na lang ako basa...putik putik na 'rin ako.

Umupo ako sa kalsada at saka ininda ang sakit ng sugat ko sa bandang tuhod. Pero napaharang ako sa mga mata ko ng may sumilaw na ilaw ng kotse na papunta sa gawi ko.

Narinig ko ang pagbusina nito at saka ang pagbukas ng pinto.

"MIMI!!"

Mabilis kong inalis ang pagkakaharang ng mga braso ko sa mata ko ng marinig ko ang sigaw na 'yon.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon