Chapter 42: Talk About The Gifts

68 2 0
                                    

Chapter 42: Talk About The Gifts

[Mimi's POV]

"Anong regalo mo kay Thaniel sa birthday niya?" tanong ni Amy habang nasa sala kaming dalawa at nanonood.

"Hindi ko nga alam eh." saad ko.

Actually napagisipan ko na ang magiging regalo ko. Ayaw ko lang munang sabihin sa iba dahil nahihiya ako. Plano ko kasing gumawa ng stitch. Ilang araw na lang birthday na niya, lagi akong magpupuyat para lang matapos ko 'yon tapos plano kong ilagay sa isang frame bago ko ibigay sa kanya.

"Hindi mo pa alam? Nakuu, baka naman kasi ibang gift na ang hinihingi niya sa'yo ha Mimi? Baka mamaya magulat na lang ako nakabalot kana ng gift wrapper tapos ready to serve na kay Thaniel." saad ni Amy.

Tumawa ako sa sinabi niya.

"Ikaw ba? Anong gift mo sa kanya?" tanong ko.

"Pwede na siguro ang isang pares ng paborito niyang brand ng sapatos." saad niya.

Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Mas lalo akong nahihiyang sabihin sa kanila ang magiging regalo ko. Tiyak na libo libo ang magiging gift nila samantalang ako...baka isang daang piso lang ang halaga.

Dali dali akong pumunta sa isang store kung saan ko bibilhin ang mga materyales na kailangan ko at bumalik 'din agad sa Apartment pagkabili ko para simulan ng gawin ang regalo ko para kay Thaniel. Sana magustuhan niya ito kahit na nakakahiya man. Ako ang girlfriend pero parang ako pa ang may pinakapanget na gift sa kanya.

Nagdownload ako kanina ng picture ng isang chibi ng lalaking may maamong mukha, ito ang magiging pattern ko sa pagtatahi. Natutuwa nga ako sa chibi eh, hawig na hawig kasi sila ni Thaniel kaya habang tinatahi ko ay napapangiti at napapatawa na lang ako ng wala sa oras. Napahiyaw ako ng 'di ko sinasadyang matusok ang daliri ko, dumugo siya ng konti pero hindi ko na lang pinansin dahil malapit ng maggabi at kailangan meron akong matapos kahit na 'yung hugis ng muka man lang at 'yung mata nung chibi ang matapos ko ngayon.

Dalawang araw mula ngayon, birthday na ni Thaniel. Sabi niya sa araw 'din na 'yun niya ako ipapakilala sa buong pamilya niya. Seryoso ba sya sa sinabi niyang buo? As in buo talaga? Walang labis walang kulang? Huminga ako ng malalim at saka pumikit. Iniisip ko pa lang ang pwedeng maging reaksyon ng pamilya niya sa akin ay kinakabahan na ako. Ayaw kong magassume na pwede 'rin akong magustuhan ng pamilya ni Thaniel kagaya niya pero umaasa ako.Umaasa ako na magustuhan nila ako para kay Thaniel.

"Mimi ko..." bulong ni Thaniel at saka yumakap sya mula sa likuran ko.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagulat na lang ako ng bigla syang sumulpot. Buti na lang at nakatago na ang stitch na ginagawa ko. Ayaw ko namang makita niya 'yon ng hindi pa tapos.

"Namiss kita, Mimi ko. Ano bang pinagkakaabalahan mo at bakit 'di ka pumayag makipagdate sa akin kahapon?" tanong niya at bakas sa boses niya ang pagkalungkot.

Busy kasi ako sa ginagawa kong regalo para sa'yo. Yan ang gusto kong sabihin pero ang ginawa ko na lang ay humarap ako sa kanya at saka hinlikan sya sa ilong niya.

"Na-miss 'din kita, Thaniel ko. May pinagkakaabalahan kasi ako na hindi mo pa pwedeng malaman sa ngayon eh." saad ko.

"Sino? Lalaki ba 'yan? Kaklase mo? May gusto ba 'yan sa'yo?" sunod sunod na tanong niya.

Tumawa ako at saka kinurot siya sa magkabilaang pisngi.

"Hindi sino, kundi ano." saad ko.

Tumango tango sya at saka hinila ako palapit sa kanya para yakapin ako.

"Kung ano man 'yan, Mimi. Bakit hindi ko pwedeng malaman?" tanong niya.

He's One Of A KindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon