Chapter 2: Mr. Villanueva
[Mimi's POV]
Natapos kong kumain ng tanghalian ay naisipan kong 'dun din sa hapon na 'yon ko planong magsimulang maghanap ng trabaho. Napakalaki ng Maynila at marami ang lumuluwas galing Probinsya para lamang makapunta dito sa Maynila dahil alam naming marami ang trabahong naghihintay sa amin dito.
Bago ako lumabas ng Apartment nila Tita Pasing na tinutuluyan ko ay hinabol ako ng tawag ni Amy.
"San' ka pupunta?"
Tutal alam naman na nyang trabaho ang pakay ko rito ay marahil dapat ko ding sabihin ng sa gayon naisip ko din na masyadong delikado at marami akong nababalitaang mga krimen ang nagkalat dito kung kaya't 'pag sinabi ko sa kanya ang pupuntuhan ko ay pwede syang makatulong 'pag nagkataon. Ay ano ba 'yan. Masyado akong nega at advance mag isip. Kakarating ko lang galing ng Maynila ay kamatayan ko agad ang naiisip ko.
"Maghahanap na ako ng Trabaho" sagot ko sa kanya.
Umaliwalas naman ang kanyang muka sabay hinawakan nya ang aking braso kaya nagulat ako.
"Pwedeng sumama? Ang boring dito sa Apartment eh. Please! "
Pwedeng pwede ko naman syang isama kaya lang mas mabuti ng ako ang malagay sa panganib kesa magdala pa ako ng magiging arko ko 'pag nagkataon. Hay ewan ko sa'yo Mimi ha! Napaka nega mo talagang mag isip. Jusko 'wag sanang magkatotoo ang mga naiisip ng utak ko.
"Ah 'wag na. Mapapagod ka lang eh! " saad ko sa kanya na ikinahaba naman ng nguso n'ya.
"Ui ito naman. Sige na. Isama mo na ako. Hindi mo pa naman alam ang pupuntahan at pasikot sikot dito diba? Malaki ang maitutulong ko sa'yo. Trust me. Di ako magiging pabigat. Bagkus ay ako pa ang magiging susi sa pagkakahanap mo ng trabaho" saad nya.
Kung iisipin ang sinabi nya. May punto naman sya. Wala pa naman talaga akong alam patungkol sa pasikot sikot dito at hindi ko rin naman alam kung 'san din ako mag uumpisa sa paghahanap.
Huminga ako ng malalim at tumango sa kanya.
"Sige na nga" pagpayag ko sa gusto nya.
Sumilaw naman ang ngiti sa kanyang labi at agad na nya akong hinila palabas ng gate.
"Hindi ka ba magpapaalam muna sa Mama mo bago tayo umalis?" nagtatakhang tanong ko.
Hinarap naman nya ako at tsaka mabilis na umiling.
"Hindi na kailangan dahil sanay naman na 'yon na lagi akong lumalabas ng walang paalam. Haha at tsaka bakit pa ba? Matanda naman na ako. Di na ako bata." saad nya.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Kahit na matanda na sya, dapat ay nagpapaalam pa rin sya dahil sabi ko nga kanina pa'no na lang kung may masamang mangyari sa kanya? Sinong nakakaalam kung sinong huli mong nakasama?
Hayy! Masyado na siguro akong nag iisip. Marahil ay kasama lamang ito sa mga step ng adjustment. Makakaraos 'din ako rito.
Pumara sya ng Taxi at agad kaming sumakay papunta sa likuran ng sasakyan.
Tinanong ako ni Amy kung 'san daw ba ang una naming pupuntahan pero sinagot ko sya ng pagkagat ng labi ko. Wala akong alam. Umiling lamang sya at sinermonan ako na pa'no na lang daw ba kung hindi sya nag insist na sumama eh 'di sana nasa listahan na daw ako ng presinto kung saan ipapahanap nila ako. Natawa na lang ako sa sinabi nya. Buti na nga lang talaga pumayag akong sumama sya.
Habang nasa biyahe ay binasag ni Amy ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"So, hanggang saan lang ang natapos mo?" tanong nya.