Chapter 46: Stay Like This Forever
[Mimi's POV]
Pagkauwi ko ng gabing iyon ay kama ko agad ang hinarap ko at natulog.
Nagising na lang ako dahil sa maingay na pagring at vibrate ng phone ko. Kinuha ko iyon at saka sinagot ang tawag kahit na hindi ko pa nakikita kung sino 'yung tumatawag.
"Hello?" medyo garalgal pa ang boses ko dahil kakagising ko lang at nakapikit pa ako dahil sa antok.
"Mimi?" malakas na saad ng tao sa kabilang linya.
Pinilit kong idilat ang mata ko at saka tinignan ang pangalan ng tumatawag pero unknown number lang ang nakalagay.
Sino 'to? Ba't niya alam ang pangalan ko?
"S-sino 'to?" tanong ko.
"Ay oo nga pala. Ako si Paula. 'Yung pinasakay ka sa kotse noong papunta kang Mall? Natatandaan mo ba?" tanong niya.
Paula? Ahhh. Oo nga pala. 'Yung weird na babae na mukang nasa twenty ang age na pinasakay ako sa kotse niya.
Bakit kaya napatawag ito?
"Natatandaan ko po kayo. Bakit po?" tanong ko.
"Pwede ba tayong magkita?" tanong niya.
"P-po? Bakit naman po?" bigla akong napabangon pagkasabi ko niyan.
Napatingin ako sa oras at alas diyes na pala ng umaga. Napakamot ako sa mata ko at saka hinintay ang isasagot ni Paula.
"Gusto pa kita makilala eh. Ahm makipag friend? Pwede ba?" tanong ulit niya.
Kung hindi lang sobrang ganda nitong babaeng ito at kung hindi parang pangmodel ang kutis at poise aakalain kong tiboom 'to. Bakit naman kasi niya inaaya makipagkaibigan ang isang katulad ko in fact sa ganda niyang iyon marami syang pwedeng maging kaibigan.
"Ah O sige." pagpayag ko.
Gusto ko 'rin naman kasing maging kaibigan sya eh. Para kasing katulad nila Gail at Amy mukang makakasundo ko 'din sya. Mukang mayaman pero maganda naman ang ugali.
Sinabi na niya sa akin kung saan kami magkikita kaya naligo at nagbihis agad ako.
Tinignan ko muna ang singsing ko na bigay ni Thaniel na kumikinang kinang habang nasisinagan ng araw bago pumasok sa taxi.
Pagkarating ko sa park na pinagusapan namin ni Paula na pagkikitaan namin ay nakita ko na agad sya na kumakaway sa akin na nakaupo sa duyan.
"Hi." bati niya ng nakangiti.
"Hello." bati ko naman.
Ngumiti ulit sya at saka biglang tumahimik. Walang nagsalita pero naguguluhan ako sa pagtitig niya sa akin.
"Alam kong nagiging stranger na ako sa iyo pero...gusto sana kitang isama sa bahay. I mean, let's cook and bake there, hobby ko kasi 'yun." saad niya pagkatapos ng mahabang katahimikan.
Tinitigan ko muna sya bago nagsalita.
"Ah oh sige ok lang." saad ko.
Ngumiti sya at saka naglakad kami papunta sa tapat ng isang kotse.
Pumasok sya sa driver's seat at saka pinapasok 'din niya ako sa tabi niya sa front seat.
Habang nasa biyahe ay naiilang pa 'rin ako kasi nakikita ko siyang sumusulyap sulyap sa akin.
"Taga saan kaba?" tanong ko.
Para naman alam ko kung saan niya ako dadalhin.
"Actually galing akong Los Angeles pero merong bahay dito ang amo ko." saad niya.